TUO 2- Versailles

25 2 0
                                    

Hurthe's POV

"Ano yang dala mo?"  Tinuro ni Lancer ang aking mga dalang gamit, ihahatid nya DAW ako sa mga Versailles. Napairap naman ako sa ere, kaya kong mag maneho mag-isa.




"Syempre mga gamit ko!" He definitely asked the obvious.




"Hindi ko ba nasabi sayo? Wag ka ng magdala ng mga yan, dahil ang mga Versailles na ang magproprovide sayo. They don't trust outside materials, baka daw kasi may hidden threat." Napataas naman ako ng kilay sa sinabi niya at napakunot ng noo. Wow, nakakaloko. Kaya nga nila ko hinire as AGENT to guard them, specifically their son, tapos magd-doubt sila na baka may threat mga gamit ko? Oh C'mon!






"Wag ka ng magreklamo. Wala kang magagawa, di ka na din pwedeng umatras dito. Tara na, ako na bahala sa mga gamit mo." Saad ni Lancer, agad na kaming sumakay sa kanyang kotse at inilagay niya din ang nga gamit ko.



Sinimulan na naming baybayin ang daan patungo sa Mansion ng mga Versailles, pakiramdam ko magtatrabaho ako sa bahay na yun bilang katulong at hindi isang agent, Bwiset.







Habang nakasimangot pa ring nakatunganga sa bintana ay biglang huminto ang sasakyan, agad kong tinanaw si Lancer na nakatingin sakin mula sa harap na salamin.









"Kumuha ka sa mga gamit mo ng tatlong pinakamahalagang bagay, bilisan mo. Tatlo lang ha!" Paguutos sakin ni Lancer, nagtataka man ay agad kong sinunod ang utos niya, dali dali kong kinuha ang aking wallet, Phone, at ang huli ay ang family picture namin. Pagtapos makuha ang mga iyon ay namataan kong nakatingin sa hawak kong larawan si Lancer, nagbitaw naman sya sa akin ng isang ngiti na sinuklian ko ng irap.








Di pa man ay bigla siyang bumaba at binuksan ang pintuan ng sasakyan sa kung nasaan ang mga gamit ko, kinuha niya ang mga ito at isa isang binuhat, nagtaka naman ako kaya agad akong dumungaw sa bintana. Bigla niyang tinapon ang mga gamit ko sa gilid ng daan. Bwiset!







"HOY!Bakit tinatapon mo yan?! Lintek! Kung hindi pwede sa mga Versailles, pwede namang iuwi mo na lang ulit yan sa bahay ah!? Hooyy!" Tila walang naririnig ang mokong na yun hanggang sa huling bag ko na ang natapon niya.







"Hurthe, ayokong mapagod, masyadong mabigat yang mga yan. Ang ingay ingay mo naman, mapapalitan naman yan." Kalmado niyang sabi at agad na sumakay sa kotse. Agad ko namang hinablot ang buhok niya at sinabunutan ito.




"Bwiset ka talaga!"






"A-Aray! An-o ba Hurthe! Aray!Hoyy! Kuya mo pa rin ako!" Nagpumiglas siya sa pag sabunot ko at agad ko naman itong binitawan. Napaka arogante talaga kahit kailan!Nagpatuloy na ulit sya sa pagmamaneho, hanggang sa unti unti akong binalot ng antok sa haba ng biyahe namin.








Pagmulat ko ng mga mata ko ay nakahinto na ang kotse agad akong dumungaw sa bintana nito, literal na nalaglag ang panga ko sa isang malaking gate na nasa harapan namin, sobrang laki at sobrang ganda nito para siyang Gate sa White House ng US, kulay puti ito at kitang kita ko ang looban, pero tila may daan ulit papasok dito.








Bumukas ang gate at muling umandar ang kotse papasok, ang daang ito ay napapalibutan ng mga puno sa gilid, nakakamangha ang mga puno dahil habang papalapit sa mansyon ay mula sa kulay pula ay nagiging berde ang kulay ng mga ito, parang gradient.








Bumungad sa amin ang isang napakalaking bahay, ewan ko kung bahay ba to o Mall? Kulay puti ito na nay outline na Gold sa bawat pinto at mga bintana nito na mas lalong nagpaganda sa Mansion na ito.









The Unfavoured OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon