Kabanata 5

165K 7.4K 3.2K
                                    

Kabanata 5

I got in! I got in!

Oh my God!

"Kikay! Nakapasok ako!" I screamed at the top of my lungs.

"Huh? Saan?" Gulat n'yang sabi sa biglang pagsigaw ko. Mabilis s'yang napasulyap sa akin habang sipsip ang straw sa iniinom na softdrinks.

I was catching my breath, ipinakita ko sa kanya ang telepono ko at kita ko ang panlalaki ng mata n'ya nang mabasa ang email.

"I got the scholarship, Kikay!" I exclaimed and tapped her back hardly.

Bigla s'yang naubo, pumasok ang softdrinks sa ilong kaya napasinghap ako at napailing.

"S-Sorry!" I exclaimed.

She continued coughing and we both laughed when we realized what just happened.

"Congrats, Sera!" Masayang sabi n'ya at niyakap ako.

I was chuckling, niyakap ko s'ya pabalik at hindi pa rin makapaniwala sa nabasang mensahe mula sa email galing sa university na pinag-apply-an ko.

"I still can't..." I gasped loudly.

"Sabi ko sa'yo makukuha mo 'yan eh!" Aniya at ngumisi.

I shook my head, chuckling and nodded at her. Pilit na h'wag maiyak sa sobrang kasiyahan na nararamdaman.

"Aling Kipay, isang softdrinks nga d'yan!" Natutuwang baling ko sa tindahan nila Kikay.

"Aba! Aba!" Kikay's mother looked at me and groaned. "May utang ka pa--"

"Bayad na ako!" I teased and grinned. "Tsaka diba, may sobra pa sa bayad ni Rai?"

Natigil s'ya, tila naalala ang sinabi ko. Nakita ko ang pagsimangot n'ya habang binubuksan ang ref para kumuha ng softdrinks kaya napabungisngis ako.

"Oh, ayan!" Aniya at nilapag ang bote ng softdrinks. "Ano mo ba iyon, sugar daddy?"

Hindi ko alam pero mas napatawa ako roon, I tilted my head and then answered.

"Secret!" I exclaimed.

"Ay, oo nga! Sera! May mga gwapo d'yan sa bahay n'yo 'nung nakaraan sabi ng mga kapitbahay!" Ani Kikay na biglang lumitaw.

"Hindi lang 'yan, nakasasakyan!" Entrada pa ng Nanay nito.

"Wow!" Kikay stared at me. "Totoo?!"

I grinned and sipped on the softdrinks.

"Naku, kung kakaibiganin mo rin naman iyang si Sera na pala-utang, sagarin mo na, Kikay! Paturo ka ng tips paano makakuha ng sugar daddy!" Ani Aling Kipay.

That made me laugh harder, napakurap si Kikay sa sinabi ng Nanay n'ya.

"Sera, bigyan mong tips iyang anak ko! Nang makaahon na rin kami sa buhay! Walang masyadong kita itong tindahan at 'yung barbeque roon sa labasan!" She exclaimed.

"Mommy naman!" Inarte roon ni Kikay kaya napangiti nalang ako.

Nothing can change my mood today, sobrang saya ko ngayong oras na ito dahil sa natupad na ang pinagdadasal ko ng matagal na.

Pagbubutihan ko sa pag-aaral para kapag nakapagtapos ako ay mapagamot ko na si Miggy at ang Tatay. Tapos, kapag magaling na sila, pwede na akong mag-ipon ng sobrang dami para magpatayo kami ng magandang bahay! Bibili kami ng kama para hindi na sasakit ang likod ni Miggy sa papag.

At 'yung subdivision na pangarap kong tirhan? Bibili ako ng bahay roon! Magpapagawa pa ako ng indoor pool para hindi nalang pangarap ang lahat!

"Ma'am?" Halos mapatalon ako sa gulat nang lumitaw si Lando kung saan nang maglakad na akong pabalik sa bahay.

Dancing With FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon