Kabanata 33

32 6 0
                                    


Kabanata 33

Jia's Point of view

Hindi ako pumasok ngayong araw dahil ang sama ng pakiramdam ko at dinadalhan lang ako ni Mommy ng pagkain at kinakain ko naman pero konti lang kasi wala akong gana kumain.

Kasalukuyan akong nakahiga ngayon sa kama ko at handa na ulit matulog dahil medyo inaantok ako ng biglang tumunog ang cellphone ko at unregistered number kaya binuksan ko ang text

"Masakit bang masaktan?"text sa akin kaya medyo kinabahan ako pero isinawalang bahala ko nalang kasi baka pinatritripan lang ako at natulog na.

Ethan's Point of view

Pagkauwi namin galing Boracay ay may nagtext sa akin at pinapapunta ako sa lumang building at sinabi niyang pag hindi ako pumunta ay papatayin niya si Jiana kaya pumunta na ako.Not my girl.

Pagkapunta ko naman doon ay nakita ko ang isang babae at nginitian niya ako ng pagkatamis tamis pero tiningnan ko lang siya

"Kilala mo ba ako?"aniya sa malambing na tono

"Bakit kailangan ba kitang kilalanin?"aniko sa naiiritang tono kaya nagbago ang ekspresyon niya at halatang galit ito

"Syempre kailangan mo kong kilalanin dahil ako ang bangungot na magpapahirap sa buhay mo"aniya na siyang ikinainis ko

"Sino ka ba talaga?"aniko sa naiiritang tono kaya tumawa siya

"Ako lang naman ang kapatid ng pinatay mong si Vaxin Jaze Santiago noong araw ng laban ninyo"aniya na siyang ikinagulat ko si Vaxin ay ang leader ng Red Lions na siyang kalaban namin dati sa Underground battle at natalo namin napatay namin sila ng mga kagrupo niya dahil legal naman ang pagpatay sa Underground battle.

"Nagulat ka ba?Ngayon ako naman ang magpapahirap sa buhay mo not physically but emotionally"aniya at ngumisi kaya ang gusto niya ay saktan namin ang damdamin ni Jia kaya ganito ang nangyayari ngayon dahil kung masasaktan daw si Jia ay masasaktan din daw niya ako not physically but emotionally at hindi ako tumanggi dahil papatayin niya daw si Jiana kapag hindi ako pumayag.

Sobrang sakit nung araw na pinalaya niya na ako nung pag uusap namin sa garden pinanatili ko lang ang ekspresyon ko nun pero pagkaalis ko ay siyang pagtulo ng luha ko at sobrang sakit makita na ako ang dahilan ng mga luha niya ngayon pero hindi ako susuko dahil sa oras na matapos ko tong problemang to ay babalikan kita baby just trust me with this.

Nandito ako ngayon sa bahay nila at binisita siya dahil nabalitaan kong masama ang pakiramdam niya kay Jenny kaya pinuntahan ko agad siya dito at 8:00 pm narin kaya pagpasok ko sa bahay nila ay nagulat si tita at binigay ko sa kanya ang binili kong prutas at pinakiusapan siya na wag babanggitin kay Jiana na pumunta ako sa bahay nila.

Umakyat na ako at nakita ko siyang natutulog kaya lumapit ako sa pwesto niya at tinanggal ang harang na buhok sa mukha niya at napansin ko na tumulo ang luha niya kay marahan ko itong pinunasan."And dahilan ng luha mo dati ay ang Mommy mo pero ngayon ako na"aniko at ramdam kong tumulo narin ang luha ko"Pero kakayanin natin toh baby just trust me aayusin ko toh at babalikan kita dahil ikaw lang ang babaeng kailangan ko sa panghabang buhay"aniko at marahan siyang hinalikan sa noo at mga ilang oras din ako doon at napagpasiyahan ko ng umuwi dahil baka magising na siya at nagpaalam na kina Tito na siyang ikinasang ayon nila.I will solved this problem first baby and then we will back to the way we are.

Itutuloy...

Im Taming The Heartless DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon