CHAPTER 10:FAMILY BONDING

338 9 0
                                    

Cairo POV

"di pa ba kayo tapos mag bihis diyan?!"sigaw ko dahil ang tagal nilang lumabas sa kwarto

"teka lang!"sigaw niya

"bilis bilisan niyo!"sigaw ko

"oo naaa!"sigaw niya nang biglang bumukas yung pintuan ng kwarto

"ano yang suot mo?!"tanong ko

"e heto daw yung isusuot ko kapag kasama kita este!bigay ito ni ate,panglakad ko raw"sabi niya at inayos yung suot niya na kita balikat ang niya at short na maliit na color black

"anong klaseng suot yan?hindi ka pupunta sa bar okay?mall tayo pupunta mall"sabi ko

"e hayaan mo na,tara naa"sabi niya at hinihila ako

"magpapalit o ako mismo mag tatanggal niyan?"tanong ko

"e kasi okay naman na to sakin"sabi niya

"palit"sabi ko

"w-wala kasi akong panglakad na isusuot e,pambahay na yung sinuot ko papunta dito"sabi niya,seriously?

"ede iyon na lang"sabi ko

"b-baka kasi"sabi nito habang nakayuko

"wala silang pake kung ganun ang suot mo,hindi kanila tang katawan
mo"sabi ko

"sigurado ka?"tanong niya

"yup!bihis na"sabi ko at tinuro yung kwarto,kinuha ko naman sa kanya si baby ceb

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya kanina,seryoso?ganun na katanda niya na wala pa siyang kadisenteng suot?

"oh heto?"tanong niya at lumabas,naka t-shirt ito na color green at may mantsa pang malaki sa harapan at naka leggings na black

"okay na yan!"sabi ko at binalik sa kanya si baby ceb

Tahimik kaming nasa loob nang sasakyan papunta sa pupuntahan namin syempre.

"hmmm tanong ko lang"sabi ko habang nakatingin sa daan

"ano yun?"tanong niya

"wag ka sana ma offend ha?"sabi ko

"oo naman"sabi nito

"wala ka talagang maayos na damit?i mean yung may panglakad ka,may pang bahay ka ganun"sabi ko

"ahh wala e,hindi naman kasi kayang bilhin nang nanay ko yun kasi puro alak lagi ang nabibili nakakatawa no?minsan may pera ako dahil nakakatrabaho na ako bilang kasambahay sa amin kaya imbes na ibili ko nang mga bagong damit ko binibili ko na lang nang pagkain para sa mga kapatid ko at pangangailangan nila sa skwelahan tsaka kuntento naman na ako sa mga damit ko simula't bata ako nakasanayan ko nang mag suot na hindi mamahalin na damit"mahabang sabi niya

"e ngayon?tumigil na yung nanay mo sa pagiinom?"tanong ko

"hindi pa e,hindi ko alam kung kailan siya titigil sa pag iinom simula kasi nung pinatay si tatang yung ama ko dun na siya nag simulang mag iinom at magdala nang mga lalaki sa bahay,pasensya na sa kwento ko ha"sabi nito at rinig ko ang pag iyak nito

"it's okay,here"sabi ko at inabot sa kanya yung tissue

"s-salamat"sabi nito at nagpunas nang luha

"are you okay?"tanong ko dahil namumula ang mukha nito

"O-Oo hahahaha naiiyak lang ako"sabi nito at pilit na tumawa

"i know you're not okay,okay?iiyak mo lang yan"sabi ko

"grabe ka naman,ayos lang ako"sabi nito at tumango naman ako

Parang kumirot yung puso ko sa kwento niya hindi lang pala siya madaldal kundi may tinatago pala itong sakit sa puso niya.Ramdam ko siya dahil nawalan din ako nang ama ngunit mas malala siya dahil mismong nanay niya ay parang pinapabayaan na sila.

"andito na tayo"sabi ko at ipinasok yung sasakyan sa parking lot

"paano pala ito buksan?tas pano ito tanggalin?"tanong niya

"teka"sabi ko at tinanggal muna yung seatbelt ko bago ako pumunta sa gawi niya upang tanggalin sa kanya yung seatbelt

"sanaol may mabango,sanaol may pabango"sabi nito at sininghot singhot ako,napatawa naman ako

"tara naa"sabi ko at nauna nang lumabas upang alalayan silang lumabas sa kabilang pintuan nang sasakyan

"sanaol gentle man"sabi uli nito

"thankyou"sabi ko at tsaka na kami naglakad papunta sa food court upang kumain muna alam kong gutom na siya e hahaha.

"nga pala yung ex mo?kamusta na siya?balita ko umiyak raw siya nung last na punta niya sa apartment?"tanong niya

"i don't know?and i don't care"sabi ko at inakbayan siya

"hala baka ma issue-han tayo sa ginagawa mo"sabi nito

"it's okay,we are family"sabi ko

"aysuus family ka diyan?!ang manyak mo nga e-"bigla kong tinakpan ang bibig niya dahil ang lakas niya mag salita

"ssshhh!"bulong ko

"e totoo naman e!naiinis pa rin ako sayo!alam mo kung bakit?kasi nang hahalik ka bigla!"sigaw niya narinig ito nang isang babae na todo tingin sa amin

"gustong gusto mo naman honey e"sabi ko

"anong-"hindi ko na itunuloy ang sasabihin niya dahil alam kong aangal nanaman siya tch kaya bigla ko na lang siyang hinalikan sigeee haaa,angal paaa.

My Pervert Rommate Where stories live. Discover now