Kabanata 26

30 5 0
                                    


Kabanata 26

Jia's Point of view

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko at nakitang 6:00 am na pala ng umaga dahil susunduin kami mamaya ni Ethan ng 8:00 am kaya kailangan na naming maghanda naimpake ko narin pala lahat ng gamit na kakailanganin ko kaya pag aayos nalang ng sarili ang kailangan kong gawin.

Dumiretso na ako sa banyo para maligo pagkatapos ng 45 minutes ay natapos na akong maligo at nagbihis lang ako ng White Sando na pinatungan ko ng black jacket at black short at nagdala narin ako ng shades para meron akong gagamitin kapag sumikat na ang araw mamaya.

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako at nakita ko sina Mommy na nakahanda narin at buhat buhat niya si Siana na natutulog

"Are you ready Abi?"ani ni Mom kaya ngumiti at tumango ako na siyang ikinangiti din niya

Mga ilang oras ay dumating na din sila Ethan kaya lumabas na kami ng gate ng bahay sinalubong sila pero pagkalapit ko kay Ethan ay bumaba ang tingin niya sa suot kong damit at sinamaan ako ng tingin.Anong problema nito?

"Dude!!"napukaw ang atensyon namin ng biglang tawagin ni Tito Eliare si Dad at nag man hug sila kaya natawa nalang kami sa kanila at bumalik ang tingin ko kay Ethan na ang sama parin ng aura at kinuha niya na ang dala kong bag pero habang naglalakad kami papalapit sa kotse ay binulungan niya ako

"That's too revealing"aniya na siyang ikinakunot ng noo ko at napansin niya naman yun kaya nginuso niya ang suot ko kaya napatawa nalang ako na siyang ikinasimangot niya

Pinagbuksan niya na ako ng pinto at nagulat ako dahil nandito din pala si Jenny dahil hindi niya naman nababanggit na kasama pala tong loka loka kong kaibigan at nginitian pa ako ng ngiting aso ni Ethan dahil mukhang na gets niya ano ang ibig sabihin ng masamang tingin na binibigay ko sa kanya.

Pumasok na kami at nagsimula ng mag drive si tito at katabi niya si Dad sa passenger seat 2nd row naman ng upuan ay sina Mommy,Tita at Siana 3rd row ay kami ni Ethan,Jenny at Adrian at 4th row naman ay sina Calix malaki kasi ang sasakyan nina Ethan kaya kasya kahit ilang tao ang sumakay.

Malapit ako sa bintana kaya inaantok ako at napansin siguro yun ni Ethan kaya kinuha niya ang ulo ko at sinandal sa balikat niya, nilagay niya sa isa kong tenga ang earphone niya at nasa kanya naman ang isa at inakbayan ako pero bago ako lamunin ng dilim ay narinig ko pa ang bulong niya sa kabilang tenga ko na walang earphone

"Sleep tight baby ayokong magkasakit ka tandaan mo papakasalan pa kita"
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*

Nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto kaya ginala ko ang paningin ko sa kabuuan nito

"Gising kana pala Jia"ani ni Jenny kaya napalingon ako sa gawi niya

"Anong oras na?"tanong ko at umupo sa kama

"1:00 pm na at nakatulog ka kanina sa balikat ni Ethan kaya pagkadating natin dito diniretso ka nalang niya sa kwarto natin dahil ayaw ka niyang gisingin para daw makapagpahinga ka"aniya kaya napatango nalang ako

"Oo nga pala pupunta tayo sa restaurant ngayon at nandun narin sina Ethan kaya punta na tayo"ani Jenny at hinila na ako patayo

Nandito na kami sa harap ng restaurant na sinasabi ni Jenny at pumasok na kami para pumunta sa table nina Ethan at nakita niya naman agad kami kaya pinaghila niya ako ng upuan,nakita ko rin na pinaghila ng upuan ni Adrian si Jenny pero inagaw lang yun ni Jenny at umupo na kaya napasimangot si Adrian.

Dumating na ang mga pagkain na inorder nila dahil habang wala pa pala kami kanina ay umorder na sila para kakain nalang kung sakaling dumating kami ni Jenny.Pero habang kumakain kami ay napatingin ako sa bintana dahil nakita ko ang isang pigura ng tao na nakatingin sa direksyon namin na siyang ikinakunot ng noo ko.

Itutuloy...

Im Taming The Heartless DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon