-------KLEIDIN"S POV------------
'Hey kamusta na sa inyong dalawa?'--->Ethan
Si BOAST di sumagot.
'Ah okay lang..'--->Sabi ko
'Thanks sa pag-aalaga mo diyan kay Chase ha.Teka,nagthank you na ba siya sayo?'
Di na lang ako umimik.
'Bakit ako magtethank you diyan? Obligasyon niya yun no.Dahil P.A ko siya'
AWWW! Sakit eh! Grabe naman ang panlalait nya! Tagos!BANG!
'Alam mo bang pinakiusapan ko pa yan si Klei na alagaan ka.Buti na nga lang at mabait siya.Di ka niya pinabayaan'--->MAck
'Tssss...'---->Chase
'Caleb...'
0_____0 Aba himala,nagsalita si Blake! Pero sino yung binanggit niya?? Napatingin ako kay Boast,nakatingin sya kay Blake..
Siya kaya yun?? Yung CALEB??
'Uniform ba yun ni-----'---->Blake
'Wag mo nang itanong.Dahil alam mo na ang sagot.'---->Chase
'Oo nga Blake,kita naman.sa Kwelyo palang.Yung Letter E.Siya lang naman ang tanging may ganun dito sa school dati eh'--->Ethan
Tiningnan ko yung kwelyo.Oo nga! May Letter E! Pero ano kayang ibig-sabihin nito??
'E anong ibig-sabihin ng letter E???'---->Ako
'EWAN...'---->Mack
'Ha?? EWAN ang ibig-sabihin ng E??'
'Hahahhaha! Oo! Kasi ang nagsuot niyan,EWAN! Pwede ding Ethan!'---->Mack
'Bakit,nagsusuot ba ng ganito si Ethan??'--->Ako
'Hoy ano ka ba Mack! Ginagawa mo kong bakla ah! ahahhahha!'---->Ethan
'Hahahahahah!'---->Mackenzie
Tapos si Chase biglang lumabas.Parang nabadtrip lalo ah.
'Anong nangyari dun?'---->Ethan
'Alam mo na....baka..dahil dun...'---->Mack.
Tapos kumindat si Mackenzie kay Ethan.Ano ba yan,lagi na lang nila hindi tinutuloy.Napatingin ako kay Blake,GOSH! Nakatingin pala
siya sa kin! Naalala ko tuloy yung panyo! Di ko pa nasasauli sa kanya eh! Ano ba yan,2 na yung panyong nasa akin eh!
Yung isa kay BOAST,yung isa kanya!
Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya...
'Hindi ako makakaattend ng first period ha.'---->Blake
0______0
Bakit kaya??? Lumabas siya.
'Hayaan mo na yun Klei.Tara na'---->Ethan
'Uhm..Wait lang.May aasikasuhin lang ako'---->Ako
'Pero almost time na,baka malate ka'---->Mack
'UUUhhhmmm...pasabi na lang sa teacher natin.Please?? At pati na din kay Slater.Sabihin niyo,wag siyang mag-alala sa kin.Okay
lang ako.Thanks'
Tapos lumakad ako ng mabilis papalabas.Ewan ko ba kung bakit ko biglang gustong sundan si Blake.Parang may nagpupush sa kin.
'Actually,3 months ago lang ako naging ganito.'
Hay nako! Pumasok na naman sa isipan ko yung sinabing yun ni BOAST eh!Ayoko nang maisip yun!
Nakita ko si Blake,parang papunta siya sa roof top ah.Baka nga...kasi dun teritoryo niya eh.