Kabanata 11

38 5 0
                                    


Kabanata 11

1st day-Monday:Fixing the Booths

Jia's Point of view

Nagising ako dahil sa parang may yumuyugyog sa balikat ko kaya binuksan ko ang mata ko para tingnan kung sino ang gumagambala sa maganda kong tulog at sumalubong agad sa akin ang mukha ni Jenny"Hoy Jiaaaa!!!!Maligo kana at mag ayos ngayon ang 1st day ng foundation day remember!!!"aniya sa pasigaw na tono,umupo ako sa kama at tiningnan siya ng masama"I will count"aniko in serious tone"1.."aniko"Uy joke lang naman!!"aniya pero hindi ko siya pinansin at tinuloy ang pagbibilang"2..."aniko"Ito naman hindi mabiro!"aniya alam niya na kasi ang mangyayari kapag ginising niya ako ang ayaw ko pa naman sa lahat ay ang ginigising ang mapayapa kong pagtulog"3..."aniko "Aaahhhh!!!"aniya at nagtatatakbo palabas ng kwarto ko.

Naligo na ako at nag ayos na ng sarili pagkatapos kong gawin yun ay bumaba na ako at nakita kong kumakain na ng breakfast si Jenny sa Dining Room feel at home talaga tong babaeng toh!!Lumapit ako sa kinaroroonan niya at umupo sa kaharap niyang upuan"Kumhain khana rhin Jhia"aniya habang puno ng pagkain ang bibig at nagtatalsikan pa ang kanin kaya nag peace sign lang siya.Mga ilang minuto ay bumaba na ang malas sa buhay ko"Oh Abi balita ko may foundation day kayo ngayon.Mag enjoy kayo doon huh"aniya pero hindi ko lang siya pinansin at kung kanina ay kwento ng kwento si Jenny ngayon naman para siyang naputulan ng dila.

Nakita kong lumabas siya ng dining room at dumiretso sa kitchen pagkadating niya ay may dala na siyang 2 supot which is sandwich at 2 inumin."Eto anak oh!para hindi kayo gutomin mamaya!"aniya at iniabot sa akin ang mga dala niya pero tumayo lang ako at nilagpasan siya para umalis.Narinig ko namang humingi ng tawad si Jenny.Tss bakit ba siya nagsasayang ng oras doon sa babaeng yun!??

Nakasakay na ako sa kotse na maghahatid sa amin ni Jenny sa Academya at pumasok narin si Jenny dala dala ang mga pagkain na binigay ng stepmom ko,inabot niya sa akin ang 1 supot at 1 inumin mga ilang segundo ay hindi ko parin ito inaabot kaya siya na ang naglagay sa kamay ko mismo at nginitian ako"Ok ka lang?"aniya at tumango lang ako.

Nandito na kami sa Academya at marami ng nagtatayo ng mga booths nila kahit maaga palang siguro dahil konti palang sila sa myembro at mahirap itong itayo nagpaalam muna sa akin si Jenny na tutulungan niya daw magtayo ng booth ang Cooking Booth kaya mag isa lang akong naglilibot ngayon.Great napakasaya!Nag ikot ikot lang ako at nahagip ng mata ko ang mga nag aayos ng horror booth at mukhang nahihirapan silang magkabit ng mga disenyo para sa booth nila i think Grade 9 students sila at senior high na kami.

Hindi ko alam kung bakit lumapit ako sa kanila at napukaw ko ang atensyon nila"Hi po Ate may kailangan po ba kayo"ani ng isang bata at napangiti ako dahil naalala ko si Sydney sa kanya"Wow ate ang ganda mo po pala kapag nakangiti"aniya kaya pinat ko ang ulo niya"Nahihirapan ba kayo dito?"aniko na siyang ikinatango nila ng mga kasama niya"Pwede bang tumulong?"aniko na siyang ikinangiti nila at nagsitanguan kaya napangiti ako lalo.

Tinulungan ko silang magkabit ng mga design dahil hindi nila ito maabot.4:00 pm na pala ngayon nag start kami mag ayos kanina ng 8:00 am natagalan kasi kami sa pag aayos dahil kokonti lang kami siguro mga 6 at nalaman ko narin ang mga pangalan nila ang isang una kong kinausap kanina ay si Jillian, tapos si Rey,Candice,Claire,at si Fria.Magkakabit na ako ng pinakahuling disenyo at umakyat na sa parang hagdan kasi sa pinakatuktok ko ito ikakabit ng biglang nadulas ang paa ko kaya hinintay ko nalang ang pagkahulog ko sa lupa pero ilang minuto ang nakalipas ay bakit parang hindi pa ako nahuhulog?

Minulat ko ng dahan dahan ang mata ko at sumalubong ang mukha ni kwago sa akin at nagkatitigan kami ng ilang minuto pero nag iwas na ako ng tingin at ngayon lang nag sink in sa utak ko na buhat buhat niya pala ako kaya agad agad akong bumaba"T-thank you"aniko habang nauutal shete!! Bakit ba ako nauutal?Nagpaalam na ako kina Jillian na uuwi na at dali dali ng umalis hindi ko narin hinintay ang sasabihin niya.What did just happen!??




Ethan's Point of view

Kasalukuyan kami ngayong naglilibot dito sa Academya dahil bukas pa naman ang opening ng mga booths kaya naglilibot nalang kami ng may isang pigura ng tao ang nakaagaw ng pansin ko na kausap ang mga Grade 9 students tapos sa sumunod niyang ginawa ako napahinto sa paglalakad na siyang ikinataka ng mga kasama ko dahil pumasok ngayon ang mga luko luko porket walang pasok at may kasiyahan pupunta agad agad sila pero kapag may pasok mga tamad.

Napahinto ako dahil tinap niya ang ulo ng isang Grade 9 student at nginitian ito.Parang gusto kong iuntog ang ulo ko sa pader dahil hindi ko alam kong naghahaluccinate lang ba ako or talagang ngumiti talaga siya."Woah ngumiti ba siya?"ani ni Adrian sa tabi ko"Once in a blue moon lang yun ah"aniya na parang hindi din makapaniwala.Akalain mo yun ang Cold Princess ng Academyang toh ay ngumiti dahil lang sa bata.

4:00 pm na ngayon at kanina ko pa pinagmamasdan si Ms.Sungit tumulong sa pag decorate ng horror booth"Seriously bro hindi pa ba tayo aalis.Kanina pa tayo dito"pagmamaktol ni Calix sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.Pagkabaling ko ng tingin kay Ms.Sungit ay siyang pagkadulas niya kaya dali dali ako tumakbo sa pwesto niya para saluhin siya at nagawa ko naman.Mga ilang minuto ay nagkatitigan lang kami at bumaba na siya at ang mas ikinagulat ko pa ay ang nagpasalamat siya pagkatapos ay nagpaalam na para umalis.She's really cute.

Itutuloy...

Im Taming The Heartless DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon