Balik sa eksena.
“baguio! Baguio!”
Sumisigaw na kondoktor ang sumalubong sa dalawa. Kailangan isingit sa eksena. Wala lang requirement ng writter.
“baguio to?”
Nakasabit sa kamay ni Paula ang kanyang GUCCI na bag at sa kabila ang isang GUESS na wallet. They look original. They look real unless you feel it. Bagsak sa QC. Class B daw iyon, mas sosyal naman kung sasabihin mo itong OVERUNS. Lintik CHINNY!!
“hindi pasay to!”
sagot ni kuya konduktor. Hindi ito nakatingin kay Paula kundi sa hawak nitong rolyo ng ticket. I am a graduating student of USUAL PHILOSOPHY. Lahat na ng tao nahahawa kay vice ganda orkay mr. asimo.
Umusok ang ilong ng ating bida, pero poise pa rin. Remember beauty queen ang peg.
“are you mocking me?”
Kumembotng konti parang may Fighting stance sa karate ang peg.
“why are you deaf?” Yes. Kuya englishin mo na.
“anjan na nga iyong placard, nanjan na iyong sign, ang lakas pa ng boses ko, minsan naman mag pay attention ka naman kung may time.”
Revolver. Sunod-sunod. Sinong nagsabing hindi pwedeng mag-english ang mga kundoktor ng bus. It hurts you know.
“wag kang bastos iho!”ibinuka ni aling tonya ang kanyang pamay-pay. Gumawa itong hangin na nagpapalipad sa mga buhok ni aling tonya. Feel the breeze of Cubao. Unusual no?
“huh-uh. . .” Escape sa eksena ang konduktor. May attitude din si kuya.
“bayaan mo nga iyan ma!, hindi natin sya ka level.” Level 1.