Sometimes you just have to distance yourself from people. If they care, they will notice, if they don't, alam na.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~Alyssa's POV
whew! that 1 and 1/2 hour class feels like forever! Biruin niyo, na kaya kong umupo at makinig lang sa kwento ng buhay ni ma'am, take note! wala pa kong kausap sa lagay na yan ha!
Nung dinismiss kami, ura-urada akong lumabas ng room.
Nahiya na kong magpakita kay Tejada, kasama kasi nito yung kaibigan niyang naka eye to eye ko kanina. Ang awkward lang nun, di ko talaga alam yung gagawin ko, kung mag iismile ako sa kanya, so I ended up, looking away.
Timing nga rin na nagtext sakin si Jia.
From Julia:
Ly wer u? andito ako sa dept.
Hindi nako nagreply kay Jia. Tsk! At bakit nasa department namin siya.
Nagtungo na ko agad sa department, buti at medyo malapit lang. Ano na naman ba kasing kalokohan ang ginawa netong si Morado eh, yan tuloy! pati ako kinakabahan.
I saw Jia standing infront of our dept. office. Nakasandal ito at nakayuko.
"ano na namang ginawa mo?" hindi niya namalayan na nasa tabi niya na ko. Tsk! Kahit kailan talaga pasaway to.
Instead of answering, ngumiti pa to ng nakakaloko sakin.
Namalayan ko na lang na naglalakad na kami palabas ng building, as usual naka akbay sakin si Jia.
"haha! grabe ka naman Ly, pag nasa department may ginawa na naman, di ba pwedeng dun lang kita gustong antayin" napa iling naman ako, may point rin naman to si Jia, bukod sa classrooms, at cafeteria, familiar rin sakin ang department namin, na isip siguro nito na madali ko siyang makikita kung sa department siya maghihintay.
"san tayo?" I asked her again, hindi naman kami papunta sa parking, kaya nag assume ako na dito lang kami sa Ateneo.
"caf tayo..treat mo!" wow ha! hiyang hiya naman ako sa kanya.
"bawal tumanggi! sige ka, hindi ko sasabihing may na hanap nako na lilipatan mo" ahhh! kaya pala! well, inutusan ko kasi siya na hanapan ako ng dorm, ang hirap kaya bumiyahe araw araw.
Nagsmile naman ako sa kanya, at this time ako na ang umakbay.
"di mo naman agad sinabi! lika na! order anything! tell them ipangalan lang kay Valdez" infairness naman kasi kay Jia, may makukuha rin pala akong maganda sa kanya.
----------------------------------------
"san banda?" tanong ko kay Jia. Papunta na kami ngayon sa apartment daw na nahanap niya.
Actually, sa classmate niya daw. Naghahanap daw kasi ng isa pang uupa para ma lessen yung bayarin sa renta.
"dyan sa may cafeteria" turo naman ni Jia. Agad akong nag u-turn para maipark na rin ng maayos yung sasakyan ko.
Pagkababa pa lang, nilibot ko na ang paningin ko. Hmmm..ok naman ang paligid, hindi crowded at maayos.
Sinundan ko na lang si Jia, tatlong palapag pala ang apartment na to.
Nasa ibaba ang cafeteria, tapos yung 2nd and 3rd floor ay yung mga apartment na pinaparentahan.
Nasa ikatlong palapag ang inuupahan ng classmate ni Jia. Nasa gilid naman ng cafeteria ang hagdan.
Tok tok tok tok
Andito na kami sa taas, dalawang room lang pala kada palapag, kaya masasabi kong malaki rin ang tutuluyan ko.
BINABASA MO ANG
Somebody To You (AlyDen)
FanfictionDahil sa mga naranasan natin, minsan natatakot na tayong sumubok muli. Nasaktan ka dahil sa pag ibig so you decided to close your door. Pero paano pag may dumating muli, yung taong handa gawin lahat para sayo. Yung taong walang ginawa kundi paligaya...