chapter 1- THEIR SIDES

134 1 0
                                    

May batang lalaki na umiiyak sa playground. Iyak siya ng iyak habang yakap-yakap niya yung bola niya. Then a little girl came to him. Umupo ito sa tabi niya at tumitig sa kanya. Naconcious tuloy yung batang lalaki sa ginawa nitong si little girl.

“Bakit ka ba nakatitig?” habang pinupunasan niya ang sipon at mga luha niya.

“Boys don’t cry”

“Ha?”

Tumingin sa malayo yung little girl.

“Sabi ni Papa ang lalaki daw hindi umiiyak. . .” then she pause at tumingin sa batang lalaki.

“Bakla daw yung mga lalaking umiiyak”

Napahinto naman sa pag hikbi yung batang lalaki. At nakakunot ang noong tumingin kay little girl.

“Bakla ka ba?”

“Hindi Ah!”

“E bakit ka umiiyak?”

“Hindi ako umiiyak. Tamo, walang luha Oh” inilapit niya yung mukha niya dun kay little girl.

“Good” then she smile.

Napasmile naman din yung batang lalaki.

After that hindi na nila iniwan ang isa’t-isa. Lumaki silang masaya at laging magkasama.

***********

Grade 6 sila

“Ui may tuta oh” Kai

Sabay karga niya sa tuta.

“Oo nga ang cute, nasaan kaya ang may ari nito?” Kari sabay himas sa ulo nung aso.

“Wala ng may ari nito kaya akin na lang ito”

“Paano mo naman nasabi na walang may ari nan? Pano kung meron?”

“Wala nga sabi” tinitigan niya ng masama si Kari.

“Paano nga lang”

“A basta akin na ito. TAPOS!” sabay lakad palayo.

“Kaya mo naman bang alagaan yan?”sigaw ni Kari sa papalayong si Kai.

Humarap naman sa kanya si Kai. Nakakunot ang noo.

“Kung yan ngang sarili mo hirap mo ng alagaan e, yang tuta pa kaya. Tsk”

“…”

 Hindi sumagot si Kai. Lumapit sa kanya si Kari at nakita nito na humigpit ang yakap ni Kai sa aso.

“Kitams hindi ka makasagot” sabay ngisi.

“Pero…”

“Pero ano? Hindi mo naman kayang alagaan itong magisa ah. Tama ko di ba?”

Napayuko na lamang si Kai. Totoo kasi ang sinasabi ni Kari. Hindi niya kayang mag-isa, hindi niya kayang aalagaan ang sarili niya paano pa kaya ang isang tuta.

Kinuha ni Kari yung tuta kay Kai. At itinaas ito. \(^___^)/

“Kaya…Ako na ang tatayong Mama nitong tuta na ito”

Napatunghay bigla si Kai sa na dinig. Ibinababa naman ni Kari yung pagkakataas niya sa tuta.

“Tapos ikaw ang Papa niya” at ngumiti siya kay Kai ng sobrang lapad.

Hindi naman makapagsalita sa sobrang tuwa si Kai.

“Yan for sure maaalagaan na natin ng husay itong si puppy. Dalawa tayo e. Hehehehehehe”

HAKUNA MATATATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon