CHAPTER 12:BROWN OUT

344 9 0
                                    

Ayilah POV

Andami naming nabili sa grocery na dapat gatas lang ni baby ceb ewan ko kung anong pumasok sa isip nitong mokong na to at madami ang binili.

"10:36 na andun na kaya sila ate?"tanong niya habang nakatingin sa daan

"hindi ko lang alam"sabi ko

"tinatry kong tawagan yung phone niya,nag riring lang hindi niya sinasagot"sabi nito

"tinext mo na?"tanong ko

"tapos na rin,wala pa ring reply e"sabi niya

"yung mga ka boarders?tinry mo bang tawagan?"tanong ko

"tatlo lang sa kanila yung may number sakin kaso power off yung mga phone nila"sabi niya

"baka nasa apartment na"sabi ko tumango naman ito

"uuwi ka next month?"tanong nito

"Oo,wala kasing kasama mag pasko yung dalawa kong kapatid e"sabi ko

"bakit hindi mo na lang dalhin dito?para marami tayo"sabi nito

"ay wala pa akong masyadong ipon nun para dalhin sila dito"sabi ko

"hindi ko naman sinabing ikaw ang mag gastos sa kanila pero nasa sayo yan kung dadalhin mo sila dito o hindi"sabi nito

"hindi ko lang alam"sabi ko "nga pala may trabaho ka?"tanong ko

"yup,businessman ako sa canada andun lahat nang trabaho ko"sabi niya

"e bakit ka nandito?"tanong ko

"for Christmas masaya kasi kapag sa pinas icecelebrate"sabi niya

"bakit andito mga magulang mo"tanong ko

"nasa US si mommy may sarili ring business kasama yung isa kong sister na pumangalawa kay ate aira, graduating next year.Si daddy naman bata pa lang ako patay na siya"sabi nito

"ahhh sila manang coral kasama mo ngayong pasko?"tanong ko

"ganun na nga"sabi nito

Malapit na kami sa apartment,wala nang halos tao dahil sa gabing gabi na rin puro mga nag iinuman lang sa isang tabi ang makikita.

"doon na lang tayo mag parking nang sasakyan"sabi nito dahil yung pinagpaparking-an namin ay may nakatambay na ilang lalaki at nagyoyosi

"ohsige"sabi ko at inayos na si baby ceb para makababa agad kami sa sasakyan

"ako na kukuha nang mga binili sa likod,umakyat na agad kayo"sabi nito at lumabas na kaya lumabas na rin ako alangan dito kami matutulog ni baby diba?nangangawit na nga ako kakahawak kay baby ceb e

"sanaol may baby na!"
"chix!"
"miss?ang cute naman nang baby mo"sabi nang mga tambay pagkalabas ko nang sasakyan habang hawak hawak si baby ceb

"umakyat na kayo"sabi ni cairo pagkatapos kinuha yung mga binili

"kilala mo yung mga yun?"tanong ko

"nope"sabi nito habang paakyat na kami nang pagkabukas namin nang pinto ay biglang nawalan nang ilaw yung apartment

"brown out?"tanong niya

"ewan ko?try mong buksan uli yung ilaw"sabi ko

"madilim"sabi nito

"gamitin mo phone mo"sabi ko

"samahan moko"sabi nito at hinila ako

"jusko teka lang,magigising yung baby,makahila naman nang damit oh"sabi ko

"dalian mo kasi mag lakad"sabi niya

"hawak ko nga si baby ceb"sabi ko dahil tulog na tulog na ito

"wala,nasira yata yung ilaw?"pagkatapos niyang itry buksan yung ilaw

"pano na yan?"tanong ko

"i don't know?"sabi nito

"hawakan mo muna si baby ceb"sabi ko

"bakit?aalis ka?"tanong niya

"maghahanap dito sa apartment nang lampara"sabi ko

"e kami ni baby?"tanong niya

"Oo naaa,tara naaa"sabi ko

"teka lang,ang bilis mo naman maglakad"sabi nito at hinihila yung damit ko

"hindi pa umaga,punit na tong damit ko e,hila ka nang hila andito lang ako okay?"sabi ko habang lumilibot sa kusina

"may nahanap ka na?"tanong niya

"itaas mo kasi yang flashlight wag kang babakla bakla"sabi ko

"heto na nga oh"sabi nito nang may makita akong maliit na lampara,as in maliit talaga seryoso?kasing liit nang maliit na Johnson's powder tsaka ko sinindihan ito nang may makita akong posporo

"ayaan!"sabi ko

"saan na tayo pupunta?"tanong nito

"anong saan na tayo pupunta?brown out lang okay?hindi tayo na lindol"sabi ko at lumabas na nang kusina habang nakahawak pa rin sa damit ko tong unggoy na to

"brown out ba kayo o naputulan kayo nang kuryente?"tanong ko

"ewan"sabi niya

"matutulog ka na?"tanong ko,tumango naman ito

"tara na"sabi ko sumunod naman ito na nakahawak pa rin sakin

"matulog ka na diyan"sabi ko at kinuha sa kanya si baby ceb tsaka inihiga sa crib niya

"ikaw?"tanong nito at humiga sa kama nila ate aira

"dito na lang ako sa baba,kukuha lang ako nang kumot at unan sa kwarto ko"sabi ko

"lalabas ka?e ako?"tanong niya

"hindi na lalabas jusko"sabi ko

"thank you"sabi niya

"sige"sabi ko

"higa na"sabi nito

"wag na,matulog ka na"sabi ko

"higa na sabi e,gusto mong ako pa mag pahiga sayo?"tanong niya

"hihiga na nga oh!huwag kang tatabi sakin"sabi ko

"anong di tatabi?e magkatabi nga tayo"sabi niya pagkatapos kong humiga

"huwag ka masyadong tatabi sakin ganun"sabi ko at nakatalikod sa kanya

"e bakit naman?"tanong niya

"ay ewan!matulog ka na nga diyan"sabi ko at kukunin sana yung kumot

"kukunin mo yung kumot,anong ikukumot ko sa sarili ko?"tanong niya

"ikumot mo yang kamanyakan mo"sabi ko at nagtalukbong nang kumot

"makiki share po"sabi niya at pumasok sa kumot

"ewan ko sayo"sabi ko nang kalabitin niya ako sa tagiliran

"ano ba?bakit?"tanong ko at ngumuso naman ito

"kiss mo mukha mo para kang tanga"sabi ko nang bigla niya akong hilain para dumikit yung katawan namin sa isa't-isa tsaka ito yumakap sakin

"hug timeee"sabi nito

"hoy!ano baaa?!"bulong ko dahil kapag sumigaw ako paniguradong magigising si baby ceb

"wag kang magulo okay?"sabi niya

"ede wag mo kong yakapin"sabi ko

"yayakap lang e"sabi niya

"manyak mooo!"bulong ko dahil nasa leeg ko yung ulo niya

"ssshhh!"sabi nito at mas lalo akong hinatak.

My Pervert Rommate Where stories live. Discover now