Chapter 07

1.3K 39 0
                                    

NAKAPANGLUMBABA si Sheena na nakaupo sa gilid ng pool habang nakalublob ang paa sa tubig. Mahigit isang oras at kalahati narin simula nang tumambay siya rito. Pagkatapos ng usapan nila ng binata ay hindi talaga siya nito hinayaang makalabas ng bahay, kaya naman ay sa may pool siya nagtambay. Hindi niya talaga maintindihan kung ano ang tumatakbo sa isip nito. He wanted her to stay here even if she doesn't want to. May gagawin pa siyang importante at hindi siya pwedeng manatili rito ng matagal.


Nag-iisip ba 'yon?

Doesn't he know how uncomfortable it is for her to stay in a house of a man? Hindi siya sanay lalo na't wala naman siyang balak manirahan sa kung sino mang bahay, at sa lalaki pa. Godness, she doesn't even know who really he is. Pangalan lang ang alam niya rito. Maliban doon ay wala na.

Marahas siyang napabuga ng hangin at yumuko upang pagmasdan ang tubig. Makalipas ng ilang minuto ay naramdaman niyang may tumabi sa kanya ng upo. Hindi na niya ito nilingon pa o binigyang pansin. Wala naman siyang kasamang ibang tao rito sa bahay maliban sa hinayupak na 'yon.

Kagaya niya ay nakalublob rin ang mga paa nito sa tubig. It took him a few seconds to talk. "Are you mad?" Tanong nito.

Napairap siya. "Sino bang hindi?" Aniya at tiningnan ng diretso sa mata ang binata na nakatingin ng mariin sa kan'ya. "You're caging me in your house because I corrupted your mind for the past two months? That's the most idiotic reason I've heard all my life. Kung madali lang sa 'yo ang mga pinanggagawa mo sa 'kin, ako hindi. Do you ever think about what I feel when you said those words? Goodness, ipapaalala ko lang, hindi mo ako pag-aari kaya wala kang karapatang ikulong ako rito sa bahay mo. I have the rights to do whatever I want, at tao ako, hindi bagay na kaya mong paglaruan." Naningkit ang mga mata niyang nakatingin sa binata na walang emosyon ang mukha. "I know that you have something under your sleeves. Don't take me for a fool, alam ko kung ano ang binabalak mo. You wouldn't lock me here with you if you don't have a plan."

His face remain emotionless and Sheena can't figure out what he's thinking at the moment. Kapagkuwan ay walang buhay itong natawa. "Yeah. You're not dumb as I thought. I'm impressed that you actually found it out." Sabi nito at nilapit ang mukha sa kan'ya.

She choked as their face is only inches away from each other. Talagang hindi na siya nasanay sa tuwing ganito kalapit ang binata.

"But you're wrong at some point." Dagdag nito makaraan ng ilang segundo. Napatitig siya sa mga mata nito. Kagaya kanina ay wala parin itong emosyon. "Yes, I have a plan. But I'm not toying you around. Hindi kita pinaglalaruan at determinado akong hindi ako kabilang sa mga lalaki na sinabi mo. Ibahin mo ako sa kanila. Sa tingin mo ba nagbibiro lang ako nang sabihin ko ang mga salitang sinabi ko sa 'yo kanina? You judge me too harshly, baby, I'm wounded." Sabi nito at umaaktong parang nasasaktan.

Umingos siya. "Bakit, hindi ba? You know what, I still have a lot of stuffs to do kaya pauwiin mo na ako kung ayaw mong pwersahan akong umalis rito."

He smirk. "No, I wouldn't let you. At kung susubukan mo namang tumakas..." Pagbibitin nito at walang pasabing kinagat ang leeg niya na ikina-igtad niya. "I'll punish you." Pagtatapos nito at inahon ang paa sa pool tsaka tumayo at nilisan ang lugar.

Nang mawala sa paningin ang binata ay malakas siyang napabuga ng hangin at tumayo. Niyukom niya ang kamao at nangangating suntukin ang lalaki. Nanggigigil siya sa inis at gusto niya itong hambalusin hanggang makuntento siya. Argh! That man!

Nabaling ang tingin niya sa shoulder bag na nasa pandalawahang mesa ilang metro ang layo sa pool. Lumapit siya rito at kinuha ang cellphone na mukhang kanina pa nagvavibrate. Kapagkuwan ay napangiwi siya. Makirot parin hanggang ngayon.

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon