Chapter 6 (unedited part)

223 8 3
                                    

Inilibot ko ang aking paningin nang pagmulat ko ng mga mata. Nasaan ako?

"You're awake. That's good." Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong muli ang matandang babae kanina. Napatawa ako ng mapait. Hindi nga pala ako nakatakas. Pinilit kong magpumiglas ngunit hindi ko magawa.

Nakahiga ako sa isang hospital bed at nakalagay ang mga kamay ko sa mga bakal sa magkabila kong gulid, maging ang mga paa ko ay ganon din. "You can't rid of that. Behave."

Naglakad siya paikot sakin. "Your parents have good genes. I thought you'll be like any of your race. Giants but powerless." Nang tumapat ito sa harap ko ay mahigpit niyang hinawakan ang pisngi ko. "But it turns out, the other way." Pinilit kong pumiglas ngunit bumabaon ang kuko niya sa pisngi ko. Baon ang kukong inalis niya ang kamay niya. Ramdam ko ang hapdi at tila may tumutulo mula dito.

"What do you need?"

"Good you asked. I need you to open the portal." Napakunot-noo ako sa sinabi niya. Portal? Hindi ko alam pero nalilito ako sa mga sinasabi niya. Hindi ko masundan.

"What are you talking about? I--." She hushed me and lightly pat my cheeks.

"You'll know." Naglakad-lakad ito at may kinuhang kung ano sa bulsa. Cellphone?

Inilapit nito sa tainga ang telepono nito.

"Necesitamos traerla al Tíbet. Ella será de gran ayuda para que podamos entrar." (We need to bring her in Tibet. She'll be a big help in order for us to get in.)

Spanish? She speaks in Spanish. Naguguluhan ako. Ano ba talagang nangyayari? Bakit ako nandito? Pinilit kong makalas ang mga bakal na pumipigil sakin pero hindi ko magawa. Hindi ko napigil ang maluha. Hirap na hirap na akong intindihin ang mga nangyayari.

"Please. Let me go." Pagmamakaawa ko. Pagod na ako. Pagod na pagod. Kinakain pa rin ako ng kalungkutan. Hindi ko pa rin matanggap ang nangyari kay papa. Kasalanan ko. Kasalanan ko lahat. Alam kong ako ang dahilan ng kaguluhang ito. Pero bakit? Bakit? Hindi ko alam.

Napatingala ako nang sabunutan niya ako para mapaharap sa kanya? Napasigaw ako sa sumigid na sakit sa anit ko.

"Why are you crying? Don't worry, after we finished using you, we'll return you to hell. That's where you belong. Right honey?" Pigil ko ang pag-iyak. "Answer me!"

"Please, let me go." Pagmamakaawa kong muli.

"Not yet. Not yet." Mahina niyang usal saka binitawan ang buho kohabang hindi mapakali sa paglakad paroo't parito.

Unti-unting nanginginig ang laman ko dahil sa magkahalong lungkot at galit. Hindi ko na alam kung ano pa bang dapat kong isipin. Hindi ko alam kung para saan ang lahat ng nangyayari ngayon. Sumigaw ako dahil sa lungkot na nararamdaman. Isa pang sigaw. Hanggang sa ang isa ay naging dalawa. Sunod-sunod ang aking ginawang pag-sigaw. Sobrang bigat na ng dibdib ko. Basang-basa na ang aking pisngi dahil sa walang humpay kong pag-iyak.

"Shut up!" Sigaw niya pabalik. Pilit niyang tinatakpan ang kanyang mga tenga hanggang sa napaupo ito. Kitang-kita ko ang panginginig ng mga kamay niya habang sinusubukang tumipa sa cellphone nito. "C-come over here. S-she's starting... She's starting it again."

Hindi ko na namalayan ang pagkabaklas ng mga bakal sa aking mga braso. Sinubukan kong muling tanggalin ang mga nasa paa ko at nagtagumpay ako.

Kailangan kong makaalis dito. Nilingon ko muna saglit ang matanda bago lumapit sa pinto. Sinubukan ko itong buksan ngunit nakalock ito mula sa labas. Tinignan kong muli ang matanda saka inilibot ang paningin sa kabuuan ng lugar kung nasaan ako. May nakita akong surgical knife at mabilis na dinampot ito isang dipa ang layo mula sa akin. Mabilis akong lumapit sa matanda saka itinutok sa kanya ang patalim.

"Open this door." Utos ko rito habang inaamba sa kanya ang hawak ko. Umiling lang ito. "I said open..." Hindi ko natuloy ang sasabihin nang makaramdam ako ng pagpihit sa doorknob.

