Tama nga sila.
Magulo ang buhay may crush.
Lalo na siguro kung dalawa.
***
"Mas maganda na yung marami kang crush kesa naman sa mahulog ka sa isang taong hindi ka naman kayang saluhin."
I always think of this qoute as nonsense.
Seriously. Sinong tao ang makakaisip nito?
Kase sa tingin ko, sila yung mga taong malalandi at desperado ng makahanap ng lovelife.
Dapat stick to one tayo. Loyal kumbaga.
Yes. Meron akong crush. Sino ba naman ang wala di ba?
Masarap ang feeling magkaroon ng crush. Dagdag inspirasyon and at the same time, distraction.
Pero okay lang. Masaya ako eh. Konting tingin niya lang, masaya na ako. Konting ngiti niya lang, masaya na ako. Kausapin niya lang ako, masayang-masaya na ako.
Pero hindi ko inaasahang may isa pang taong makakapagpadama pa sakin ng ganito. Kaso nga lang, mas malalim. Mas masaya ako sa tabi niya. Mas kontento ako.
Ang dating isa, naging dalawa.
Pero dahil sa sobrang lupit ng tadhana, binigyan nila ako ng heartaches. Magkasunod pa.
Saklap diba?
***
Life sucks.
Kaya nga naging motto ko na ang mga katagang iyon.
Malandi na ba ako?
Desperada na ba ako?
Nagka-crush lang naman ako ah.
Hindi ko naman sinasadya.
At ngayong natauhan na ako, gusto ko ng sumuko.
***
Pero life must go on.
At habang ipinagpapatuloy ko ang takbo ng aking buhay, may natutunan ako.
Isang mahalagang bagay na nakapagpabago ng tingn ko sa sarili ko.
Ano yun?
Let's find out.
———————————————————————————————————————
AN: I'm awesome! ^-^/
BINABASA MO ANG
Crush Lang Muna! (Short Story)
Genç KurguPinangako ko sa sarili kong si Kian lang ang tanging taong magugustuhan ko. Pero bakit yung simpleng pangakong iyon, hindi ko magawa-gawa? Nagkagusto lang naman ako sa iba. At yung taong yun pa ang pinaka-kinaiinisan ko! -Tammy