Ang pag-ibig ay parang bisitang hindi mo inaasahan, bigla na lang dumarating.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~Alyssa's POV
"Ayi mag tu-two na, di ka pa ba papasok?"
Nagbingi bingihan lang ako sa tanong ni Wensh.
Sa totoo lang bigla akong nawalan ng gana pumasok, arghh! hindi kasi talaga ako sanay na walang kasama, luh! ang lungkot kaya mag isa sa klase.
"Ayi..." sinundot sundot naman ni Wensh yung tagiliran ko pero la epek kasi wala naman akong kiliti dyan.
Haistt..nag busy busyhan na lang ako sa paglaro ng Candy Crush.
>_<
"uy akin na yang phone ko!" pilit kong inaagaw yung phone ko na hinablot ni Wensh.
Imbes na ibigay sakin mas lalo pa niyang nilayo. Nasa left hand niya yung phone ko at yung isang kamay naman niya naka harang sa mukha ko. Ayos no?
"Ji..help!" paawa look ko kay Jia. Pero dinedma lang ako. Palibhasa kasi takot rin to kay Wensh.
~_~
Haist.. Wensh leave me no choice.
"kung di ka makuha sa mabuting usapan, daanin na lang natin sa santong paspasan" seryoso kong sabi kay Wensh with a game face on!
-_-
"aray ko! Wensh naman! nakakarami ka na ahh!" wahh! kawawa naman ako! bukol aabutin ko dito eh!
Pff! hindi man lang kinabahan sa sinabi ko. Grabeee! Ikaw na Wensh Tiu ang malupet!
"okay..you win!" suko na talaga ako sa kanya.
^_^
She smiled at me "papasok ka na?" she asked again.
Ahmm? Pinag isipan ko pa talaga kung papasok ako ha!
"oo?" sagot ko naman sa kanya. Hihi!
"wow ha! di ka pa sigurado sa lagay na yan..ok bahala ka" nakita ko naman na binulsa niya yung pinaka mamahal kong phone. Wahhh! Papasok na ko! Pwamis!
"oo na! papasok na ko! now, can I have my phone back?" kahit labag sa kalooban ko, haist, papasok na ko. -_-
Binigay naman niya agad ang cp ko, madali rin naman pala to kausap eh.
"make sure sa Ateneo ka didiretso Valdez" with authority na utos ni Wensh sakin.
I just nod in agreement.
"I have my eyes on you" dugtong ulit niya. Shit! Napalunok ako dun. Kakatakot talaga.
Pinaka ayaw pa naman niya yung lumiliban kami sa klase. Ganyan niya kami kamahal ni Jia, she acts as our mother..so in return, nagpapa katino kami. I love her kaya..I mean We love her..yeah! We love her as a friend. Tama!
Nag bow naman ako sa kanya "masusunod mahal na prinsesa"
I just heard them laugh.
Napangiti rin ako dun, masarap kasi sa feeling na ikaw yung dahilan kung bakit sila masaya.
At yun, umalis nako, baka malate ako for my next class eh. Mahirap na, may nag sabi pa naman sakin na I HAVE MY EYES ON YOU.
----------------------------------------
Agad akong naka balik ng Ateneo, may ilang minuto pa naman akong natitira para hanapin yung classroom for my next class.
Actually pwede naman ako umabsent, minor lang naman kasi yun...pero sarili ko lang niloko ko right?. Wala naman akong mapuntahan at nakaka guilty naman yun, nag promise kaya ako na papasok.
Buti at tinuruan ako ni Jia ng pasikot sikot dito kaya in just a snap nahanap ko agad yung room namin.
Timing wala pang prof pero may pa ilan ilan na ring estudyante.
Dahil nga loner ang peg ko, sa likurang bahagi kong napili umupo, yung malapit sa window.
Fast Forward
Haist! Sabi na nga ba, orientation na naman, walang silbi ang araw na to!
Hindi ako mapakali sa upuan, mukha akong kitikiti na maya't maya gumagalaw.
Wala kasi akong makausap! Huehue! Bat hindi na lang kasi kami idismiss, hindi naman nag lelecture si ma'am.
>_>
<_<
Nagpalinga linga ako, nag babakasakali na may makilala dito.
Hmmm..
Teka teka!
Tama!
Si Tejada nga!
^_^
Bwahaha! Gusto kong mapatalon sa kinauupuan ko. Haha! Para akong timang na nakangiti mag isa. Oh yeah! Hindi ka na nagiisa Alyssa!
Sisitsitan ko sana si Tejada kaso baka madistract naman yung buong klase.
So panay lang sulyap ko sa kanya, malay natin may power yung tingin ko at maramdaman niya na may naka tingin pala sa kanya.
Tejada..tingin..Tejada..tingin..
^~^
O_O
----------------------------------------
Dennise's POV
"Margemallows ang boring" pabulong na sabi ko kay Margarita na busy sa pakikinig sa buhay ni ma'am. Wahh! Hindi ko to keri! Ang boring!
Ngayon, si Shiela naman tiningnan ko, eee! naka focus rin siya sa story telling ni ma'am. Juice Colored.
I don't know what to do! Hindi ko naman makausap yung dalawa, I checked my phone
-_-
Saklap, wala man lang text ni isa.
Nakaka bad trip na, kaya eto ako ngayon napag tripan yung buhok ni Margarita.
Natigil ako sa pagsabunot kay Marge.de joke lang.
Natigil ako sa pag pony tail kay Marge dahil nakaramdam ako na parang may nagmamasid sakin.
Wahh! >_< Nakakatakot to! Relax Den Relax.
Unti unti kong sinundan ng tingin yung mga mata na kanina pa ay naka sulyap sakin.
<_<
O_O
Si...si...si..A..Alyssa. Tama yung supladang schoolmate ni Marge.
Nakita ko na nagulat rin siya, kahit ako rin no! Hindi ko alam kung anu yung gagawin ko. Ngingitian ko ba siya or iiwas na lang ako ng tingin?
Habang nagtatalo pa yung utak ko sa gagawin ay natauhan na ko agad ng umiwas ng tingin si Alyssa.
-_-
Actually, si Marge talaga siguro yung tinitingnan niya, assuming lang talaga ako.
Dahil umiwas siya ng tingin, edi umiwas na rin ako. Hmp!
Magkukunyari na lang ako na hindi ko siya napansin. Tama! Haha!
Bahala na si Marge matuklasan na classmate namin yung maldita niyang kaibigan?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Yiiee..anu say niyo? classmates talaga silang dalawa.
Medyo tatagalan ko pa before sila maging official friends ha.
Anyways, ang ganda ng first game ng ALE.
Vote!
Comment!
Support!
BINABASA MO ANG
Somebody To You (AlyDen)
FanfictionDahil sa mga naranasan natin, minsan natatakot na tayong sumubok muli. Nasaktan ka dahil sa pag ibig so you decided to close your door. Pero paano pag may dumating muli, yung taong handa gawin lahat para sayo. Yung taong walang ginawa kundi paligaya...