Mabilis kong hiniklat ang braso niya at ginawang hostage. Sunod-sunod ang pagpasok ng mga kalalakihang pulos nakasuot ng puti. Kailangan kong makatakas dito. Kailangan kong makaalis. Kailangan ko pang malaman kung ano ba talagang nangyari kay papa. Hindi ako naniniwalang patay na si papa.

Nakita ko ang isa na may hawak na syringe gun. Hindi ko alam kung anong maaaring mangyari sa'kin kapag dumampi ang dulo nito sa balat ko. Nang ambang itututok na nito sa akin ang hawak ay mabilis kong iniharang ang hostage ko. Nakatapat sa leeg ng matanda ang hawak kong patalim. Hindi ko lubos maisip na magagawa ko ito sa buong buhay ko. Hindi sa'kin itinuro ni papa ang manakit ng iba. Pero wala na akong ibang mapagpipilian. Ito nalang ang naisip kong paraan.

"No! Don't! Just don't please." Pagmamakaawa niya sa mga nakaharang sa amin.

"Move!" Uto ko sa kanila ngunit walang ni isang gumalaw. Mas lalo kong inilapit sa leeg niya ang patalim. Ramdam ko ang panginginig niya. Bigla siyang napatili na nakaagaw ng atensyon ng mga nasa loob.

"Move! I said move!" Histeryang sigaw niya. "Please, don't kill me." Dinig ko ang takot sa boses niya. "Please don't."

Mabilis ang naging kilos ng mga tauhan niya kaya agad na akong kumilos habang dala ko ang bigat ng katawan ng hostage ko.

"Don't follow us or I'll kill her." Panakot ko sa kanila habang naglalakad ng patalikod at hindi inaalis ang tingin sa kanila. Mabilis na akong naglakad. Halos glass ang kabuuan ng lugar kaya mabilis ko nalang mapagpapalit-palit ang paningin sa dinadaanan ko pati na rin sa tauhan ng matandang ito na hindi lumilingon sa likod. Ilang hakbang nalang ay makakalabas na ako.

Nang may sumubok na lumapit sa amin ay idinikit ko ang patalim sa leeg ng babaeng ito. Tumili ito at nagsimulang umiyak. "No! Don't fucking move!" Dinig na dinig ko ang pag-inda niya sa ginawa ko.

Wala na akong maramdamang konsensya. Wala nang natira pa sa'kin. Walang espasyo ang pakiramdam na 'yun sa sitwasyon ko ngayon. Inilang hakbang ko pa nang makatungtong sa labas bago siya bitawan at mabilis na kumilos palayo. Madilim ang bumungad sa akin. Puro kakahuyan. Hindi ko na sinubukan pang lumingon. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang makalayo. Papalit-palit ako ng tinatakbuhag direksyon upang makaiwas sa baril. Umaalingawngaw ang tunog nang baril sa kabuuan ng lugar. Nakaramdam ako ng pagkahilo dahil sa sobrang pagod. Hindi nila dapat akong mahuli. Napaigik ako nang may tumama sa tagiliran ko. Para akong natusok ng maliit na bagay. Mabilis ko itong hinila mula sa pagkakabaon. Napamura ako nang makita ko ang syringe na hawak ko na ngayon.

Ilang minuto na akong tumatakbo at dinig na dinig ko pa rin ang mga humahabol sa'kin. Sunod-sunod rin ang pagpapaputok ng kanilang mga baril. Hindi na dapat ako matamaan ng kung ano pa mang hawak nila.

Hirap na hirap na ako sa pagtakbo lalo na't mataas na ang mga damong nadadaanan ko. Habol ko na rin ang hininga. Ramdam ko na maging ang mga munting mga sugat na natatamo ko mula sa sanga ng mga punong nadadaanan ko. Napahigik ako nang may dumaplis sa braso at pisngi ko. Ramdam kong bala ng baril ang kamuntik nang bumaon sa akin dahil mainit na bagay ang dumampi sa balat ko.

Nahihilo na ako. Hirap na akong huminga. Ang kaninang madilim ay tila unti-unti nang nanlalabo. Hindi. Kailangan kong lumayo.

Unti-unti na akong kinakain ng lungkot at takot. Nagsimula nanamang tumulo ang luha ko. Nanghihina na ako. Ramdam ko ang pagbagsak ko. Napahigit ako ng hininga nang tila lumilipad ako sa ere hanggang wala na akong maramdaman. Tila bigla akong namanhid hanggang sa panawan ako ng ulirat.

Tale Of The Hollow EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon