4

160 8 0
                                        

ANDREW P.O.V.

Ano ba ang pakiramdam kapag nagmahal ka ng isang tao? Ako kasi puro nalang sakit ang nakukuha ko sa kaniya. I am deeply in love with her... Faine. She's like the full package girl. Magkababata kami kasama na namin siya ni Achiella. I almost knew everything about her. She's  unique.

Oo, mayaman sila. Yung pamilya nila may business, a clothing line and jewelries. Akala ko noong lumipat siya noon sa tinitirhan niya ngayon, suplada siya. Hindi nga namin inakalang ngingiti siya pagkakita niya sa amin ni Achie na naglalaro sa bakanteng lote.

Simula ng unang araw na makita ko siya, hindi ko alam pero love at first sight. Anim na taong gulang pa lang ata kami noon.

I promise that I will do everything para maging kami paglaki. So, niligawan ko siya. I thought, oo ang isasagot niya sa akin dahil una pa lang close na kami at napapatawa ko rin naman siya but nagkamali ako.

Si Miko, siya ang sinabihan ng matamis na Oo ng mahal ko. It was college, 3rd year college noong pinakilala ko si Miko kay Faine. Akala ko noong una, nahihiya lang sila at halos hindi sila magkapansinan, hindi ko alam pagtingin na pala iyon.

Ang masaklap, isa ako sa mga tulay kung bakit naging sila.

Kasama ng barkada namin ni Miko at Achiella, ginawa namin ang mga plano simula sa kung papaano siya gumawa ng mga hakbang para malevel-up na ni Miko ang relasyon nila ni Faine.

Masaya na sila, pero nakakadurog.

Isipin mo, mahal na mahal mo ang taong iyon pero ikaw pa mismo ang nagsabi sa kaibigan mo na "Ipapaubaya ko na siya sa iyo, mahalin mo yung babaeng iyon. Mahal na mahal ko iyan, huwag mo sanang saktan."

Para akong tinurukan ng isang libong karayom sa puso. Hanggang ngayon, hindi parin nabubunot.

Akala ko hanggang katapusan ng paghinga ko, wala na akong pag-asa. Pero mali ako... I still have.

After their break-up, ako lagi ang nandiyan para patahanin siya. Just like before, andoon kami ni Achiella para sa kaniya. Hindi ako nawalan ng oras kahit nga minsan kung tatawag si Achiella na umiiyak na naman siya, kahit hatinggabi pumupunta ako sa bahay nila. Dinadalhan ko pa siya ng paborito niyang chocolates, yung goya at isang tupperware ng milk n' cheese ice cream pati na cakes. Ilang beses na siyang nakatulog sa braso ko pagkatapos umiyak, sa pag-iyak na iyon Miko ang naririnig kong pangalan.

Ano kaya ang feeling kapag ako naman ang iniiyakan niya? I was still hoping na that should be me even if I know na ayoko rin siya mismong makita na umiiyak. 

Hindi nagtagal, bihira na lang siya umiyak. Sobrang tuwa ko na noon kasi at last, napasaya ko na  naman siya. Kahit na sa panahong iyon, isa ulit ako sa mga tumulong sa kaniya.

I am very happy with it. Hindi ko alam pero siya lang talaga ang iniisip kong babae na gustong-gusto kong isama sa altar.

"Hon, are you okay?"

I sighed. Hindi ko inaakalang this time, maaari nang matupad ang panagarap ko.

"Daydream na naman? Wait, ako na naman ba ang iniisip mo? Hay naku, mapapagalitan ako ni Tita niyan kasi inaagaw ko na ang pagmamahal mo. Dahan-dahan lang Hon, andito lang ako."

"Kung ikaw lang naman ang magiging rason ng pag daydream ko, kahit buong taon Hon, okay sa akin iyon. Alam na ni Mom simula pa lang noong una na mas mahal kita, hahaha."

"Tama na nga biro mo, ang corny na."

"Pero kinilig ka naman, Hon?"

"Naaawa ako kay Tita, ang unfair mo ata sa kaniya." Tumawa pa siya.

Yes, me and Faine are in relationship right now.

After more than 1 year of being heartbroken by Miko, this time ako na ang pinili niya. And I feel like, this is the best blessing I get after the long years of being broken but patiently waiting.

"Oo nga pala Hon, hindi ko alam kung bakit pero on-leave daw muna ako sabi ni Mommy. Siya na daw muna ang magmamanage ng kompanya ko. Hindi ko alam pero parang kinakabahan ako sa pinag-usapan niyo noong nakaraang lingo ah. Pabulong naman, baka mamaya isa ka pa lang karibal sa kompanya o kontrabida sa business ko. Mabuti nang handa ako."

"Baliw ka talaga, secret na iyon. Actually, reward daw iyan ni Tita since successful ang pag launch mo ng bagong jewelries set at isa sa mga best seller ang mismong designed jewelries mo."

"Ganoon? Bakit hindi niya sinabing reward ito. Okay lang naman sa akin kahit wala ng ganoon."

"Anong okay ka diyan? You need to rest, okay? So, this whole time na on leave mo, I will be in your side and get ready for the surprises. I know you love those."

She giggled. Yes, she is now currently the owner of "Zoe's Dream". Ganyan pinangalan niya because she meant Zoe as Life and dinagdagan niya lang ito ng dream. Pangarap din kasi talaga niyang maghandle at magbuild ng company, so she make it.

She's also a CPA and CMA top board passer. Habang sila ni Miko, ayaw ni Miko na maghandle siya ng kompanya dahil takot si Miko na baka may makilalang ibang lalaki si Faine sa mga board meetings or other business partner's meeting. Halos walang tiwala si Miko na kaya ni Faine na hindi maakit sa ibang lalaki and dahil mahal niya iyong tao...she left the company to her mom again. Ibinigay ni Tita sa kaniya ang company na iyon after she graduate and passed directly those board exams. Then, she used Miko's break up as her strength to strengthen her business and make it very successful. Nagkaundagaga siya sa pagtratrabaho at pagsisikap. Until she totally aced it. Nag-expand ng husto iyon.

Iyan ang isa sa mga gusto ko sa kaniya simula pa noong bata kami. Isa siyang ambisyosang pinapanagutan ang mga gusto niya. Once she dreams about it, she let the dream happened in real life.

"Huwag ka sanang gagastos ng husto sa mga surprise na iyan. Okay na iyong nandito ka sa tabi ko."

"Oo na po madam. Oh wait, may pupuntahan pala tayo sa susunod na araw."

"Isa ba iyan sa surprise mo?"

"Sort of. Magugulat ka dito sa surprise na ito."

"Yung gastos?"

"Hindi malaki, I swear."

"I love you Hon." Hindi ko gustong matapos ang mga salitang iyon. Binabalik-balikan ng isip ko ang mga sinabi niya.

Another fact about Faine? Hindi siya materialistic na tao. There's a purpose why she needed to be successful in her business. A very important purpose... to have profits that will mostly use para sa pagtulong sa ibang tao especially ang mga batang nasa ampunan, home for the aged at nasa kaldasa na pamilya na walang matitirhan. Definitely, she's like an angel. Yes to money but more on loving and understanding what the world needs. I smile habang tinitingnan siya ngayon na kumakain ng blueberry cake sa sarili niyang cakeshop na siya na mismo ang nagbake since nandito rin siya para tanungin ang performance at yung pakiramdam pati na treatment ng bawat empleyado niya sa isa't-isa. She's also the kind of girl na hindi boss, but also a leader. As I keep on watching her messily eating the cake, I admit that it makes my heartbeats faster. Gosh,  I love her... I mean so much-each and every day.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THAT SHOULD BE ME (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon