Hiwaga

4.2K 90 5
                                    

"Hindi ko alam kong anong gayuma ang dala mo, Elisse....But I'll be damned if I let this night pass not doing what I really wanted to do to you..."

"Yes, ma. I know. Yes. Opo. Gagawin ko po." Matapos ang mga kaganapan sa agahan kanina ay dali-dali niyang tinawagan ang ina. Nais niyang kumpirmahin ang sinabi ni Leandro kung gaano katotoong kinausap nito ang ina at ipinagpaalam siyang manatili pa sa isla subalit pinatotohanan lamang iyon ni Tamara at iginiit nitong ang dahilan ng pagpayag nito'y panahon na upang bisitahin niya ang puntod ng yumaong ina.
"I will, mother. Gagawin ko po talaga. Bibisita po ako ngayong araw." Hindi niya makumbinsi ang nasa kabilang linya na totoong gagawin niya ang mga binitiwang salita. Hindi alam ni Tamara na hindi na nito kailangan pang paalalahanan siyang bumisita sa puntod ni Henrietta dahil ng sandaling nagpahinuhod siyang manatili pa sa Villa Del Mare ay nabuo na sa isip niyang bibisitahin ang puntod ng yumaong ina bago tuluyang lisanin ang lugar.
"Yes. Opo. Good bye, mother. Call me the moment he wakes up. See you soon." Now she needs to go to the cemetery. How will she get there? Sa pagkakatanda niya'y nasa parteng gitna ng isla matatagpuan ang lumang sementeryong kinalalagakan ng labi ng ina. Well, she might be allowed by the Falcons to use one of their cars kahit na yung pinaka lumang sasakyan pa. Ang importante ay may magamit siyang sasakyan patungo sa parteng iyon ng isla dahil kung tama ang pagkakatanda niya ay may kalayuan iyon mula sa Del Mare woods. Mabuti pa'y kausapin na niya si Ms. Drew.

"Do you think she'll ever notice?" Walang ano-ano'y pagbabago ni Gillian sa usapan.
"I'm telling you cousin, it's not a good way to start a new topic." Natatawang agaw atensyon ni Caleb.
"What?"
"What?" Magkasabay pang tanong nina Gillian at Zach. Si Gillian ay pinatutuonan si Caleb at siya nama'y kay Gillian nakatuon ang tingin.
"I mean, we have to be clear here that he should be aware that Elisse might have no idea at all why he is treating her this way. I mean, being so sarcastic and seriously ungentleman." Ang mga mata ni Gillian ay nandidilat na nakatuon sa kanya sa mga oras na iyon sa pinakaeksaheradong paraan.
"I don't know why you have to put up with his tactics, Caleb. E ni hindi nga ata naghihinala si Elisse na may tinatagong sama ng loob tong kaibigan mo sa kanya." Dismayadong dagdag pa nito. Wait- what is she talking about? He faced Gillian with a wondering face.
"What? You think I didn't know? Come on, Zach. Ang tagal na no'n. Mga bata pa tayo. Kung hindi man niya sinuklian ang damdamin mo noon para sa kanya o kung "b-in-usted" ka man nya noong mga panahong yon hindi ba dapat na kinalimutan mo na iyon ngayon? She was just thirteen-fourteen then, too young. And besides, kakakilala nyo lang sa isa't isa ng mga panahong yon diba? So why don't you start over again? Kung gusto mo pa rin siya bakit hindi mo suyuin ulit? Ligawan mo." Mahabang litanya ng babae. So hindi nito alam ang buong kwento. Nangingiting hinarap niya si Caleb. And he was responded with mouthing 'wala siyang alam'. Muli niyang hinarap ang babae na noo'y dismayado pa rin at mukhang nakaamba na namang dugtungan ang mga sinasabi ngunit inunahan na niya.
"For the record, hindi niya ako b-in-usted at, seriously...?" Sadya niyang hindi na itinuloy ang sasabihin. Bakit pa ba siya mangangatwiran gayong wala namang dapat na ipaliwanag pa. Hindi na rin naman siguro dapat pang malaman ni Gillian kung ano ang kwento sa pagitan nila ni Elisse dahil sa totoo lang, maging siya ay hindi na ikinatutuwa ang inaasal niya sa harap nito. Kaya naman napagpasyahan na niyang itigil na ang lantarang pagtrato ng hindi maganda sa sa babae. Mukhang nakakahalata na rin kasi ang nakakatandang kapatid at hindi niya nais na umabot pa sa puntong kailangan niyang magpaliwanag para sa mga ikinikilos niya. Nagpakawala siya ng buntong hininga.
"O, nakita mo na? Can you see how childish your actions have been?" Mukhang hindi pa rin nawawala ang disappointment na naramdaman ni Gillian. At hindi niya mapigilang mapahalakhak ng malakas sa nakikitang hitsura nito.
"Ok. I give up. Sige na. Tama na ang inis mo. Okay? Let's end this conversation here." Pinal niyang pagtatapos sa usapan na sinabayan ng kunwaring pagpisil sa ilong nito na ikinatuwa naman ng babae. Saglit namang natilihan si Caleb ng matanaw si Elisse na pumapanaog sa hagdan mula sa pasimano ng mga silid. Noo'y nag-angat siya ng tingin na naging dahilan upang magtama ang kanilang mga mata. Deep dark eyes meet deep brown. At muli, naroon ang pagtitimping lapitan ito at ikulong sa kanyang mga bisig. Oh! How he wished he had done it the first time he gave her that kiss on that unforgettable afternoon. First time. Will there be a next time? Pakiwari niya'y bumibilis ang pintig ng dibdib niya. Lalong tumitindi ang nagpdaramang pag-asam. Magkakaroon nga kaya ng ikalawang pagkakataon? Kung sakasakali, wala naman sigurong magiging balakid pa. Sana.

I long for your heart (Elissedearest)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon