Kabanata 31

29 5 0
                                    


Kabanata 31

Jia's Point of view

Nandito na ako ngayon sa Classroom pero lumilipad ang utak ko dahil simula kaninang umaga ay hindi nag te text sa akin si Ethan kaya napasimangot nalang ako sa ideyang hindi niya manlang ako kinamusta ngayong araw at hindi pa siya pumasok ngayon sa unang klase pati sina Calix ay wala rin.

Recess na ngayon at kasalukuyan kaming kumakain ni Jenny pero itong isa ay parang pinagsakluban ng langit at lupa dahil tinotorture niya na yung inorder niyang steak kasi lasog lasog na at hindi ko nalang siya pinansin dahil baka biglang manaksak minsan lang yan magseryoso kaya pagbigyan na.

Nagulat kami ng bumukas ang cafeteria at pumasok sina Ethan kaya napangiti ako pero agad din yung nawala ng makitang may kasama siyang babae at nakapalupot ang kamay niya sa bewang ng babae kaya nag init agad ang ulo ko.

Nahagip ako ng mata niya pero he look at me blankly na parang hindi niya ako kilala at dumiretso na sa upuan nila at pinaghila niya pa ng upuan ang babae at feeling ko may nadurog sa kaloob looban ko.Akala ko ba hindi niya ako bibiguin?

Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko pero hindi nakatakas sa akin ang mga tingin ni Jenny na nag aalala kaya sa tuwing titingnan niya ako ay nginingitian ko lang siya.Hindi ako pwedeng sumuko kailangan kong alamin ang totoo.At kung anong nangyayari.Dahil may tiwala ako sa kanya.

Pagkatapos naming kumain ay umattend na kami sa susunod naming klase hanggang sa matapos ang buong araw at uwian na kaya pinauna ko na si Jenny dahil sabi ko kakausapin ko pa si Ethan sa una ay nag aalangan pa siyang umalis pero wala din naman siyang nagawa dahil ako ang kalaban niya.

Nakita ko sina Ethan na palabas na ng Gate ng Academya kaya agad akong humarang na siyang ikinataka ng babaeng kasama niya

"Get out of our way"aniya in a cold voice kaya nanlumo ako pero hindi ako umalis at taas noo ko siyang hinarap

"Let's talk"aniko at nagkatitigan lang kami ng ilang segundo tsaka siya sumang ayon at pumunta kami sa Garden

"What do you want to talk about?"aniya at ganun parin ang tono ng boses.Nasaan na yung boyfriend kong makulit?

"About us"aniko pero ang sumunod niyang sinabi ang nagpabagsak na sa mga luha ko

"Wala nang tayo"aniya pero poker face lang siya habang ako halos lumuwa na yung mata sa kakaiyak.

"I don't understand why are you doing this at sa pagkakaalala ko ay hindi naman ako nakipag break pati ikaw kaya bakit wala nang tayo?"aniko habang tumutulo parin ang mga luha

"Pwes ngayon break na tayo.Ayoko na sayo ang boring mong kasama"aniya na siyang lalong nag paiyak sa akin

"Ganun ganun lang yun makikipag break ka na nga lang ang pangit pa ng excuse mo!"aniko habang humihikbi pero nilagpasan niya lang ako pero bago pa siya tuluyang makaalis ay hinawakan ko ang braso niya

"Binigay ko sayo lahat ng tiwala ko pero sinayang mo.Binigay ko sayo lahat ng oras at pagmamahal ko pero ito ang ginawa mo.Lahat lahat ginawa ko para maging matibay ang relasyon natin pero ikaw na mismo ang unang bumitaw ang hina mo naman.Sana hindi mo nalang ako niligawan kung sasaktan mo din naman pala ako."aniko at tumigil sandali"Pero thank you ha kasi pinaramdam mo sa akin ang tunay na pagmamahal pero mukhang hanggang dito nalang talaga tayo.Kasi wala namang mangyayari kung ako nalang ang nagmamahal sa ating dalawa.Alam kong mas sasaya ka sa kanya kaya kahit masakit.You are free"aniko sa nanghihinang tono tinanggal niya ang hawak ko sa braso niya at tuluyan na akong iniwan.

Isang taong pinagkatiwalaan ko pero niloko ako at hindi ko siya sisisihin doon pero sa oras na makita mo ang totoong halaga ko ay wala ka nang babalikan dahil ikaw na ang sumuko sa atin at hinding hindi mo na makikita ang totoong ako dahil unti unti mo nang pinatay ang totoo kong pagkatao.Mark my words.


Im Taming The Heartless DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon