Chapter 3 (unedited part)

165 4 0
                                    

"Nagresearch ako tungkol sa lugar na yan." Napatingin ako kay Stefan. "Nakasave dito sa phone ko yung mga nahanap ko." Matiim kong tinitigan ang hawak nyang phone na iniabot niya sa'kin. "Hindi ko alam pero interesado akong mapuntahan ang lugar na yan."

Hindi ko pa man naitutuon ang atensyon ko sa mga letrang nakapaskil sa article na nasa phone na hawak ko ay malakas nang tumawa si Jill.

"Ano ka ba! Paniwalang-paniwala ka talaga dyan?" Natatawang tanong ni Jill dito. Tumaas lang ang sulok ng labi ni Stefan na siyang dahilan sa pagtigil ng pagtawa nito. "Teka! Seryoso ka talaga? Ano ka ba?! Nababaliw kana ba? Imposibleng makapunta ka dyan kasi napakaimposibleng nag-e-exist yan. Hays. Ewan ko sayo. Sumasakit ang ulo ko sayo. Feeling ko gutom lang yan."

Nagtitigan lang ang dalawa hanggang sa mismong si Jill na ang sumuko. Halatang nanggigigil nanaman.

"Ewan ko sainyong dalawa! Kakain na nga ako!"

"Interesado ka pa rin ba sa lugar na yan?" Napatingin ako sa gawi ni Stefan na siya ngang nakatitig sa'kin.

Nilingon ko ang natigil sa pagkain na si Jill. Napaikot ang mga mata nito. "Mga baliw." Sambit nito saka nagpatuloy sa kinakain.

"Hindi ko alam." Simpleng sagot ko.

"Reliable ang sources ko. Napasok ko ang Dark Web, yan ang mga resultang nakuha ko." Napakunot-noo ako sa sinabi nya.

"Dark Web?" Tanong ko dito na hindi nawawala ang pagkakakunot ng noo ko. "Hindi ba delikado magdive dun?"

"So naniniwala ka nga." Biglang usal nito.

"Huh?"

"Nahack ko ang global database with the help of dad's hub. I'll dive deep, to know if it's real."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Pinakialaman mo ang database ng daddy mo? Nababaliw kana ba?! What if ma-trace ang dad mo?"

"It won't happen. Protected ang database ni dad." Tumikhim ito saglit at tumitig sa'kin. "Don't worry about me."

Nirolyo ko ang papel na hawak ko saka siya pinalo sa ulo. That, I heard loud gasped from these girls -his girl fans to be exact, inside the cafeteria. "I'm not worried about you dumbass. Pano kung ma-trace ang dad mo? Sisirain mo ang reputasyon ng daddy mo!"

"What? Hindi naman hahayaan ni dad na masira siya. And he's the best of all the best hackers all over the world."

"Conceited introvert." He shut his mouth right after he heard the word introvert.

He's not really an introvert, tahimik lang talaga. And speaking of which, tahimik na sana ang mundo ko, not until I heard Agartha, again.

"Oo nga pala, anong plano mo after ng graduation?"

"Wala pa."

"We're going back to Italy the day after our graduation day."

"Aalis na kayo?" Biglang tanong ni Jill kay Stefan.

"It's a good news for you, I guess." Sagot na lang ni Stefan dito.

"Grabe. Ang sama ng tingin mo sakin ah. Napaka-judgmental mo." Hindi nalang siya pinansin nito at lumingon sakin.

"Ikaw? Gusto mo bang sumama? Magandang opportunity ang makapagtrabaho abroad." Hikayat sakin ni Stefan. Ang layo ng italy, at gagraduate palang ako. Ayaw ko namang pangunahan ang hinaharap. I'll just let these coming days passed by.

"Hindi gano'n kadali mag-abroad. Mahabang proseso. Pa'no si papa? Hindi papayag 'yun." Sagot ko.

"Walang magiging problema kay tito. I'll make it happen."

"That'll be illegal. Ang lalakas ng trip niyo. Ni hindi niyo man lang naisipang isali ako no? Ano ako? Estatwa? Gosh." Yamot na turan ni Jill. "Talo niyo pa ang magtatanan. Disgusting." Dugtong pa nito na masama ang tingin kay Stefan.

Nagseselos nanaman. Napailing nalang ako, ako nanaman kasi ang pinagseselosan. Hindi nga ako nakaligtas sa pagkaasar nito at nairapan pa ako. Kung hindi lang siguro kami magkaibigan, siguro inaway na ako nito.

"Sa susunod nalang natin pag-usapan Stefan. And next time, isali mo si Jill, pinagseselosan nanaman ako." Hindi ko napigilan ang tawa ko nang magkunwaring nasusuka si Jill at ang mukha naman ni Stefan na nanlumo bigla. "Diba wala nang pasok? Uwi na ako. Bye."

Mabilis na akong umalis sa pwesto namin at lumabas ng canteen.

"Ayusin mo mukha mo haggardosa!" Sigaw ni Jill. Eskandalosa talaga.

Kinuha ko naman ang maliit na salamin sa bag ko, hindi ko alam pero bigla akong kinabahan nang mahulog ito mula sa kamay ko.

***

Naitulos akosa kinatatayuan ko nang makita ko si papa na nakikipagsuntukan sa tatlong lalaki na mga nakaitim. Kapag sumigaw ako, maaagaw ang atensiyon nila, pero anong sunod kong gagawin? Hindi pwedeng tumunganga lang ako. Kung humingi ako ng tulong sa kap...

"Papa, sa likod mo!" Histerya ko nang makita kong kumuha ng patalim ang isa sa mga lalaking umaatake sa kanya. Mabilis ko namang dinampot ang paso sa tabi ng kinatatayuan ko saka ibinato sa isa sa mga lalaking nakaitim.

Kailangan ko bang mag-celebrate dahil hindi sayang ang pagtuturo sakin ni papa ng self-defense? Ayst!

"Ut, qui puer!" (Get the child!) A-ano daw?

Mabilis na lumapit saakin ang dalawang lalaki at inundayan ako ng suntok na mabilis ko namang nailagan. Sinaklot ako ng kaba nang may humawak sa dalawa kong braso mula sa likuran ko. Bakit parang dumami ang nandito?

"Papa." Bulong ko.

"Kapag ganitong hawak ang dalawa mong kamay mula sa likod at sa tingin mo wala ka nang kawala, ibigay mo lahat ng bigat mo then do deep squat to hit their nose. Dapat mabilis ang kilos mo para makawala ka."

Mabilis kong ginawa ang itinuro ni papa. One step back, squat and I'm good to go. Hope to hit him straight to his nose. Napangisi ako nang hunarap saakin ang isa sa mga lalaking umambang sumuntok kanina.

Alam kong natamaan ko ang lalaki nang marinig ko itong uminda. Kinuha ko naman itong pagkakataon para iangat ang dalawa kong paa habang nakasandig sa katawan ng lalaki sa likuran ko at mabilis na sinipa sa dibdib ang lalaking nasa harap ko.

Isang ikot at muli kong sinipa sa mukha ang lalaking nasa likuran ko. Nilingon ko naman ang lalaking nasa harap ko at siniko ito sa leeg dahilan para mawalan ito ng malay. Kasunod nito ay ang pamamanhid ng katawan ko.

A-anong nangyari? Ginawa ko ang lahat para malingon si papa. Tumigil ang pintig ng puso ko nang makita ko ang duguang katawan ni papa. "P-papa." Usal ko. Kitang-kita ko ang luha sa mga mata ni papa, maging ang paggalaw ng bibig niya.

"Anak." At tuluyan na akong nawalan ng malay.

Tale Of The Hollow EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon