Nagsusumiksik ang lahat. Sabado. Long weekend sabihin mo pa. Piyesta ng patay sa lunes eh. Lahat naghahabol na makasakay. Ipipilit ang kanikanilang pwet makasakay lang. Matingkad ang silahis ng araw. Luluha ang iyong buong katawan sa init. Tanghali. Araneta bus terminal. Mga taong konti na lang ay magiging magkamukha na. Konting usog na lang. Ngunit binasag ng isang dalaga ang corning eksena.
Una nitong nilabas ang kanyang stelleto at legs mula sa taxi.Eksena mula sa PRETTY WOMAN.
Winagayway ang buhok at poise ang hitsura.EKSENA sa UP TOWN GIRL.
Binagayan niya ng shades.Eksena sa RUN AWAY BRIDE. Luminous.Strapless.Shinning. Yellow skirt. Astonishing. Eksena sa BABAE SA SEPTIK TANK.
Naryang hilain angkanyang maleta sa gitna ng mga taong busibusihan. Miss Nursing 2012. University of Makati. 21. Graduating student at higit sa lahat. LATE.
“late ka na!!!!, iha!!!”
Armado si aling tonya ang pamaypay. Winawagay-way paleft paright . Iskandalosa. Humihiyaw itong lumulusong sa pila ng tao. Tumabi ang lahat. Of course you don’t to fight with the tiger lady. Suot ang tiger print niyang blouse at skinny jeans. Miss Andres Bukid 1985 is breaking the floor, the floor of araneta bus terminal. The bus terminal is sinking.
“look hon, alas diyes na mahuhuli ka na, diba alas-singko ang seminar mo sa Baguio?”
Little steps. Hindi nito mahabol ang anak. Busy sa pagfeel ng mga eksena. Feeling nya ay may shooting. Binuka ang pamaypay at pose. Nothing beats the look. Looking ambitious. Nauunahan ang mga paa ni Aling tonya. Hindi nito matansya kung ano ang uunahin. Red Nail Polish. Wedge shoes. Dahil dito kahit 5 four lang ang height ng ale ay nagiging matangkad ito.
“hoy!!!! Bayad nyo!” Hiyaw ng drayber.
Binasag ang trip ng mag-ina.
“letse!!. .”Humirit pa.
Tumakbo pabalik si Tonya. Naka ilang dipa na ito at halos hindi na matanaw ng drayber. Mabilis na tumakbo ang ina. Release ng 85 pesos mula sa coin purse. Luis Viton. Local brand eh. Wrong spelling.
“oh eto na, kainis 'to!!”Embarassed . Ismir. Nagtago behind the cooling fan made manual. Inaproach ang anak. Tuloy ang eksena.
Ibinaba ni Paula ang kanyang shades. Back ground music ang magazine ng eraser heads. Hinagod ang buhok. Kunwari Mahaba ang buhok. Rebonded.
“No, ma, six hours away lang ang Baguio. I will make it there.”Soar high UMAK!. She’s pretty. She’s Hot. Terribly hot! Ang init kaya. Namumutil ang pawis ng dalaga. Tunaw na ang kanyang make up. Humulas ang mukha.