Raika's PoV.
Nasa kusina ako kumakain nang almusal, pasok ko ay mga 7 gumising ako nang 5 kasi marami pa ako gagawin.
*knock knock*
Pagkalagay ko nang pinggan sa lababo may kumatok sa pintuan, kaya agad ako pumunta at binuksan at nakikita ko si xiora.
"Xiora? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi ka ba masaya makita ako? Sayang naman ang layo kaya nilakaran ko" sagot niya sabay pout.
"Sinabi ko ba pumunta ka dito?" Tanong ko ulit.
"Grabi ka naman, di ba pwede isipin excited lang ako makita best friend ko?" Sabi niya.
"Geh, pumasok ka na" no choice ako kakahiya naman sa kanya na papauwi ko na lang siya ganun ganun. Pero first time ko lang may kusa bumisita sa bahay ko.
"Yeey" parang isip bata pumasok siya at saglit niya ako niyakap.
Dumiretso kami sa living room at pinaupo ko siya sa sofa "raika, magisa ka lang sa bahay?" Tanong niya.
"Ah.. oo bakit?" Nagtanong ako pabalik.
"Wala naman, ganun ka ba ka lonely? Nasaan mga parents mo?" Tanong niya ulit.
"Nasa ibang bansa dun sila nagtatrabaho" sagot ko.
"Teka, tipla lang kita nang juice" sabi ko.
"Wag na lang...hmm saan ba kusina mo?" Tanong niya sa akin.
"Nandun" sabi ko sabay turo kung saan yung kusina.
Naglakad ako papunta dun sumunod naman sa akin si xiora. Pagkatingin ko sa kanya na pansin ko na may papel siyang hawak "ano yan?" Tanong ko.
"Mga assignment nila krix" sagot niya.
Anong gagawin niya diyan.
Pinasok niya kamay niya sa bulsa tska may kinuha siyang lighter lumapit siya sa lababo at muli niya itoh sinunog mga papel "Xiora?!?" Sigaw ko.
Pero pinapatuloy niya sinunog ang mga papel hanggang wala na tira "bakit mo ginawa yun?" Tanong ko. Hindi niya ako sinagot, ngiti lang ang nakuha ko at naghugas na siya nang kamay.
"Natatakot ka ba na baka sugurin ka nila?" Tanong niya.
"Wag kang magalala hahaha ako bahala sayo" dagdag niya tapos ngumiti ulit siya abot hanggang tenga.
Nababaliw na ba siya?
May isang oras na lang kami natitira, sabay kami naglakad ni xiora papunta sa school.
"Rai, may tanong ako" panimula niya.
"Ano yun?"
"Kailan ka ginulo ni krix? Saan ba nagsimula ang pangbubully niya sayo?" Tanong niya.
"Hmm yung una palang kami magkita nakipagkaibigan sila sa akin, tapos yung nalaman na weirdo ako dun nila sinimulan utos utosan ako, tuksohin ako, tska pananakit nila sa akin kapag sinasagot ko sila. Wala ako laban kaya wala ako magawa kundi sumunod at manahimik na parang aso" sagot ko.
"Hahaha ngayon may tunay kang kaibigan, hindi ako papayag na ganunin ka nila. Simula ngayon, ako bahala mangongollecta sa mga pangaapi nila sayo" sabi ni xiora.
"Paano mo gagawin yun?" Tanong ko.
"Ako bahala, magtiwala ka lang sa akin" sabi niya sabay ngiti. Wala ako nakikita sa kanya tunay na emotion kundi masaya, yung pagiyak niya kahapon isang peke lang yun para mapaniwala niya nang adviser namin. Habang tumatagal lumalaki ang pagkacurious ko kay Xiora.
YOU ARE READING
She's a psycho
AcciónSi Raika ay isang loner. Sanay na siya mabully Sanay na siya magisa Mas focus siya sa pagaaral. Hindi niya nakakasama mga magulang niya dahil busy sa ibang bansa, pero lahat ay nagbago nyun dumating ang kanya best friend pero hindi niya inaasahan na...