Moody
"Mandy, ito na ba lahat-lahat nang ilalagay sa box?" si Josh na medyo pagod na dahil kabubuhat niya lang nung malalaking canvas galing sa taas. Ngayon naman inaayos niya yung smaller size na nakalatag sa lapag. Tinanguan ko siya at nginitian.
Naghahanda ako ng meryenda ngayon. When I called him na tutuloy na ako sa art gallery, he was so excited. Siya ang unang nag-push sa akin na gawin ito. That's actually why he's here with me today. He volunteered na samahan ako sa pag-aayos ngayon. I'm so thankful that he did that kasi hindi ko kakayaning ibaba yung naglalakihang canvas.
Kailangan ko dalhin ang mga ito bukas, kasi pagpipilian pa ng company for finalizing. Hindi ko sure kung yung company o si Russton lang ang mamimili.
"Josh, maya mo na ituloy 'yan. Kain muna tayo. Gutom na ko." Nilapag ko yung nachos at juice sa dining table habang tinitignan siya.
"Josh..." tawag ko ulit nang hindi niya man lang ako nilingon.
Natawa ako kasi sobrang focused siya sa ginagawa niya. Ingat na ingat na hindi marumihan yung paintings.
"Teka Mandy, last na." aniya habang nilagay na ang last na painting sa box.
I watched him dust off his hands then go to the kitchen sink. I admit, Josh is handsome and very attractive. Makikita mo agad sa mukha niya yung pagiging palabiro. He's 4 inches taller than me. Around 5'10 siguro. Ngumiti siya sa akin at nginitian ko rin siya pabalik.
"Dadalhin mo ba talaga lahat ng 'yan? Akala ko pipili ka lang ng ilan tas ididisplay na roon." tanong niya sa akin nang umupo na sa harap ko.
"Oo eh. Hindi ko alam. Akala ko nga rin, kaso sabi ni Russton dalhin ko raw lahat." Ewan ko ba dun sa lalaking yun kung anong balak niya.
Naalala ko na naman yung pag-uusap namin sa phone. Kahit sa tawag, bossy siya. What I said to Flyn last time was true. Hindi sa pagmamayabang, pero I've never been intimidated and got nervous by a guy. I know how to play their games and I can say that I play better. Plus, I can also easily observe if they're serious or not.
Not until I met Russton. Hindi ko siya maintindihan. Ang hirap niyang basahin. I hate his presence. It annoys me and makes me so uncomfortable, kahit dalawang beses palang kaming nagkikita.
Bukas, magkikita kami ulit at susunduin niya raw ako dito. Hihindi na sana ako pero binabaan na ako ng tawag. I texted him na huwag na at hindi naman kailangan but I just simply got a "No" reply from him. See? Text nalang 'yan, yet I could still feel his authority on that message.
I sighed heavily on my sudden thoughts.
Fine. I told myself I'm giving myself a chance. Kailangan ko rin maging patient 'cause I need to know kung ano ba yung gustong sabihin sa akin ni Lolo Aurel. Ano ba talagang pakay niya?
Napapaisip tuloy ako kung may atraso ba siya kay Lola, sa pamilya ko, or worse, kami ang meron?
Curiosity fucking sucks.
"Okay ka lang?" Napabaling ako bigla kay Josh.
"Ha? Ah, oo. Nga pala Josh, thank you sa pagtulong. Ikaw talaga unang nagpush sa akin nito. I owe you, kung sakali mang may bumili sa artworks ko." I seriously said and smiled at him.
"I'm so sure meron agad bibili ng artworks mo. Makikipagpustahan ako sa aso namin."
Natawa kami pareho. Kahit kailan talaga 'to!
"Kidding aside, Mands. I'm serious. Ang gaganda ng paintings mo at sobrang unique ng concept. Tinititigan ko kanina ang mga 'yon and it seems like sobrang deep ng meaning bawat isa."
BINABASA MO ANG
Abandoned Heart
General Fiction"Forever a Lola's Girl", that's what Amanda calls herself. She was raised by her grandmother fierce and unwavering, and this personality of hers was tested when one traumatic tragedy happened in her life. She tried so hard to bury everything in the...