[Longest] Prologue xD

30 0 0
                                    


"TANGA KA BA?! O tanga ka lang talaga?   Look at yourself , how can I love  you kung ganyan ang itsura mo?? Kahit sa kuko man lang walang wala ka kay Diane, Diane was a perfect woman, she's the one who makes my heartbeat . And now tatanungin mo sakin kung sino sa inyong dalawa ang pipiliin ko??  Can't you state the obvious?? RILEY WAKE UP!! SI DIANE ANG MAHAL KO!  H-hindi ikaw!!  Lahat ng nangyayari satin ay isang kalokohan lang at... Pinaglalaroan lang kita. Hindi kita sineryoso dahil para sakin isa ka lang laruan na pwedeng pag tripan at paglaruan  . Hindi ka maganda, ambaho mo!  Please.. ako na ang nagmamakaawa para layuan mo na ako... you're just nothing to me ... please... "

Lahat ng mga salitang tinatapon niya sa akin lahat ng yun sinalo ko kahit masakit tinaggap ko dahil yun ang katotohan. Kahit baliktarin pa man natin ang mundong kinatatayuan natin, di parin magbabago ang realidad sa kasinungalingan.

Bakit niya to nagawa sakin? Anong rason niya para gawin niya to sakin?

ilang ulit ko nang pinipigilan yung mga luha ko na bumagsak pero ang traydor parin nila sakin  , tuloy tuloy lang sila at nag uunhan pang lumabas sa namamaga kong mga mata. Kagabi pa ako umiiyak, di ko parin yun matatanggap na wala na kami. Bakit niya ba yun nagawa sakin??! Masaya naman kami nung una Lahat perpekto, lahat masaya. Until one day dumating si Diane ang kinaiinisan ko sa lahat ng tao sa balat ng lupa. Gumulo na yung buhay ko nung dumating siya at nawala na ang lahat lahat samin. Bakit ang unfair ng mundo??!!!

"L-Last na lang talaga.... matatanggap mo pa ba ako bilang kaibigan na lang...? " nauutal kong tanong sa kanya sabay ang pag biyak ng aking puso. Umaasa parin kasi ako sa salitang "Joke lang Riley haha to naman di mabiro sorry na ikaw talaga yung mahal ko wag ng magalit oh please Mahal " pero kahit isa man lang dun wala akong narinig at mas lalo pa itong pinapatay ang puso ko.

Napalunok na lang ako dahil nagbitiw na ako ng salita na panghuli ko ng tanong ito.  Wala na akong pakealam kung nakakahiya o hindi ang ginagawa ko dahil sa oras na ito, hinihintay ko na lang  yung sagot niya . Kahit kaibigan lang... kuntento na ako.

"Riley... you deserve someone better than me.... I know he's out there waiting for you to open your heart to let him love you...don't  waste your time to wait me for my answer "

at tumalikod na siya , bakas parin sa likod niya ang pagkamuhi niya sakin. Dala ng emosyon ay bigla na lang akong bumagsak sa sahig at napahagulhol sa iyak. Pinalalabas ko na lang ang mga luha ko na kanina pang gustong makawala . Para silang mga preso na nag sisiunahang lumabas at makawala. 

I'm broke...

Hindi niya nasagot ang tanong ko . Yun na lang?? Ibig ba niyang sabihin ay kailangan ko nang lumayo sa kanya?  Mag pakalayo?? Umalis ng luhaan?? 

Hindi ...

Hindi dapat dito mag tatapos Riley,

It's not yet over...

"TANGA KA BA?! O tanga ka lang talaga? "

Oo nagpapakatanga ako dahil minahal kita . Dahil gusto ko perpekto ang lahat. Dahil akala ko yun na ang katapusan natin.. happy ending.  At dahil pinaniwala mo ako sa kalokohang forever na yan. How come nagiging ganito ang lahat ??

" Look at yourself , how can I love  you kung ganyan ang itsura mo??"

Oo nga naman , pano mo ako mamahalin kung ganito itsura ko?  Panget na tanga pa. Tss.  King kung tutuusin..

" Kahit sa kuko man lang walang wala ka kay Diane, Diane was a perfect woman, she's the one who makes my heartbeat ."

Walang wala talaga ako kay Diane  . Compared to her. Balingkinitan ang katawan, maputi na parang ginawa ng pagkain ang glutathione at nag laklak ng pampapaputi  sa katawan . Top student sa school kung saan pinapasukan ko rin. At mayaman, edi nasa kanya na ang lahat . Perfect na nga sa kanya diba??! at di naman ikapagdududa na walang lalaki ang hindi ma fafall sa kanya, kakausapin ka lang ni Diane big deal na sa lahat. Ngingitian ka lang niya parang nilipad ka na kasabay ng mga anghel . Yun ang pag aakala ng mga kalalakihan sa school namin. Pano ko mga nga naman matatalo si Diane?

" And now tatanungin mo sakin kung sino sa inyong dalawa ang pipiliin ko??  Can't you state the obvious?? RILEY WAKE UP!! SI DIANE ANG MAHAL KO!  H-hindi ikaw!!"

Akala ko ako pipiliin mo over her. Hindi pala malamang magsasama talaga kayo sa impyerno  , bawal bitter ngayon Riley.  Napairap na lang ako sa kung sino man ang bigla bigla na lang nag sasalita sa utak ko.  Bitter??  Tsk.  I should have to be right now.

" Lahat ng nangyayari satin ay isang kalokohan lang at... Pinaglalaroan lang kita. Hindi kita sineryoso dahil para sakin isa ka lang laruan na pwedeng pag tripan at paglaruan  ."

Grabe ka kung makapag salita?  Ganun na ba talaga ako hah? Laruan ? Pinaglalaruan?? pinaniniwala mo ako sa kalokohan mo.

"Ansakit.. ansakit na.. " naikuyom ko na lang ang mga kamay ko dahil sa nararamdaman ko. Pakiramdam ko namamatay lahat ng mga cells ko dahil sa mga salita niya.

Ibang klase ka  .

" Hindi ka maganda, ambaho mo!  Please.. ako na ang nagmamakaawa para layuan mo na ako... you're just nothing to me ... please... "

No.  Hindi ako lalayo sayo hanggat diko maibabalik sayo ang mga iniwan mong salita at sakit na nararamdaman ko.  Hindi dapat ako mag sasakripisyo sa mga pananakit mo sakin. Akala niyo napagiisahan niyo na ako?? 

Kayo.. kasama ang grupo niyo..

"Papatunayan ko sa iyo na mali ang kinakalaban mo. Lahat ng pananakit na binibigay mo ma hanggang ngayon ay hindi parin nawawala ang sakit na nararamdaman ko . Ganun na ba talaga ako katanga para Gawain niyong lokohin ako? sa tingin niyo isa akong basahan na basta basta na lng inaapak apakan ?  Humanda kayo, paluluhurin ko kayong lahat sa harapan ko, babawiin niyo rin ang mga masasakit na salita at mga paratang niyo sakin ."

Ibabalik ko sa inyo ang tinapon niyo sa pagkatao ko  . Luluhod rin kayo  .

***********************************************************************************************************

Unedited :)

Dahil Panget AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon