TUO 3- King of the Underworld

20 2 0
                                    



Hurthe's POV





Monday ng umaga, actually 4:00 am. Naghahanda ako ng mga gamit ko at ng isusuot kong uniporme dahil bwiset na Tanda at Lancer na yun, naenroll agad ako sa Unuversity nang hindi ko man lang alam.





Buti na lang at ang kurso na kinuha nila para sa akin ay Political Science. Natuwa naman ako sa parteng iyon dahil pwede ko yun gawing Pre Law ko.



Pero etong si Zhed ay 2nd Year College na sa International Hermann University of The Philippines, IHUP at para sa isang Prestihiyosong paaralan ang panget ng Acronym niya. Who the fck would like to be called studying at IHUP? 4 out of 10 stars to whoever created that name.








"Hurthe, Pinapatawag ka na sa baba for breakfast." Si Enz yung chinito sa tatlo. Tumango ako sa kanya bilang sagot at sumunod na din agad sa kanya pababa, at ayun na nga nasa mesa na ang tatlong Greek God. Nasa gitna si Tanda, at magkatabi naman yung dalawang alipin. Si Zhed at Zseve, katulad nung isang araw kay Tanda ako tumabi.








"You are 2 and a half minutes late, and by 4:30 am we should be travelling and yet you walk as if a princess in a castle. Yes, definitely you are the ideal agent to be hired. How incredible." The King of the Underworld has spoken, with his sarcasm while looking at his wrist watch and giving some death glares to me.







Sinagot ko lang siya ng pagtaas ng isang kilay ko, I was about to answer him when Tanda cut me off.








"Okay, so much for that. You go and take your breakfast and suit up already, para makapunta na kayo sa dapat ninyong paroonan." Imik ni Tanda at binigyan kami ng ngiti, umupo na ako sa upuan at etong si Zhed ay seryoso nang kumakain at pati na rin itong kapatid niyang daig pa ang prinsipe sa postura at galaw habang kumakain.








"Alam mo Tanda." Imik ko at tumingin silang tatlo sakin, maybe becauseof how I called their father.







"Ang layo kasi ng entrance at exit dito sa bahay mo halos 10 minutes din na travel, alam ko namang mayaman kayo pero bakit kasi sobrang layo nyo dun sa gate? Sakin pa ata sinisisi ng anak mong yan ang pagpapatayo mo ng malayong labasan." I said while eating, and pointing at Zhed. Yah, I pointed at him, and he stared at me again, with a serious one.








"Alam mo Hurthe, ikain mo na lang yang mga tanong mo sa isip mo dahil anong oras na at nagaalburuto na ang isa diyan." Pagpaparinig ni Tanda na alam ko naman ay si Zhed. First lesson learned, Mainitin ang Ulo ng taong yun. Second, masyadong sarkastiko, and Third habol sa oras.










Lumabas na kami ng bahay at pumuntang garahe, May nakita akong motor dun na kulay black ang angas Mustang ang tawag dun eh. Dito sana ako sasakay at hihiram kay Tanda ng susi pero bumukas ang pintuan ng isang sasakyan at nakatayo sa gilid nun ay si Zhed habang nakakunot ang noong nakatingin sakin. Pinaglihi ba to sa sama ng loob?








"Hoy, what do you think you're doing there? Dito ka sasabay sakin. Temporarily! Wag ka ng magpantasya dyan sa Motor ko. Bilisan mo kanina mo pa akong dinedelay!" And yes, Zhed Hades has spoken again. Mainit talaga ang ulo niya, wala naman akong magawa kahit na gusto ko siya gawing punching bag, sumunod na lang ako. Sasakay na sana ako sa backseat pero tinaboy ako ng isa pang mainit ang ulo. Ang kapatid, si Zseve.




"No."



  Napahinga na lamang ako ng malalim at sa harapan umupo katabi ng driver and basically si Zhed yun. He started already the engine and drove along the path leading outside of their mansion.







The Unfavoured OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon