One day, you will realize how much I was there for you, when I'm gone.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~After 1 week
Alyssa's POV
"Ji samahan mo naman ako mag pa gupit" katatapos lang ng klase namin, at papunta na kami ngayon ni Jia sa parking.
"what? bat ka magpapagupit? break na ba kayo ni Papa Jov? Ly! hindi bagay sayo ang short hair!"
-_-
Yun lang sinabi ko ang haba na ng litanya nitong si Jia.
"over Jia! magpapa trim lang ako"
Kung makapagreact naman kasi, parang sa kanyang buhok ah.
"ow ok" tipid na sagot niya sakin. Kita mo to! kung ano ang inihaba ng speech niya kanina, ganun naman kaikli ngayon.
----------------------------------------
Pabalik na ko ng apartment, nagtext na din kasi si Mae, mag didinner na daw kami.
Gaya ng sabi ko, nagpa trim lang ako kaya hindi rin kami nagtagal sa salon. Hinatid ko na rin si Jia sa kanila, tutal medyo malapit rin naman yun.
"ayan na pala siya" rinig ko na sabi ni Gizelle.
Ang gulo lang nila tingnan, mukhang mga tambay kasi silang nakaupo sa sidewalk habang hinhintay ako.
"thank you Lord! gutom na talaga ako!" natawa naman ako sa ginawa ni Mich. Nakataas kasi ang mga kamay nito habang naka tingin sa langit.
----------------------------------------
Katatapos lang namin magdinner, as usual kami ang pinaka maingay. Hihi.
"oh magbayad ka na Ly..hahaha!" utos sakin ni Mae. Ait. Pano ba naman kasi natalo ako sa pustahan kanina sa basketball. Wahh.
"oo na po!" tumayo nako agad para magbayad. Ang kulit talaga nila!
Sumabay na rin sa tawanan si tita Maya at Lola Rose, yung may ari ng cafeteria. Close na agad kami eh.
Palabas na kami ng cafeteria ng may mga nakasalubong kaming grupo ng mga babae.
Huminto naman yung tatlo para batiin yung mga nakasalubong namin, kaya napahinto na rin ako.
----------------------------------------
Dennise's POV
"uy Den bilisan mo!"
"coming!" agad akong bumaba, kanina pa kasi ako sinisigawan.
"ano pa ba yang ginawa mo?" tanong sakin ni Aerieal.
"anu pa, eh di nagpaganda kay manong driver haha" sagot naman ni Michele.
Kahit kailan talaga, bully tong mga pinsan ko. Tuksuhin ba naman ako sa mga taxi driver na suki ng cafeteria.
"halika na kayo!"
Natigil yung dalawa kong pinsan sa pagtawa ng tinawag na kami ni Bea.
Every dinner ganito na ang routine ko, sa cafeteria na ko kumakain with my crazy cousins. Laging out of town kasi sina Mama and Papa kaya walang nag preprepare ng kakainin namin.
Now, I'm with Ayel and Michele. Mga pinsan kong baliw.
Dito na rin sila sa bahay nag stay, kasi nga wala kaming kasama ng mga kapatid ko. Dahil na rin mas matanda tong dalawa, ayun lagi akong binubully. Si Bea na nga lang minsan kakampi ko sa pangaasar nila. Bea is my younger sister, na sa high school pa lang ito. Si Josh naman yung bunso namin, grade 1 pa lang kaya todo bantay din kami sa kanya.
BINABASA MO ANG
Somebody To You (AlyDen)
FanfictionDahil sa mga naranasan natin, minsan natatakot na tayong sumubok muli. Nasaktan ka dahil sa pag ibig so you decided to close your door. Pero paano pag may dumating muli, yung taong handa gawin lahat para sayo. Yung taong walang ginawa kundi paligaya...