2

217 10 3
                                    


ACHIELLA P.O.V.

Malalim na ang gabi, 11 pm na pero napagdesisyonan ko na puntahan ang lalaking nagpaluha sa kaibigan ko. I saw him reading a book outside, together with a girl.

At nakuha pa talaga nilang magsaya ngayon. They even drink wine habang nagbabasa ng libro. The girl has a blonde hair and wearing a floral dress.
 
I can’t hold my anger kaya sinigaw ko pangalan niya.

"Miko!”

Napatingin naman silang dalawa sa akin, bukas ang gate kaya pumasok na ako sa bahay niya.

"Oh? Bakit ka nandito?" Pagtatanong ko sa kaniya.

Sinampal ko kaagad siya, napanganga naman yung kasama niya at hinawakan ang mukha ni Miko.

“Jerk!”

      “Hey! Sino ka ba? Alam mong wala kang karapatan na saktan siya. Umalis kana nga, pupunta ka rito para lang mang-away? How dare you?”

Sasampalin niya sana ako pero naharangan ko’t siya ang nasampal ko.

          “Wala ka ring karapatan na saktan akong linta ka! Pumunta ako hindi para makipag-away kundi para lang ibigay ang sampal at mga katagang sasabihin ko sa lalaking inagaw mo sa kaibigan ko. Atsaka, mas malala ka pa nga kasi pumasok ka sa buhay ni Miko kahit na may kasintahan na iyong tao pero nilandi mo parin. Hindi ka ba tinuruan ng utak mo na huwag umagaw sa mga may nagmamay-ari na? Ganoon na pala uri ng pagnanakaw ngayon. Hindi lang sa gamit o pera, pati boyfriend ng iba ninanakaw pa. Ang moderno na talaga ng mundo!”

       “Achiella, stop it. Tapos na kami ni Faine, tinapos k-”

      “Gago ka pala eh. Nanahimik ang kaibigan ko pero sinuyo mo. Ngayon na minahal ka, ginago mo lang? Miko, halos binigay niya na sa iyo lahat. Ilang beses ko na siyang nakikitang nagpapart-time para lang makapagtipon sa kasal na akala niya’y mangyayari sa apat na taon ng pagsasama mo. I was expecting earlier na pagpunta niya sa bahay, masaya. Mabunganga at umiiyak sa excitement pati na yung may engagement ring na siya sa kamay, hindi pighati. Sobra mo akong nadisappoint Miko! I still have the video na pinangakuan mo si Faine for this day. Kanina pa umiiyak iyong kaibigan ko Miko! Kanina pa! Tapos ikaw? Nagpapakasaya! Ang selfish mo! Sobra na nga yung pagmamahal na binigay sa iyo ng kaibigan ko pero hindi parin sapat sa iyo iyon? You’re pathetic!” Hindi ko kinaya iyong sinabi niya kaya sinampal ko para tumahimik.

“Ikaw naman na linta ka, sana noong nalaman mong may girlfriend iyong tao nakipaghiwalay kana. Masaya ka ba kapag sa iyo nangyari ito? Masaya ka ba kapag ikaw naman ang inagawan? Think about other people’s feelings, hindi iyong puro sarili niyo lang ang iniisip niyo. May tao kayong dinurog dahil sa ginawa niyo! Hindi lang ilang araw niyo siyang niloko, Narinig ko rin na 3 months na or more than that? That’s too much para lokohin niyo si Faine!”

“We’re sorry about hurting her but we just love each other, Achie.”

“Pero mas pinili mong itago sa kaniya? Sana sinabi mo na kaagad Miko para hindi na umasa ng husto ang kaibigan ko. Dama ko iyong sakit niya kasi saksi ako sa mga sakripisyo niya! Saksi ako sa pagpapakatanga niya sa iyo! Alam mo ba kung gaano ka niya minahal? Ang martyr nun, alam mo ba ang pinagsasabi niya? Lumuhod na raw siya para lang magmakaawa? Miko, ang gago mo sobra! Maswerte ka nga kasi may babaeng andiyan para mahalin ka ng buong-buo pero dinurog mo lang ng biglaan. Tandaan mo ito, huwag mong pagsisisihan iyang ginawang pangloloko mo sa bestfriend ko. Itatak mo yan sa kukute mo, hindi siya ang nagkulang sa iyo. Sobra-sobra pa nga ang binigay niya sa iyo tapos ikaw lang itong hindi marunong makuntento! Starting today, ayoko nang makita pagmumukha mo sa buhay ni Faine, tatandaan mo iyan. Ikaw naman babae ka tandaan mo rin na once a cheater, always a cheater. Huwag mong i-apply kau Miko iyan, kasama ka naman diyan," sambit nito muli sa akin at tuluyan ng umalis.

All I want for Faine na sumaya siya. All I want for my friend is a happy life pero sinira lang ng lalaking iyon.

Gusto ko talagang makasabunot sa buhok ng dalawang iyon pero ayoko rin naman dagdagan ang problema ni Faine kasi baka presinto ang bagsakan nito.

Napangiti naman ako kahit papaano nang maalala ko ang nangyari kanina, nakahiganti ako sa ginawa nila. Tatlong sampal lang naman iyon, hindi masyadong madami atsaka hindi mapapahilom ng mgsa pagsampal ko ang babaeng ginago nila. Hindi.

“Mali ba yung ginawa kong paraan ng pagmamahal sa kaniya, Achie? Mali ba? Ang hirap tanggapin Achie, nakakadurog”
Ilang oras na ako rito sa bahay matapos kong ratratin si Miko sa tinitirhan niya ngunit hindi parin natatapos si Faine sa pagtatanong sa akin ng mga bakit kasama na ang mga maaaring rason kung bakit siya pinagpalit. Isa lang naman ang sagot doon kung bakit siya iniwan ni Miko, naghanap kasi ng iba ang gago.

Ako na yung naaawa sa kalagayan ng kaibigan ko. Mugto na mga mata niya, wala pang kain kasi umalis na kaagad sa trabaho niya para lang puntahan si Miko, akala pa talaga niya, iyon ang mangyayari. Nandito lang siya sa loob ng kwarto, nakahiga’t umiiyak. Ang hirap din intindihin ng pagmamahal kasi kung sino pa ang halos gumawa ng lahat ng paraan para mala-perpekto na ang relasyon nilang dalawa, siya pa ang sinukuan.
Ilang oras na siyang nagsasambit ng mga usapin na may kaugnayan kay Miko.

Hinaayaan ko na lamang hanggang sa tumahimik na ito. Pinapatugtugan ko kasi ng kantang “that should be me.” Napaiyak pa siya ng sobra kasi bakit ko raw inaasar ang pagiging sawi niya pero ganyan talaga. Mas okay na umiiyak siya ng husto kesa itago niya ang lahat na talagang hindi pwede kasi baka kung ano pa ang mangyayari kay Faine. Nakaidlip na siya ng tuluyan pero hanggang sa pagtulog nito, may mga butil pa din ng luhang pumapatak sa kaniyang pisngi.

Tiningnan ko muna siya’t pinahid ang mga luha niya bago ako bumangon.

“Pagmamahal nga naman, masaya’t kilig lang sa una pero hindi mo alam na may dadating talaga na sakit at pighati. Sakit na dudurog sa buong puso mo,” usal ko’t humiga narin sa katabing kama.

THAT SHOULD BE ME (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon