Ang ebolusyon nang buhay ay sadyang kahanga-hanga. Magmula sa panahong Paleolitiko hanggang sa Modernong Henerasyon.
Noong unang panahon, ang ebolusyon ng tao ay nahati sa tatlong bahagi ito ang Paleolitiko, Mesolitiko at Neolitiko. Ito ang panahon kung saan nabuhay ang sinaunang tao na kilala natin bilang Proconsul, Australopithecus, Homo Habilis, Homo Erectus at Homo Sapiens.
Ang paninimula nang buhay ng sinaunang tao ay masasabi nating mahirap kumpara sa ngayon. Noon tanging bato at panghuhuli lamang ng mga hayop ang ikinabubuhay ng sinaunang tao. Walang magarang damit, walang permanenteng tirahan, walang kita mula sa trabaho at walang kasiyahan na mapaglilibangan. Tanging ang likas na yaman ang kanilang sandalan upang sila'y mamuhay.
Sa pamamagitan ng pag-gamit ng bato, ang unang bagay na maituturing na kapaki-pakinabang ang naging unang kasangkapan na ginamit nila sa pamumuhay. Hindi madali ang mamuhay sa panahong ating pinagmulan.Kailangan nilang mag-lakbay upang maghanap ng makakakain dahil sa ating likas na yaman lamang sila umaasa. At ang tanging ang mga kweba ang nagsisilbing panandalian nilang nasisilungan pananggalang sa sama ng panahon dahil dito wala silang maituturing na permamnenteng tahanan.
Ngunit sa pagdaan ng panahon, ang panahon ng Mesolitiko natutunang nang mga sinaunang tao ang pamumuhay nang pag-aalaga ng mga hayop, at ang paggawa ng unang kasangkapan na kanilang nalilok sa pamamagitan ng luwad. Ang paninimulang ito ng pagbabago ay unti-unting lumago sa panahon ng Neolitiko kung saan natutunan nang sinaunag tao ang mga bagay na makakatulong sakanila sa pag-unlad sa pamumuhay.
Sa panahong ito maituturing na isang malaking kasaysayan nang tao ang pagsisimula ng pag-unlad ng buhay natin na ngayon ay ating tinatamasa. Mayroon na tayong telebesyon, kotse, transportasyon, bahay, mga kagamitan at kung anu-ano pa na makakatulong upang mapadali ang ang ating pang-araw-araw na gawain sa buhay.
Masasabi nga nating hindi madali ang buhay noon kesa ngayon dahil noon kailangan pang maglakbay upang makahanap ng ikabubuhay samantalang ngayon bagamat mahirap o madaling makahanap ng trabaho masasabi nating wala itong maikukumpara sa panahon noon.
Sa panahaon ng makabagong Modernisasyon may ilan paring mga tao ang namumuhay sa panahon ng sinaunang tao sila ang mga taong naninirahan sa mga liblib na kabundukan o mas kilala natin sa tawag na " Katutubo". Ngunit sa tulong nang ating lokal na pamahalaan natuturuan at naibabahagi natin sa kanila ang ating kinagigisnang pamumuhay.
Datapwat sa paglago nang pagbabagong ito, maraming bagay ang kailangan isaalang-alang at nangunguna na rito ang kalikasan. Ang kalikasanang nagsilbing malaking ambag sa buhay ng tao ay ngayon unti-unti nang nasisira at nawawala dahil sa pag-unlad. Ang pag-abuso sa kalikasan, ang pagtapon ng mga basura sa kung saan-saan lalo na't sa karagatan, ang pagputol sa mga naglalaguang kakahuyan at sa pagsira ng sariwang hangin dulot ng polosyon ng sasakyang at pabrika.
Ilan lamang ito sa mga bagagay na isinasaalang-alang upang makamit ang matinding pagbabago ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ang bawat pagbabago ay laging may kapalit na higit at malupit.
Dahil sa patuloy na pag-lago ng ating pamumuhay hindi maiiwasan ng mga tao ang maingit at mandaya at mangurakot na humahantong sa kasakiman at kasalanang mortal. Ang panahong kung saan natutunan ang mga bagay na may kinalaman sa ari-arian at pera ang naging daan upang makagawa ng isang malapastangan sa karapatang pang-tao.
Hindi lang din ito ang bagay na nakasisira ng imahe ng bawat lipunan maging sa kultura at kasalukuyang ating kinagigisnan. Bagamat ang sinaunang tao ay namuhay na tanging ang saplot lamang nang balat ng hayop ang magsisilbing proteksyon at damit sa kamilang katawan. Ipinahahayag din nito na kahit sa simpleng saplot ay naipapakita ang pagbibigay galang sa kanilang katawan. Gayon din ang kulturang ating nakagisnan na ang kasuotang ng tao noon ay balot na balot upang itago at maipahayag ang paggalang sa katawan lalong lalo na sa kababaihan.
Sa pagdaan ng panahon at sa paglikha ng iba't-ibang desenyo ng mga kagamitan hanggang sa kasalukuhan ang dating mahabang at konserbatibong pamamaraan ng pananamit at unti-unting nawawala. Ang mga kasalukuyang kasuotan ngayon na nauuso ay bagamat magandang pag-masdan at kahalihalinang tinggan ay kadalasang humahantong sa madilim na karanasan sa mga matang mapagnasa at puno ng kamunduhang kalaswaan.
Walang masamang magsuot ng mga kasuotang 'micro-mini' at 'plunging' n damit dahil nakiki-ayon lamang tayo sa daloy ng panahon at uso ngunit iayon lamang sa lugar. Kung satingin mo ba ay magdadala ka nang ikasisiya ng kapwa mo sa paligid o mas maaakit sila sa masamang kaisipan ng sa iyong kasuotan. Ginawa ang damit upang ikaw ay proteksyonan at igalang ang iyong katawan hindi upang maging daan na ika'y ipahamak ng iyong makasariling kasiyahan. Mas mabuti pang piliin mo ang kasuotang magdadala sayo sa kaligtasan kesa sa kapahamakan.
Dala nang matinding pagbabago ng modernisasyon ay ang pagkakaroon ng mga bagay na ating mapag-lilibangan tulad ng komputer, PSP at portable tablet ay ilan lamang sa mga kinahuhumalingan ng bawat mamamayan. Ito ang mga bagay na nagbibigay ng madaling kasiyahan at malaking tulong ang naibibigay sa ibang bagay. Datapwat, ang mga bagay naito ay malaki ang naitutulong sa ating lipunan naging daan ito upang makalimutan nang makabagong mga kabataan ang salitang 'pag-lalaro'.
Noong ang mga kabataan ang naging daan ng kaligayahan sa kanila ay ang paglalaro ng mga tradisyonal na laro sa daan. Nariyan ang patentero, piko, tumbang preso, taguan, siato, luksong tinik, patintero, luksong lubid, at iba pa ay ilan lamang sa mga larong kinagisnan ng mga kabataan. Ngunit sa pagdaan ng panahon tanging mga kabataan na nasa urban o probinsiya ang madalas na naglalaro nito. Bagamat mayroon din naman mapaglilibanagan na ibang laro gaya ng isport halimbawa nang popular na basketbol ay mas napag-uukulan na ng karamihan ng mga kabataan ang paglalaro sa komputer at tablet.
Lingid sa kaalaman ng iba may mga bagay na nagdudulot nang kasamaan ang hatid ng bagong teknolohiya. Nariyan ang madalang na pakikipaghalubilo ng anak sa pamilya, nagkakaroon nang sariling mundo, natututong magmura ang bata, nagdudulot ng away, humihina sa pag-aaral at ang pinaka-matinding karananasan ay ang pagkakahantong sa pagpatay. Ito ang mga kadalasang ibinubunga nga matinding kahibangan ng paglalaro ng teknolohiya nagiging malaking epekto ito sa kanilang buhay. Nagiging dahilan din ito upang mas lalong mamulat ang mga kabataan sa mundong hindi dapat saklaw ng kanilang kaalaman at karanasan. Kaya ngayon karamihan sa mga kabataan mula't na sa mundo ng kasamaan.
Walang masama kung makikiayon tayo sa panahong ating kinagigisnan dahil ito naman talaga ang nararapan ngunti kung ang mga bagay na kasalukuyang ating nararanasan ay magdudulot sayo ng kapahamakan, mas nanaisin mo pa bang maki-daloy sa agos ng panahon o mas gugustuhin mo pang umahon sa ligtaas na pangpang?
Maraming magagandang dulot ang panahong kasalukuyan ngunit marami din ang masama. Ngunit hahayaan mo pa bang magpatuloy ang kasamaang ito o kikilos at makikiisa ka sa pagpuksa ng kasamaan?
Mas nanaisin mo pa bang maging konserbatibo sa tamang paraan o lalntad ka sa iyong kasiyahan na hahatak sayo sa kapahamakan?
Kung ang ating kasalukuyang panahon ay ganito na ang nararanasan paano pa kaya ang panahong paparating. Nakikita mo ba ang magandang ipekto ng pagbabago sa iyong buhay o magdudulot ito ng mas lalong pagkasira ng ating buhay?
Maging maingat tayo sa bawat desisyong ating tinatahak upang ang tahakin mo ay ang daan na tama na wala kang tinatapakan.
~ A/N~
Ang kaisipang ito hanggo sa aking obserbasyon at ang ilan naman ay aking nabasa sa Wikipedia upang gamiting basehan ng aking akda. Kanya-kanya po itong opinyon at ginagalang ko kung hindi kayo sasang-ayon. Ngunit nais ko lamang ipahayag ang aking intensyon na maiparating ang aking damdamin sa kasalukuyang panahon. Nawa'y makatulong ito sa ibang kabataan.
![](https://img.wattpad.com/cover/21943169-288-k610954.jpg)
BINABASA MO ANG
EBOLUSYON: ( ANG PANAHON NOON, NGAYON AT HINAHARAP )
Non-FictionMadami nang kaganapan ang nagpapabago sa ating kapaligiran, kultura at kinagisnan, Ngunit masaya ka ba sa nalalaman at kinamulatan mo? Mas nanaisin mo ba ang kasalukuyang panahon o mas pipiliin mo ang maging bulag sa iyong kapaligiran? ~ Ang nakapal...