TUO 16- Choose your King

8 2 0
                                    

Hurthe's POV


Habang naglalakad na ako paakyat ng stage ay talagang nakakapanibago. This is the first time that I've encountered stage fright, pero parang hindi naman. Ayoko talagang maging center of attention.


nakapunta na ako sa harapan sa mini stage kasama ang pito pang mga estudyante. Ngayon naman ay makikilala na kung sino ang rank 1 at 2. Isa kila Race at Zhed ang magiging Rank 1 at ang isa ang 2, hindi naman masama kung anong maging pwesto nila dahil nga matataas na naman masyado ang grado na nakuha nila. Pero siguro the pride and ego of being number 1 ay laging nandun, if you know you can be number 1 then why not do it all? At syempre when you know that you did it all, you have the very rights to expect that you could and you should be number 1. Kahit ako, ayokong nalalamangan but life is a big joke...

"And now our rank 2 will be showned in our Board!"




RANK 2 (98.9567)
RACE VOUGHN MADRID



Hindi na kailangan pang maglakad ni Race dahil katabi ko na siya kanina pa, sinabayan niya ako maglakad dahil hindi ko magawang maigalaw ang mga paa ko kanina.




Kaya niya ba ako sinabayan dahik alam niyang Rank 2 na siya??



"Wow, I thought I would reclaim my crown." Nakangiting sambit ni Race sa akin, hindi ko mabakas sa mukha niya ang dissapointment o kung ano mang negative feelings ukol sa result ng exams niya. Napaka totoo lang ng mga ngiti niya and somehow napapahanga niya ako sa ugali niya.



Sigurado ako kung si Zhed ang nagnumber 2 magwawala na ang taong yun! He's a monster kaya nga Hades ang second name niya!

"Our rank 1 and still number 1 is the King of..."




"Underwear."

Di ko napansing napalakas pala ang pagsabi ko ng Underwear kaya naputol ang sinasabi ni Ms. Irene, naghalakhakan pa ang iba kaya napatakip na lang ako sa bibig ko. Bwiset, lagot na talaga ako neto!





RANK 1 (98.9568)
ZHED HADES VERSAILLES





Halos manlaki ang mata ko sa nakita ko, sobrang dikit na dikit ng laban nila. Grabe kung ang Two decimal points pa nga lang ay madikit na ang laban pano pa kaya ang Four decimals. Grabe, hindi ko akalaing ganito pala katindi ang dalawang to.





Hinanap ng mata ko si Zhed at hindi naman ako nabigo, seryoso siyang naglalakad papunta dito sa harapan kahit na binabati at nag-iingay na ang mga estudyante ay hindi niya pa rin ito pinapansin at seryoso lang na nakatingin sa akin?





Nakarating na siya sa stage pero di ko inaasahan nang biglang lumapit si Elaine at niyakap si Zhed sa harapan naming lahat na nagsanhi ng lalong pag-iingay ng lahat ng estudyante.




"Love congrats!" Masayang bati ni Elaine kay Zhed bago humiwalay ng yakap at hawakan ito sa kaniyang mukha.




"Thanks Love." Ngumiti si Zhed kay Elaine pero sandali lang yun dahil nawala din agad at bumalik din sa pagiging seryoso niya.



"Pre, congrats. That was a close fight." Si Race naman ang bumati kay Zhed at nagalok ng pakikipag kamay. Tinanggap naman ito ni Zhed pero ngayon pareho na silang seryosong nakatingin sa isa't-isa.


"Hindi pa tapos ang laban Race..." Seryosong sabi ni Zhed.


"Pero alam mo naman kung sino na ang lamang sa atin." Nakangiti pero may kahulugan namang sagot ni Race. Nakakaramdam ako na hindi na tungkol sa exam ang pinag-uusapan nila. Siguro ay mas personal pa na tunggalian. Ano kaya talaga ang pinaglalabanan nila...



The Unfavoured OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon