"Andami ng nagbago" saad ko kay helena ang aming kasambahay.
Habang kami ay sabay na nag uumagahan dahil pagkagising ko ay umalis sila ama
"Ilang araw palang ang nakalipas mula sa pagbalik niyo... Binibini baka hindi na talaga kayo sanay sa ganito" sambit niya
"Oo hindi na napansin ko andami ng nagbago dito pati ang pakikitungo sa akin ng mga tao...
Nagbago na din pati ang sitwasyon namin ni ama at ang pakikitungo niya sa akin" Malungkot kong sambitDahil para bang hangin ako na dinadaan-daanan lamang at galit na galit tuwing ako ay nakikita
"Ganoon po talaga binibini ang tagal niyo pong nawala dito simula nun naging malungkot na po ang buong mansyon dati po halos gabi-gabi na umiiyak si binibining maria dahil na mimiss niya na daw ang kanyang unica iha at dahil dun hindi mapigilan ni Ginoong Favio na mainis makita siyang umiiyak"
Napatulala nalang ako sa kwento niya saakin.. napakasakit marinig na umiiyak si ina gabi-gabi dahil sa akin... Bata palang ako ayaw na ayaw na ni ama na makita ni isa sa amin ni ina ang umiiyak sa harapan niya dahil naiinis siya makitang lumuluha ang kanyang Reyna at Prinsesa. Kaya dahil dun ibinubuntong ni ama lahat ng galit niya sa akin kasabay pa non ang pag alis ko ng hindi nakapagpaalam ng maayos sakanya.
Pero tapos na nag lahat naging tama ang desisyong napili ko at gagawin ko ang lahat upang mapatunayan kay ama ito.
BINABASA MO ANG
La Familia Es Amor❤
Historical Fiction"Doktora Deighn E. Favier" Ang ganda pakinggan noh? Parang napakasarap sa pakiramdam maging profession mo na ang iyong pinapangarap... Ngunit bago mangyari lahat ng yon ay marami ka pang mapagdadaanan at mararanasan Maari ka makaramdam ng saya,ng...