Pang apat na kabanata

4 0 0
                                    

San pedro, taong 1985

Makalipas ang limang taon ay nakabalik na ako ng pilipinas.

"Binibini Andito na tayo sa tapat ng mansyon ng pamilyang favier"

Hindi ko namalayan nakatulala na pala ako dito at bumabalik sa dati kong tahanan.

Dahan-dahan akong naglakad papasok sa aming mansyon marami na ang nagbago dito dumilim ito at para bang nawalan na ng sigla ang buong lugar.

"Deighn Ikaw na ba yan?" Pilit ako inaaninag ng aming kasambahay.

Lumabas ako mula sa dilim at tumapat sa liwanag

Lumaki ang kanyang mga mata sa gulat.." Binibini Dei! Ako ay labis na natutuwa sa'yong pagbalik " Masayang saad niya sa akin.

"Kamusta kana Helena?"
Tanong ko sa aming kasambahay na ngiting ngiting nakatingin sa akin

"Mabuti naman po Binibini... Ikaw ay nagbalik na napakatagal ka namin hinintay"

Ilang taon din ako nawala upang lumipad at mag-aral ng medisina sa Amerika... pero ngayon ako ay nagbalik na.

"Halika binibini puntahan na natin ang iyong mga magulang" saad niya
ngunit dahan-dahan nawala ang mga ngiti sa aking labi.

Habang naglalakad ako ay napaisip ako, natanggap na kaya nila ang aking pag-alis?

Hinihintay kaya nila akong bumalik?

Habang naglalakad kami papunta sa hapag kainan ay laking gulat ko na nagbago na ang malaking kuwadro na bumubungad pagpasok sa aming mansyon.

"Nawala na ako sa aming litrato... buong pamilya"

Ang litratong pinakamalaki sa lahat kasunod ang litrato ng aking mga ninuno sa iba't ibang henerasyon.

Pinalitan na nila ito at nagpakuha ng mga bagong litrato na wala ako

"Binibining Maria... mayroon po kayong bisita" nakangiting sambit niya.

"Ina!!" Sambit ko Sabay takbo palapit sakanya.

"Anak? Ikaw na ba yan?" Naguguluhang tanong niya at tinignan ako ng maigi

Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

Napakagaan ng aking pakiramdam mayakap at makita siyang muli.

"Kamusta kana anak? Sa wakas at ikaw ay nagbalik na" mangiyak ngiyak niyang sambit.

"Mabuti naman po ina.." hindi ko mapigilan ang saya na aking nararamdam

Pagka kawala ko sa pagkayakap niya sa akin ay tumalikod na ako at tumingin kay ama na hindi ma alis ang tingin sa akin.

"Bakit ka andito? Hindi ba umalis kana?" Walang emosyon na tanong ni ama

"Ama! Nagbabalik na po ako dito sa atin magkakasama na ulit tayo!" Masigla kong sambit... Ngunit walang nagbago sa ekspresyon niya.

"Ama..." Mahina kong sambit dahil nanatili lang siyang nakatingin sa akin.

Kung makikita mo ang kalagayan niya mahahalata mong malubha na kanyang karamdaman.

Nanahimik ako ng saglit... Iniisip kung ano pa ang dapat kong sabihin

"Halika rito at tayo ay maghapunan na"
Pagiiba ni ina ng usapan sabay hila sa akin pa upo sa hapag kainan

"Maganda naman ang aking naging buhay doon..." Nakangiti kong sambit habang nagkwekwento kay ina tungkol sa aking mga naranasan sa aking pag-alis

"Anong nangyari at naisipan mong bumalik dito? Naging matagumpay ba ang pag suway mo sa aking utos" Sambit ni ama na nagpatigil sa akin

"Bumalik po ako para sainyo ama... nabalitaan ko ang naging kondisyon niyo andito po ako para alagaan ka"

"Tinatanong kita. At sa tagal mong nawala yan lang ang ma ibibigay mong rason sa akin?" Ramdam ang inis sa tono ng boses niya

Nanahimik ulit ako... Hindi parin nawawala ang takot ko sa tuwing kausap ko siya

Ngunit napa-isip ako Tama nga siya napatagal ang aking pagbalik.

Nakakalungkot isipin na pagbalik ko dito ay ganun parin ang nasa isip niya.

Mali nga ba ang aking naging desisyon?

O kinokonsensya niya lang ako?

Naging matagumpay naman ang aking pag-alis nakapagtapos ako ng pag-aaral at handa na maglingkod sa nakararami ngunit bakit parang may mali parin?

Hindi agad ako nakasagot sakanyang tanong at nanatiling tahimik

"Umalis kana... Huwag ka ng magpapakita sa akin" saad niya sabay alis sa kanyang inuupuan.

Naiwan ako dun na parang bang pinagsakluban ng langit at lupa at hindi maipinta ang aking mukha.

"Bumalik ako para sayo ama.. sana ay mapatawad mo na ko".

La Familia Es Amor❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon