Andito na ako ngayon sa terminal ng paliparan..
"Mamimiss ko ang pilipinas"
"Mamimiss ko ang aking mga magulang"
"Mamimiss ko ang aking mga kababayan" sunod sunod na saad ko habang nakatingin sa mga ulap dito sa may bintana ng eroplanong sinasakyan koPinipilit ko ipikit ang aking mga mata ngunit hindi parin ako matulog dahil kahit wala pa ako sa amerika hindi parin ma alis sa akin ang pangamba kung tama ba itong desisyon ko o kung kakayanin ko ba ito
Ang desisyon na ito ay ako at si ina lamang ang may gusto dahil tutol si ama dito
Kami ay kilala bilang isa sa mga pinakamayaman at matulungin na pamilya doon sa lugar namin hindi kami nawawala kapag nangangailangan ng tulong ang mga kababayan namin
Sa aming pamilya ako ang pinakamalapit sa mga taong nakatira sa aming baryo dahil pinalaki ako ng aking mga magulang maging palakaibigan at matulungin sa iba at dahil doon na ako nagkamalay ay halos lahat na ay kilala ko doon sa amin.
Ngunit napagdesisyonan ko na umalis muna at pumunta sa amerika upang makapagpokus sa aking pag-aaral pero habang tumatagal hindi ko maiwasan ang pagsisisi sa aking pag-alis.
Una ayaw ni ama ang naging desisyon kong ito dahil ayaw niya malayo ako sa amin dahil ako ay nag iisang anak lamang
Pangalawa malulungkot si ina sa bawat araw na wala ako sakanyang tabi
At pangatlo maraming malalapit sa akin ang may ayaw sa aking pag-alis
Ngunit kahit na ganon buo parin ang aking desisyon na maglayag sa ibang lugar para na rin sa aming lahat.
BINABASA MO ANG
La Familia Es Amor❤
Fiksi Sejarah"Doktora Deighn E. Favier" Ang ganda pakinggan noh? Parang napakasarap sa pakiramdam maging profession mo na ang iyong pinapangarap... Ngunit bago mangyari lahat ng yon ay marami ka pang mapagdadaanan at mararanasan Maari ka makaramdam ng saya,ng...