MALAMIG ANG MGA kamay ni Sheena habang nakaupo sa visitor's chair kaharap ng binata. Napapagitnaan sila ng mesa habang ang ama ay nasa kaliwang bahagi niya na nakaupo sa single sofa.
"What is it you want to say, Sheena?" Tanong ng ama niya. "Say it now." Anito sa ma-awtoridad na boses.
She look at Jace and saw him also anticipating. Hinihintay nito ang sasabihin niya sa ama. Kinakabahan si Sheena. How can she say it? Oh, dang.
"Dad, I—" Natigil siya sa pagsasalita nang may biglang kumatok. Kapagkuwan ay bumukas ang pinto at pumasok roon ang isa nilang kasambahay.
"Sir, may naghahanap ho sa inyo." Pagkatapos nitong nagsalita ay pumasok sa loob si Roldan na ikinagulat niya.
She was shocked, alright, but Roldan seem to be more shock after seeing her and Jace in her father's library.
"What are you doing here, Mr. Mañero?" Tanong ng kan'yang ama na may bahid ng gulat.
Inalis ni Roldan ang pabalik balik nitong tingin sa kan'ya at kay Jace at binaling iyon sa kan'yang ama. "I'm... I'm here to talk about the deal we've made."
Nakita niya ang bahagyang pagkunot ng noo ng ama niya. "Contrary to your belief, Mr. Mañero, I already ended our deal. So we have nothing to talk about right now."
Napabuga ng hangin si Roldan at yumuko tsaka huminga ng malalim bago binalik ang tingin sa kan'yang ama. "I know, Mr. Arrevalo, but I still wanna—"
"I assume you're not stupid to be told twice, Mr. Mañero." Sabad ni Jace na kanina pa tahimik. Tumayo ito mula sa kinauupuan at walang emosyon na tiningnan si Roldan. "Narinig mo na tapos na ang deal niyo. So just let it be and mind your company."
Tumuon ang matalim na mata ni Roldan kay Jace. "I'm not talking to you, you motherfucker."
Jace laughed emotionlessly. "I know where I stand, bastard. You should know too. Tapos na ang deal niyo. Wala ng kasalang magaganap so why the fúck are you still here?"
Bago pa makasagot si Roldan ay nagsalita na ang ama niya. "Stop it, you two." Anito at hinilot ang magkabilang sentido. "You, Mr. Mañero, the deal is already over so leave now. Wala kang mapapala sa pagpunta mo rito. And you, Mr. Montero, I don't accept such offer so leave also."
"Fuck it." Rinig niyang mura ni Roldan at padabog na lumabas ng library habang si Jace naman ay nanatili sa kinaroroonan nito.
"Sir, I'm offering something that can save your company, so why won't you accept it?" Tanong ng binata na nagpapataka sa kan'ya.
What is he offering?
Nang magtama ang mga mata nila ng binata ay pinandilatan niya ito ng mata. Hinintay niya itong sumagot pero iniwas nito ang tingin sa kan'ya at binaling ulit ang atensyon sa ama.
"I will give you time to decide, Sir." Anito at saglit siyang sinulyapan. "I'll be leaving now." Anito at naglakad palabas.
"Jace!" Tawag niya sa pangalan ng binata at akmang susundan ito palabas nang pigilan siya ng kan'yang ama. "Dad, ano bang pinag-usapan niyong dalawa? At anong offer 'yung pinagsasabi niya?" Sunod-sunod na tanong niya sa ama.
Her father look at her and sigh. "Are you feeling well now?"
"Dad, I'm asking you. Bakit nandito siya? Ano ba talaga ang pinag-usapan niyo?"
Her father sat on the single sofa and motioned her to sit. Agad niya itong ginawa at hinarap ang ama.
"Gusto niyang isalba ang kompanya natin."
BINABASA MO ANG
Forbidden Love
RomanceStatus: Completed/Unedited A ruthless business man he is, used of doing deals and manipulating people for the sake of his company. People around feared him for being scary and intimidating. Well, nothing's new. His father taught him to be responsibl...