Cairo POV
Kadiri yung babaeng yun tss dinala pa sa cr yung ice cream,pati bowl hindi pa nabubuhusan kadiriii!
"waaaah!"sigaw ni bakekang
"ahhhh!"sigaw ko nakaka iritaaa
"BWAHAHAHAHAHA!naging bakla!HAHAHAHAHA"sigaw niya at tawa nang tawa
"alam mo,walang nakakatawa"sabi ko at sinungitan siya
"meron kaya HAHAHAHAHA"sabi niya at sige pa rin ang tawa
"shut up"sabi ko
"oh heto,paliguan mo raw kaaalis lang nila ate/kuya"sabi niya at pinasok sa cr yung baby
"pwede bang hawakan mo muna?!alam mong naglilinis ako dito diba?!"sigaw ko at tinuro yung bowl na nililinisan ko
"paliguan mo nga raw"sabi nito
"arggh!yung bataaa basang basa naaa!"sigaw ko dahil gumagapang gapang na ito sa tiles nang cr na basa
"papaliguan mo nga diba?!"sigaw niya
"sabi ngang hawakan mo muna dibaa?!naglilinis ako!"sigaw ko
"ano ngayon?"tanong ko
"ohh!"sigaw ko pagkatapos buhatin yung baby na basang basa na
"ohh?"tanong nito
"hawakan mo muna sabi!"sigaw ko
"hahawakan na nga oh"sabi nito at binuhat yung baby
Naiirita ako na ewan!nakaka asar pag mumukha niya hindi ko alam kung normal pa ba ang pag iisip nun o bata pa ang isip nun,immature tss.Kita niyang nag lilinis ako nang pinagdumihan niya ilalapag niya yung baby nakakabobo diba?!
"dadadadada"rinig kong sabi sa gilid ko,yung baby nanamaaan!
"bakit ka pumunta ditooo?"tanong ko at binuhat siya palabas,nasan ba yung nagbuhat nito sa kanya juskong babaeng yun
"ayilah!"sigaw ko nang libot na akong libot ngunit walang katao tao,saan nanaman nagpupunta yun?tss
'ahh talaga?'
'oo naman'rinig kong kwentuhan sa baba kaya bumaba na ako para tingnan kung sino tong mga tong nag haharutan sa tapat nang bahay ni tita coral,hindi nga ako nagkakamali na may naghaharutan dahil nakita ko yung babaeng inutusan ko na hawakan muna yung baby at kapit bahay namin na kung sino-sino nilalandi"nice,hinayaan yung bata na gumapang gapang sa cr para lang makiharot"sabi ko
"hello tol"bati nung kausap nitong babaeng to
"wag mo'kong ma tol tol,di kita kilala"sabi ko at hinila si bakekang paakyat
"ayilah!bukas ha?!"sigaw nung lalaking mukhang aso
"osig-"sabi ni bakekang ngunit tinakpan ko lang bibig nito
"alis!"sigaw ko sa baba
"byeee!"sigaw niya at haharap na sana si bakekang nang iniwas ko ulo nito
"dami niyong alam!"sigaw ko
"grabe naman to,kausap lang naman si jay e"sabi nito
"ang sabi ko kanina hawakan mo yung baby hindi bababa ka tas makikipag landian ka sa di mo naman kilala"sabi ko
"e kausap ko lang naman yun ha,nakita mo bang nag halikan kami?ha?!"sigaw niya
"kailangan pa bang makita ko kayo na naglalampungan tsaka ako magsasabi na nag lalandian kayo?!"sigaw ko
"hindi"sabi nito
"ohh!ikaw magpapaligo niyan!"sabi ko at binigay sa kanya yung baby na hawak ko
"e ikaw raw magpapaligo nito"sabi nito
"e ikaw?ano gagawin mo?makikipag landian sa jay na yun?"tanong ko
"papaliguan na nga e"sabi niya tsaka tumalikod
"huwag mo kong tinatalikuran"sabi ko,humarap naman ito tsaka ko siya hinalikan sa labi nang mabilis
"sige na,paliguan mo na yan"sabi ko at tsaka tumalikod
Pumunta ako sa kwarto nila ate/kuya upang kumuha nang isusuot ni baby ceb,para mabihisan agad ni ayilah yung baby.Napaupo ako sa kama nila ate habang iniisip yung ginawa ko kanina,seryoso?bakit?
"tapos na"nasira ang iniisip ko nang pumasok si ayilah sa kwarto buhat buhat si baby ceb na katatapos lang maligo
"bihisan mo na"sabi ko at inabot sa kanya yung damit ni baby ceb
"e ano gagawin mo diyan?manonood lang?"tanong nito
"di ko alam gawin yan e"sabi ko at tiningnan silang dalawa
"pero kung makahalik,wagas"bulong nito at tsaka umiling iling
"bilisan mo na lang okay?"sabi ko
"kaya nga e"sabi nito habang dina-diaper si baby ceb
Nakatitig ako sa dalawang nasa harap ko,sobrang close na nila ni baby ceb tas si aliyah kulang na lang maging mag ina sila.Hindi naman mahirap pakisamahan tong babaeng to kaso ang hirap kausap tsss pero maganda siya para sa akin,singkit,at may pakaka coca-cola body.
"ohhh!wag mo nanamang sabihin na ako pa mag aalaga niyan?ang swerte niyo naman"sabi nito at binuhat si baby ceb tsaka inaabot sakin
"wala akong sinabi"sabi ko at kinuha si baby ceb na amoy johnson's powder.
YOU ARE READING
My Pervert Rommate
AcakLalaking pervert na laking mayaman,laging sunod ang luho at babaeng laki sa simpleng pamumuhay. Ano kaya ang magiging kahihinatnan nang pagiging pervert ng lalaki? Mababago kaya ang buhay nang babae dahil sa pervert na lalaki?