Dilim. Ito ang unang bumungad sa akin nang idilat ko ang mga mata. Anong nangyayari? Bakit ganito? May kaaway ba si papa? May kagalit? Sino yung mga kumuha sakin? Hindi ko napigilang mapaluha nang maalala ang huling sulyap ko kay papa. Kamusta na kaya siya? Maayos ba siya? Nakaligtas ba siya? Andito rin ba siya? Gulong-gulo ang isip ko. Ni hindi ko na alam kung ano pa bang dapat isipin.
Sinubukan kong aninagin ang mga braso at binti ko na ramdam kong parehong nakagapos. Pinilit kong sumigaw ngunit nilulunod ang boses ko ng tape na nakaharang sa bibig ko. Para saan ba ang lahat ng ito? Bakit nangyayari ang lahat ng ito?
Hilam ng luha ang aking buong mukha nang bumukas ang pinto na sanhi ng pagkalat sa loob ng silid kung nasaan siya ngayon.
"She's here madam." Dinig kong usal ng lalaking nasa harapan ko ngayon na may kasama pa itong babae. Ito marahil ang nag-utos sa mga ito na kunin at dalhin ako sa lugar na 'to. Ngunit hindi ko rin malaman kung para saan ang ginawa nila.
Hindi ko maaninag ang mga mukha nila dahil nakatalikod ang mga ito sa liwanag na nagmumula sa labas.
"So you are the daughter of my niece. The rebel one." Lumapit ang babae sa akin at unti-unti kong naaninag ang mukha nito. Matanda na ito ngunit makikitaan pa rin ng lakas at otoridad ngunit maamo ang mukha nito. " You might be confused, hija. I'm your grandmother from your mother's side. Unfortunately, I'm not on their side anymore." Tumawa ito ng nakaloloko sa pandinig. Malakas nitong binaklas ang tape na nakaharang sa bibig ko. Para namang niliyaban sa hapdi ang bibig ko sa paraan ng pagbaklas nito ng tape.
"Anong ginawa mo sa papa ko?!" Bulyaw ko dito dulot ng galit at labis na pagkalungkot.
"Hija, I can't understand you." Nabigla ako nang hilahin nito ang buhok ko dahilan ng labis na pag-angat ng sarili kong mukha. "I know you can understand me. Anyway, there are some things I wanted to know. Just answer me. How come your mother isn't with you the whole time you have stayed in the Philippines? Why are you there?!" May diin ang bawat bigkas ng salita nito, pero ni isa ay wala akong naintindihan sa gusto niyang iparating sa sinabi niya. "Answer me!" Sigaw nito sa mukha ko.
"You killed my father." Akusa ko rito. Nagpupumilit akong magpumiglas ngunit naagapan naman agad ng kasama nitong lalaki.
"So you know nothing, huh? Too bad." Napalingon ako nang bitawan ako ng lalaki. Nanlaki ang mga mata ko nang sumubsob ako sa malamig na semento kung saan ako kasalukuyang nakaupo. Bigla akong itinulak ng babae kasabay ng pagbitaw nito sa buhok ko. Nang pag-angat ko ng aking mukha upang tingnan siya ay nakatayo na ito at nakakrus ang mga braso. "Since I am a good grandmother of yours, I'll tell you the truth. Let me tell you the truth, hija. Gregorio Ramires is not your real father." Humalakhak ito na parang nagbitiw lang ng isang biro. "You have been played all your life, hija. That, I can't and won't do to you." Halos tumalsik ako nang sipain ako nito ng malakas sa mukha. Halos mawalan ako nang ulirat dahil sa pagkahilo dulot ng pagtama ng matigas na parte ng sapatos nito sa panga ko. Sa nanlalabong paningin ay nakita ko ang paglapit nitong muli sa akin. "I'll tell you who your father is, if and only if you'll help me."
"No!" Sagot ko nang may diin kahit na nanghihina sa ginawa niya. Halos mabingi rin ako sa lakas ng sampal na huminilagpos dito na siyang tumama sa aking pisngi. Ramdam ko ang sobrang hapdi sa aking mukha.
"You can't escape from this hell, fallen angel. But I can help you. Just give back the favor." Bulong niya sa aking tenga.
Hindi ko alam kung anong iisipin. Nahihilo pa rin ako at nananakit ang ulo maging ang mukha.
"Where's my father?" Tanong ko sa babae. Pumaskil sa maamo nitong mukha ang isang ngisi.
"Hmm... Biological, or the foster one?" Gusto kong sumigaw pero walang patutunguhan iyon. Hindi ako makapag-isip ng maayos. "Gregorio is dead. That's for taking you away from where you belong. And that's here.
Nanigas ako sa narinig ko. Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko. A-ano? B-bakit?
"W-why?" Nanginginig ang boses ko, halos hindi ko na marinig ang sariling tinig. Para akong tinakasan ng buhay sa narinig. "H-hindi. Hindi. Hindi yan totoo!" Sigaw ko dito na halos lumabas na ang litid sa aking leeg dahil sa sobrang galit na nararamdaman. Hindi ko na napigilan ang paghagulhol. Wala akong ibang maramdaman kundi pighati. Sobrang sakit.
"Don't cry hija. Gregorio is now in heaven. A place where you don't belong anymore." Napabuga ito ng hangin. Tila nakikisimpatya sa akin, ngunit alam ko ang totoo. "Just help me, and you'll get what you want."
NATATARANTA. Iyon ang nararamdaman namin ngayon. Kasama ko si Stefan na napapraning din sa kaiisip. Halos maglupasay na ako dahil limang araw na ang nakalipas pero wala pa rin kaming balita sa kaibigan namin. Maging si Stefan ay hindi mapakali na tila sinisilihan ang pwet. Hindi mapirmi.
"I'm sure dad already knows about this. I need his help. We need to find her. I need to find Isabelle." Paroo't parito siya habang sinusubukan na macontact ang ama na kasalukuyang nasa Italy. Kailangan namin itong makausap. Limang araw na rin ito roon.
"May balita kana ba kay Tito?" Tanong ko kay Stefan na ang tinutukoy ko ay ang ama ni Isabelle na si Mr. Ramires. Umiling ito. Magkasabay kasing nawala sila, wala rin kaming mapagtanungang kamag-anak ng mga ito. Tanging ang pamilya lamang nina Stefan ang malapit sa mga ito.
Napatingin ako sa binata nang magsalita ito habang nasa tainga ang cellphone nito.
"Ready me a flight going to Italia. Today. Yes please. Thank you." Napatingin ako sa gawi niya.
"Pupunta kang Italy? Ngayon?" Tanong ko rito na sinagot naman niya ng tango. "G-gusto kong sumama. Sasama ako! Ay hindi." Nalilito na ako. "P-pero di bale na. Basta mabalitaan mo ako agad, yun yung mahalaga. Balitaan mo ako agad. Balitaan mo ako agad ha." Mahigpit ang hawak ko sa braso niya. "M-mag-iingat ka."
"I will." Sagot niya at mabilis nang umalis sa apartment ko.
"Isabelle, nasaan kana ba?"
BINABASA MO ANG
Tale Of The Hollow Earth
FantasyWould you believe if I say that there's another world hiding inside earth? What if the school hides everything? What if the government hides something? What if there's no earth's core? Instead, another sun? Another city? Another living things? What...