Love has always been a double edged sword, it makes us either happy or sad at a particular time and space. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"arghh! asan ba tong NSG 211?!" kanina pa ko palakad lakad dito pero ni isang building na NSG ang nakalagay eh wala akong mahagilap.
I looked at my watch.
-_-
Shit naman! 7:15 na. I'm 15 minutes late sa first class ko. At shit rin ulit, late ako sa unang klase ko sa unang araw ng pasukan. Wow! Ang swerte ko nga naman!
Patuloy pa rin ako sa paglalakad, malay mo naman at may makasalubong akong good samaritan na tutulong sakin para hanapin ang letseng NSG na yan. Sino ba naman kasi ang nagpangalan niyan..ang sarap pektusan.
"thank God!" napatingala talaga ako sa langit. Finally!
"Manong guard! kuya!" sa wakas nakakita rin ako ng mapagtatanungan. Ang lakas na ng sigaw ko, tingnan natin kung hindi pa marining ni kuya.
"san po ba to?" tanong ko kay kuya, sabay pakita na rin ng RF ko kung saan naka print yung building at assigned room para sa Biology class ko.
"ayan hija..nasa harap ka ng hinahanap mo" turo ni kuya.
-_-
Amazing!
"salamat po"Kitams! na sa harapan ko lang pala yang NSG chuchu na yan! Kanina ko pa to dinadaan daanan lang tapos ayan lang pala. Nursing Building.
The F! Hindi ko naisip yun! pero kahit na! Hindi makatarungan ang NSG na nakalagay sa RF ko. Bat pa kasi shinort cut, hindi ba nila alam na baka malito at maligaw ang mga new student dito.
Ke aga aga, hina high blood ako. Anyways, kanina pako daldal ng daldal dito eh hindi niyo naman ako kilala.
Hi! Ako nga pala si Alyssa C. Valdez, pero mas trip ko kung tatawagin niyo kong Aly or Ly. Parang ang girly kasi masyado ng Alyssa para sa gawi ko. Hephep! don't get me wrong ha! I'm not a girly girl kung gumalaw o magsalita o kahit sa pananamit pero I'm straight! Maaga pa lang sasabihin ko na sa inyo na BA-BA-E po ako, and I do have my prince, makikilala niyo soon. :)
Anyways, I'm 16 at freshmen dito sa Ateneo. Yiee! my dream school. I'm taking up MedLabSci. Medtech for short cuz I wanna be a doc someday.
Teka teka..deym! 7:20 na! late na talaga ako! So mamaya na lang uli ako mag storytell. Babush!!
----------------------------------------
Eto na nga ba sinasabi ko, excited pa naman ako dahil finally..college na ko pero ano ako ngayon...
nganga!
Wala man lang ako makausap, kala ko pa naman may mga makikilala akong new friends pero imposible ata yun. Mukhang kanya kanya lahat kami dito eh.
"kainis naman kasi tong si Jia eh!"
<_<
Pahiya! baka isipin na ng mga classmates ko na nababaliw na ako dito. Pano ba naman kasi..I'm talking to myself. Masisisi niyo ba ko? baka mapanis lang tong laway ko kung magdamag akong tatahimik dito.
Back to the topic! Medyo nakakainis kasi si Jia eh, sabi niya sabay daw kami magpapa enroll, pero ni anino niya hindi ko nakita. Ayan tuloy! seperate ways kami ng bff ko. Same course nga kami magkaiba naman sched namin. :(
Nakakapanibago lang talaga, ibang iba ang high school sa college. Sabi nila pag tumungtong ka daw sa kolehiyo ay dun mo na mararanasan ang totoong mundo.
Tama nga naman, eto na ba ang real world? Yung walang may kumakausap sayo? Saklap dre!
Tiningnan ko ulit relo ko, 30 minutes pa lang ang nakalipas pero feeling ko 3 oras na kong naka tunganga. Nilibot ko ang aking paningin nag babakasakali lang na may mga pamilyar na mukha akong makikita.
.
.
.
.
.
Hay naku..so frustrating. Wala man lang akong kakilala.
At nahihiya rin ako makipag kaibigan sa iba, wala sa nature ko ang makipag kilala. Snob? ewan. Hindi lang talaga ako sanay at medyo mahiyain ako eh. Makikipag usap lang ako kung may makikipag usap rin sakin.
Wala ka talagang maaasahan sakin when it comes to mingling with others.
Papansinin lang kita pag una kang mamansin.
Kakausapin lang kita pag una kang nag approach.
Fast Forward
Dalawang oras na kong naka upo dito, pero wala pa rin talagang may nag tangkang kumausap sakin. Do I look scary? cute kaya ako!
Actually, hindi naman nag lelecture si ma'am, orientation lang daw muna pero hindi niya pa rin kami dinidismiss. Nakakatlong page na nga ko sa notebook ng kakadoodle. Kung alam ko lang na ganito ang first day of school sana hindi na lang ako pumasok. Nakakapagod kaya bumyahe!
"okay class, see you next meeting"
Oh yeah! Tumayo ako agad, ngawit na ngawit na talaga tong pwet ko. Haha! Siguro nangawit na rin si ma'am kaya kami dinismiss. Maloloka talaga ako kung inubos niya yung 5 hour class namin.
"Alyssaaaa!"
Natigil ako sa pagiinat ng katawan ng may narinig akong tumawag sakin. For sure ako yun dahil sa pagkakaalam ko ako lang naman ang may pangalang Alyssa sa klase.
Mabilis kong nakita ang babaeng sumigaw ng pangalan ko.
Nakangiti itong naglalakad papunta sakin.
Gusto kong rin naman gantihan siya ng ngiti....
but
Hmmm...sino nga ba to?
Gosh! She really looks familiar!!
Think Ly think!
Tama! Sabi na nga ba eh! I know this girl!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
whew! nakaraos din sa chap 1 chos!
ayan! nagpakilala na si Phenom! sino naman kaya yung tumawag sa kanya?medyo binago ko nga yung mga characters...trip ko lang! ahaha!
what can you say guys?
Support!
Vote!
Comment!
:)
BINABASA MO ANG
Somebody To You (AlyDen)
FanfictionDahil sa mga naranasan natin, minsan natatakot na tayong sumubok muli. Nasaktan ka dahil sa pag ibig so you decided to close your door. Pero paano pag may dumating muli, yung taong handa gawin lahat para sayo. Yung taong walang ginawa kundi paligaya...