Pang anim na kabanata

10 0 0
                                    

Makalipas ang ilang taon naghahanap parin ako ng solusyon na lunas sa sakit ng aking ama at hindi ako titigil hanggang maging mabuti ang kalagayan niya pero sa ngayon ay binibigyan ko siya ng gamot na maaring magpalakas sa kanya
Kahit na ayaw niya tangapin at inumin ito.

Andito ako sa aking opisina habang nagtitingin ng rekord ng aking mga pasyente dito sa ospital na pinagtratrabahuan ko dito sa manila

Iniwan ko na naman ang aking pamilya pero nagpaalam na ako kay ama at wala naman siyang sinabe tungkol dito.. aaminin ko hindi parin kami nagka kaayos ni ama dahil malayo parin ang loob niya sa akin ngunit hindi ako sumusuko mabalik ang dati naming pagsasama na magkasundo sa lahat ng bagay kahit na takot talaga ako sakanya.. sa kung anong gawin niya.

May kumatok bigla
"Dok? Doktora deighn gising na po ang pasyente sa room number 4" sambit ng nars na nagtratrabaho para sa akin.

"Sige papunta nako saglit lang aayusin ko lang to"

Pagkaalis niya ay may kumatok muli

Pagkabukas ng pinto "Doktora Deighn? Maari po ba akong pumasok?" Napahinto ako sa aking ginagawa... Boses yon ni ina
Ano ang ginagawa niya dito?

"Ina ano po ang ginagawa niyo dito?" At niyakap siya ang tagal din namin di nagkita dahil halos hindi nako nakakbisita sa bahay dahil sa dami ng gagawin dito sa ospital

"Anak... Pumunta ako dito para ibigay to maglulunch kana ba?" sabay abot niya sa akin ng dalawang supot ng pagkain

"Salamat po ina maglulunch na din po may pupuntahan lang po dito ka muna po tapos sabay na po tayo kumain"

"Bago ka umalis dalhin mo muna yang isa pang supot ng pagkain sa may labas.. may naghihintay sayo doon" nakangiti niyang sambit

"Sino po ina?" Tanong ko

"Puntahan mo na para malaman mo.." nakangiti niya paring sambit

"Sige po sandali lang po babalik ka agad ako"

Hindi ko mankilala ang sinasabi ni ina na may 'naghihintay' sa akin ay lumabas parin ako para malaman kung sino ito

Nakita ko ang isang lalaking nakatalikod at nakaupo malapit sa kabilang building ng ospital... Nakatalikod pa lamang siya ay nakilala ko na agad kung sino siya.

Lumapit ako sakanya at tinabihan siya

Nakatingin lang siya sa akin at hindi nagsasalita

"Ama bakit ka po andito? Magpahinga ka muna po sa bahay.." saad ko

"Huwag na malakas pa ako kaya ko pa ito..." May kaunting ngiti sa kanyang labi na matagal ko ng di nakikita

Napangiti ako dahil kahit na nahihirapan na siya sa kondisyon niya ay hindi parin siya sumsuko.

"Ama...alam mo bilib ako sayo dahil kahit na nahihirapan ka na sa sakit mo ay tinitiis mo lang ito at ipinapakita mo sa amin na malakas ka"

"Malakas naman talaga ako..." at tumawa siya ng mahina

"Deighn alam mo mas bilib ako sayo"

Napatingin ako sakanya

"Bakit po?"

"Kasi andito kana natupad mo ang mga pangarap mo..."

Para bang nabunutan ng tinik ang puso ko na matagal ng nakabaon dito

"At dahil kahit na pinagtatabuyan kita palayo.. ay nag-aalala ka parin sa akin"

"Oo naman ama kahit na anong psgsubok pa yan gagawin ko para mapasaya ka" at tuluyan ng lumabas ang kanyang mga ngiti

Ilang minuto din kami nakapag-usap ni ama at napakasarap sa pakiramdam na unti unti ng bumabalik sa dati ang lahat.

"Mauna na po ako ama kailangan ko na po bumalik sa aking trabaho... Paalam na po" nakangiti kong sambit sabay tayo at naglalakad na palayo...

"Paalam, Doktora Deighn" rinig kong sambit ni ama na lalong nagpasigla sa akin napalingon ako sakanya at niyakap siya.

"Salamat po ama... Salamat."

"Salamat din Anak..." At niyakap niya ako pabalik.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 19, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

La Familia Es Amor❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon