Tammy's POV
"Tsk. Alis nga! Kakulit mo naman eeeeee."
'Ano ba!? Ang iingay naman ng mga toh! Di ko tuloy magets yung video!'
Pagkalingon ko sa likod, hindi na ako nagtaka pa kung bakit maingay.
Ayan na naman sila. Nagkukulitan.
Wait, let me rephrase that.
Kinukulit na naman ni Ken si Carol.
Kung makahawak si Ken sa kamay ni Carol, akala mo sila na, kinukurot-kurot pa niya yung cheeks. Pweh! Landiii kadiri!
Si Carol naman, nagrereklamo pa eh panigurado gusto din naman.
Bakit ko nga ba sila pinapansin?
Aish!
"Huy Tammy! Manood ka oh malapit na mag-ending." pabulong na sabi ni Jelai, close friend ko.
"Nanonood naman ako ah."
"Weh? If I know..."
-__-+++
Sinamaan ko siya ng tingin. I was just looking! What's wrong with that?
"Sabi ko nga nanonood ka! Yan oh, tutok na tutok ka nga sa bawat eksena eh."
Bakit feeling ko doble meaning yun?
"Tumahimik ka nga. Manonood na oh. Manonood na."
May pinapanood nga pala si maam samin na video about daw sa mga magulang. Sigurado daw maiiyak kami. Eh pano naman ako maiiyak kung may dalawang malanding pusa malapit sakin? Nakaupo kasi sila sa arm chair sa unahan at kami naman ni Jelai eh nakaupo sa sahig saktong katapat nila. Kahit nasa bandang kanang likuran ko sila, di ko mapigilang tumigin. Masyadong agaw atensiyon.
Eto na. Eto na. Di ko na talaga papansinin.
Pagkaraan ng ilang minuto
"Sht. Malas!" Nasabi ko sa sarili ko. Seatmate ko nga pala si Ken. Pugto pa naman yung mata ko, mang-aasar na naman yun.
"O, bat ka ga naiyak?" Tatawa-tawa pa siya niyan. Sarap suntukin eh.
"Kase ako, na-aappreciate ko yung mga ginagawa ng mga magulang ko. Eh ikaw? Ni isang detalye ba ng napanood natin eh naintindihan mo? Kung anu-ano kasi inaatupag."
Sobrang insensitive niya! Alam naman niyang umiiyak ako dahil sa video tapos nakuha pa niyang tumawa! Nanatili lang siyang nakatayo. Hindi na siya nagsalita pa. Buti na lang talaga tumunog na yung bell.
'Haaay Tammy. Anu na naman bang pinagsasasabi mo? Nagdadrama ka ng wala sa lugar.'
"Mats! Tara na sa canteen! Mauubusan tayo ng pagkain eh." I came back to my senses ng tawagin na ako ni Jelai.
"Mats na naman!? Mukha ba akong punasan ng paa?"
"Tange hindi! Sinabi ko naman sayo diba? Short for Tammy ay Tam. Ngayon baliktarin mo."
"Uhh ... Mat?"
"Tumpak! Mat! Eh ampangit naman pakinggan ng Mat, parang panlalaki. Kaya dinagdagan ko ng 's'. Gets mo na?"
"Aaaaaahhh! Ganun pala yun."
![](https://img.wattpad.com/cover/26683620-288-k700517.jpg)
BINABASA MO ANG
Crush Lang Muna! (Short Story)
Fiksi RemajaPinangako ko sa sarili kong si Kian lang ang tanging taong magugustuhan ko. Pero bakit yung simpleng pangakong iyon, hindi ko magawa-gawa? Nagkagusto lang naman ako sa iba. At yung taong yun pa ang pinaka-kinaiinisan ko! -Tammy