Kabanata 10

195K 7K 1.9K
                                        

Kabanata 10

What am I doing? Anong gagawin na namin?

Nanuyo ata ang lalamunan ko habang nag-aantay kay Rai na matapos magshower.

Really... Bakit ba ako dito natulog?

Well, it's not the first time I went here to sleep but I am sane now! Hindi ako lasing!

Malakas ang pagkabog ng puso ko, para ata akong maamong tupa naka-indian sit sa kanyang kama.

The lights are dim, mahina ang volume ng TV at sa isang bahagi ng kwarto ay nakaparte ang kulay puting kurtina sa isang pintuan sliding patungo sa labas kung saan tanaw ang ilaw sa ibaba ng mga establishment.

The place is obviously owned by an architect, no doubt.

It's a combinationation of black, gray and white. High-ceiling walls, may mga abstract painting rin akong nakita sa loob.

Halo man ang kulay ay litaw na litaw ang kulay itim, in a classic and manly style, this room suits him really well. Sa isang pinto ay ang bathroom at ang isang salaming pinto ay patungo sa kanyang walk-in-closet.

I stood, marahang nagtungo sa may bookshelf sa gilid malapit sa balcony. Sa pagtayo ko ay umabot sa aking hita ang itim na shirt n'yang pinahiram sa akin ngayon.

I check his shelf, running my fingers on the engineering and architectural books available for reading.

Inabot ko ang isa roon at pinasadahan ng tingin, isa itong libro na gustong ipabili sa amin ng mga professor pero hindi ko pa ata mabibili sa ngayon.

The bathroom door opened, sa paglingon ko ay napahigpit ang aking hawak sa libro.

Rai went out of the bathroom, still wet. Nakahubad ang kanyang pang-itaas at tanging ang boxers lang ang suot.

His hair is still wet, may nakapatong na twalyang puti roon.

Nang magkatinginan kami ay kaagad akong nag-iwas ng tingin at tumikhim, nag-iinit ang pisngi at pinipilit na kumalma mula sa paghaharumentado ng puso.

Nagkunwari akong okupado sa ginagawa at natigilan lang nang maramdaman ang bahagyang paghawak ni Rai sa baywang ko.

"What is it?" He whispered.

Napalunok ako, ramdam ang init ng kanyang katawan sa aking likod.

"Uh, nagbabasa lang." I chuckled a bit, raising the book I am pretending to read.

"Maganda?" He asked.

"O-Oo, interesting." I murmured.

"You got a special talent, huh?" He whispered.

"H-Huh?" Gulong napasulyap ako sa kanya

He chuckled deeply, taking the book and shifting its position.

"Baligtad ang libro, Serafine." Natatawang bulong n'ya.

Napatulala ako, natawa naman s'ya at marahang hinawi ang buhok ko at yumakap sa likuran ko.

"You can take it home, I heard from Engr. Magkaya that you need that?" Aniya.

"Sana...pero hindi pa kasi ako nakakabili." I said.

"Take it," Aniya. "It's yours now, I don't really need that."

"Ganun ba?" Sumulyap ako sa libro pabalik sa kanya at napangiti. "Thank you, Rai."

He nodded, nang gumalaw akonay bahagya n'ya akong pinakawalan pero sumunod rin sa akin. Nagtungo ako sa isang lamesa doon sa gilid.

Nakita ko ang iilang papel roon kaya kinuha ko iyon at bahagyang tinignan, napabilog pa ang bibig ko nang makita ang pangalan ko sa pinakauna kaya nilingon ko si Rai na napanguso at dinungaw ako.

Dancing With FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon