This Time
I could say my Lola is the most positive type of person. She always sees the good in everything, kaya halos lahat ng tao kaibigan n'ya. She's very bubbly and very communicative. That is why, her profession of being a teacher suits her. Lagi n'yang kinikwento na yun ang dahilan bakit nahumaling sa kaniya si Lolo Julius.
Lolo Julius passed away a year ago before I was born. Nag-iisang anak nila si Mama, and Mama was very close to my grandfather. Lola said na nag-away daw sila nito bago ito atakihin sa puso dahil may nakita itong lalaki na kasama ni Lola. And that guy was my Lola's first true love. Aurelliocio Golvio.
Kaklase ni Lola si Aurel nung High School. Lola was liked by almost every guy in their school back then because of her natural Filipina beauty. Morena si Lola and she has this charm that attracts every student during their time. Kahit nung tumanda siya, bakas pa rin ang kagandahan n'ya. Men were also admired by her unique talent, 'cause she's an artist. Sa kaniya ko namana ang hilig ko sa arts and crafts.
Lola had a crush on Aurel. Hindi sila close nito, because Aurel was known for being the playboy type, but never to Lola. Later on, she found out that he liked her too. They became High School lovers, but like other teenage love, hindi sila nagtagal. Nakipag-break si Aurel dahil sa States ito nag-aral ng kolehiyo. Bumalik siya dito nang mag-asawa na ang grandparents ko.
Matagal na ang dating pagsasamahan ni Lola at ni Aurel, at mukha namang matagal nang nakamove-on na si Lola. Hindi rin namin yun masyadong napag-uusapan.
Noong nagkamuwang na ako, never ko naman na ito nakitang dumalaw sa amin. Kaya pinagtataka ko, bakit pa ako hinahanap nito? What's the point? Pumanaw na ang Lola ko, ano pa ang kailangan n'ya sa akin?
Ibinalik ko sa table ang picture frame ni Lola matapos ko itong punasan. Patuloy akong naglinis at pagkatapos ay nagprepare na papunta kina Flyn. May kailangan kaming pag-usapan ng babaeng yun.
Napairap na lang ako sa ere nang hindi mawala sa isipan ko ang pagkaka-irita sa kaibigan ko. Pumasok na ako sa gate ng mansion nila. Kilala na ako ng guard, dahil madalas din kaming nag-oovernight dito, or kung hindi man, kina Lei o kaya sa apartment ko.
Nakangiting pinagbuksan ako ng katulong nila, pilit akong ngumiti pabalik habang nililibot ang paningin sa loob ng mansion.
"Si Flyn po?"
"Naliligo pa po, Ma'am. Sa sala niyo nalang daw po siya hintayin." Tinanguan ko ito.
Nakaupo lang ako dito sa sala at hindi ko pa ginagalaw ang meryendang hinanda ng katulong nila. Nilalaro ko lamang ang straw ng Buko shake habang ginagala ang mata sa mansion. Obviously, mayaman sina Flyn. They just own one of the luxury fashion brands in Asia, and last year lang, nag-open na rin sila sa Milan.
Sa harap ko ay ang isang malaking flat screen TV. Ang gilid nito ay glass door papunta sa pool area. Kung wala lang akong maraming iniisip ngayon, aayain ko nalang magswimming si Flyn. Nakaka-engganyo yung pool.
Narinig ko ang mga yapak nito pababa ng hagdan. She's widely smiling. She's always like that. Mag-isa kasi dito. Lagi nag-oout of the country ang parents, yung Kuya niya naman, madalang lang din dahil may sariling business. Kaya naman, gustong-gusto niya na bumibisita ako rito. This crazy woman even offered me to live here for awhile. I immediately refused dahil masyado na silang maraming naitulong.
"I was shocked when you called me para makipagkita. So not you, Mandy." Natatawa pa ito habang binuksan ang TV. Medyo mahina ito, sakto lang para mag-karinigan pa rin kami.
"Tsk. May kasalanan ka sa akin." Naiirita kong sabi.
"Huh? What?" Kunot-noong tanong nito habang nililipat ang channel sa cartoons.
BINABASA MO ANG
Abandoned Heart
General Fiction"Forever a Lola's Girl", that's what Amanda calls herself. She was raised by her grandmother fierce and unwavering, and this personality of hers was tested when one traumatic tragedy happened in her life. She tried so hard to bury everything in the...