Chapter 1: Engagement

2 1 0
                                        

☘ Ran's POV ☘

NAKAKAINIS! Dapat ko ba talagang bitbitin ang mga 'to? Bwisit na Roy yun, dapat na siya ang magbitbit ng mga 'to. Wala talaga sa dugo niya ang pagiging gentleman!

Habang naglalakad sa hallway bitbit ang sandamakmak na papel ay nakita ko si Payat na nakayukong naglalakad. Hindi pa break time kaya nakapagtataka na nasa labas siya. May rules na bawal lumabas sa oras ng klase.

"Hoy payat!" Pagkuha ko sa pansin niya. Lumingon naman siya sa direksyon ko kaya sinenyasan ko siyang lumapit. Naglakad naman siya palapit sa akin at nang nasa tapat ko na siya ay inabot ko sa kanya ang dala ko.

"Ayoko." Pagsagot niya na ikinagulat ko. How dare him!

"Ano? And who are you para tumanggi sa akin?" Inis na tanong ko

"Mauna na ako." Sabi niya at yumuko bago ako tinalikuran.

"Hoy payat! Bumalik ka dito." Inis na sabi ko pero hindi niya ako pinakinggan. "Bwisit ka!" Sigaw ko at saka inis na naglakad pero nakakailang hakbang palang ako ay napatid ako sa isa ko pang paa. Nabitawan ko ang mga hawak ko dahil patumba na ako sa semento. Napapikit nalang ako at napasigaw. "AHHHHHH."

Hinihintay ko ang pagbagsak ko pero ilang segundo pa ang lumipas ay wala akong naramdaman na sakit. Napamulat ako ng mata at tinignan kung anong dahilan bakit hindi ako dumiretso sa semento. Napatingin ako sa braso na nakapulupot sa baywang ko at tinignan kung kanino iyon.

"P-Payat." Utal na sabi ko habang nakatingin sa kaniya. Inayos naman niya ang tayo ko at isa isang pinulot ang mga papel na nagkalat. H-He catch me. My goodness! Kinikilig ako!

Agad akong umupo at kinuha ang iba pang nagkalat na papel at mabilis na inagaw sa kaniya ang mga nakuha niya saka mabilis na tumakbo palayo sa kaniya. Nakakahiya pero nakakakilig! Nang makarating ako ng classroom ay agad kong ibinaba ang mga dala kong papel sa bakanteng upuan na katabi ng upuan ko saka ako naupo at yumuko sa desk ko. My god! Ramdam ko ang init ng pisngi ko at sigurado ako na namumula ako ngayon. Bakit ba kasi ako nagka-gusto sa kanya?

"Ahm.. Ran? Are you okay?" Rinig kong tanong ni Marissa.

"Yes, don't mind me." Sagot ko habang nakatungo pa rin sa desk ko.

"Okay, sorry for disturbing you." Sabi niya ulit. Ilang sandali pa akong nakatungo at hinintay ko na humupa ang pag-init ng pisngi ko bago ko i-angat ang ulo ko pero bigla akong napahinto nang ang sumalubong sa akin ay ang mukha ni Evo. Ang sobrang lapit na mukha ni Evo. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na lumayo.

"B-Bakit?" Utal na tanong ko at ramdam ko nanaman ang pag-init ng pisngi ko.

"Naiwan mo." Sabi niya sabay abot ng isang papel. Kinuha ko naman agad iyon at inilagay sa iba pang papel na nasa katabi kong upuan. Napaiwas naman ako ng tingin ng mapansin ko na nakatitig siya sa akin.

"Y-Yun lang ba? Makakaalis ka na." Sabi ko at pilit pinigilan ang mautal pero walang effect.

"Are you sick?" Kasabay ng pagtanong niya ay ang paglapat ng likod ng palad niya sa noo ko na ikinagulat ko kaya bigla kong tinapik ang kamay niya.

"I'm not!" Pagsigaw ko. Napakagat naman ako ng labi dahil hindi ko naman dapat isisigaw iyon. Anong nangyayari sayo Ran?!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 25 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HounsouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon