chapter 8- ICE CREAM

31 0 1
                                    

Meo_Gee:3

Wala edit-edit. PATATAWARIN

Nanlaki ang mga mata ko sa kanya.

Tumunghay siya.

Punong- puno siya ng luha sa mga mata. Nagkatat din ang sipon niya. YAK.

Pero kahit ang weird ng itsura niya kitang kita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya. Sobrang nasasaktan.

Yumuko siya muli.

Iniisip ko tuloy kung dapat ko ba siyang lapitan o wag na lang. Kaso naguguilty naman ako. Baka magpakamatay ko. Konxenxa ko pa. Tsk.

Nampaka pakialamera ko talaga. Tsk.

Umupo ako sa isang swing sa tabi niya. Mukang wala siya sa wisyo at hindi niya ko pansin.

"Real boys don't cry"

"Sabi nila bakla daw ang mga lalaking umiiyak. Bakla ka ba?"

Kahit hindi ako nakatingin sa kanya ramdam kong napalingon siya sa akin.

"ANO!" 

"Bakla ka ba?"

Bigla siyang tumayo.

"PUMAPATOL AKO SA BABAE!"

Tumayo na rin ako at tinitigan siya.

"Unfortunately hindi ako pumapatol sa bakla"

Nanlaki lalo ang mga mata niya at kinuwelyuhan ako.

"GUSTO MO TALANG MASAKTAN?"

"Kaya mo?"

*BOOOGGSSSSHH*

*KABLAAAAAAMMM*

*WAAPAAAAAAAKK*

*KAABOOMMMMMM*

*BOOOGGSSSSHH*

*KABLAAAAAAMMM*

*WAAPAAAAAAAKK*

*KAABOOMMMMMM*

*BOOOGGSSSSHH*

*KABLAAAAAAMMM*

*WAAPAAAAAAAKK*

*KAABOOMMMMMM*

Bumagsak siya sa lupa at napahiga.

"WALA TALAGA KONG KWENTA. ANAK DE P*TA!"

Tiningnan ko siya. Lumuluha na naman siya.

"Bakla ka nga"

"..."

"Kanina nagdadalawang isip pa ko kung bakla ka ba...Pero ngayon sidurado na ko"

"..."

"BAKLA KA NGA"

"Wala kang alam" sagot niya.

"Wala kong planong alamin"

Katahimikan.

Umupo ako sa swing. Kinuha ang ice cream na binili ko kanina at inumpisahan ang pagkain nito.

Kaasar! Bakit ba kasi ako na aapektuhan ng pagdradrama ng taong to. Anong paki alam ko s kanya??? Tssss. Bakit ba pakiramdam ko dapat din akong masaktan?? 

AIST!!

Katahimikan.

"Hindi solusyon ang pagiyak sa problema" putol ko sa katahimikan.

"..."

"Mawawala ba ang sakit kung iiyak ka ng iiyak?"

Umupo siya mula sa pagkakahiga sa lupa.

"Wala kang paki alam"

Nilapitan ko siya at mukang hindi niya pansin ang paglapit ko.

"BAKLA KA!"

Agad siyang napalingon at agad ko namang isinubo ang kutsara na may ice cream sa bibig niya.

BULLSEYE. Sakto lang ako sa pagbuka ng bibig niya.

SHOOT ang ice cream. Tsss.

Halatang nagulat siya at naubo. Anlaki din kasi nung scoop ng ice cream na inilagay ko sa bibig niya.

"Ice cream para sa mga bitter"

"ABA..." hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil isinubo ko yung isa ko pang kutsara na may ice cream.

"Kumain ka na lang."

At kumain nga ang loko.

Mukang nasarapan siya sa lasa ng ice cream.

Muka siyang bata na first time lang na kakain.

HIndi ko alam kung bakit pero natutuwa kong pinagmamasdan kung paano siya magenjok sa pagkain.

Nagkalat pa ang ice cream sa bibig at muka niya.

Bata. Para siyang Bata.

"WAAAAAAAAAAAAH! Ubos na." sigaw niya.

"Malamang kinain mo a"

"Gusto ko pa"

Kung kanina puro sakit ang laman ng mata niya ngayon naman pananabik sa ice cream ang nakikita ko. TSSSSSS. Bata.

"Bumili ka"

"Saan?"

Seryoso ba to sa tanung niya?

"7 eleven"

Agad niya kong hinila.

Nang makarating kami sa 7 eleven.

"Dito ba?" tanong niya.

WEIRDO.

Tumango lang ako.

"Talaga?"

Nilungon ko siya. Nakatingin siya sa akin at dalawang question mark ang nakikita ko sa mata niya.

WEIRDO. WEIRDO.

"Oo"

"E alak lang binibili namin dyan e. Wala kong napapansin dyan nung katulad nung.."

"Ice cream" putol ko sa sinasabi niya.

"O ice cream ang tawag dun?"

WEIRDO. Mukang tama nga ako. Hindi nga niya alam ang ice cream. Saang planeta ba galing ang taong to? WEIRDO.

Tiningnan ko siya at mabilis na lumakad papasok sa 7 eleven. Agad kong pinuntahan ang stall ng ice cream.

"Wooah. Andaming Ice cream"

Tiningnan ko ang muka niya.

At

WEIRDO.

NAgtwitwinkle ang mata niya habang pinagmamasdan ang mga ice cream. WEIRDO.

Mukang nagkamali nga ata ako ang taong tinulungan. Baliw ang isang to. Tsssss.

"Hindi gagalaw ang mga yan"

Mabilis pa sa alas kwatro niyang pinagkukuha ang mga ice cream.

MGA ice cream dahil andami niyang pinagkukuha. Halos lahat na ata ng flavor kinuha niya.

Pagdating sa counter mejo nagulat yung crew dahil na rin sa daming kinuhang ice cream ng taong to akala mo mauubusan. WEIRDO.

 Paglabas namin. Mukang sayang saya siya sa mga napamili. Muka siyang nanaginip ng gising. 

WEIRDO.

Makaalis na nga lang baka mas malala pa ang kaweirdohan na makita ko. Mahawa pa ko.

Lumakad na ko paalis.

"SALAMAT" sigaw niya.

Napangiti naman ako. 

Atleast mas ok na weirdo siya kesa naman makita ang nakakadiri niyang muka pag umiiyak.

[A/N]

Short update.

Hi TART!

Meo_Gee:3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 06, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HAKUNA MATATATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon