Pageant Throwback

24 0 0
                                    

FLASHBACK: Miss Nursing 2012, Question and answer portion.

Ang lahat ng kandidata ay tinamaan ng ilaw,brought to you by the different colors of the spot light.Candidate number 4 si Paula Marie Sandico. Ilang beses na itong sumali ng MISS COLLEGE OF NURSING. Noong 2010 ay lumading ito sa 4th runner up. 2011 ay nakaabot ito ng magic 5 ngunit 2nd runner up lang. Nakapameywang ang lahat. Suot nila ang kanikanilang contour dress iyong tipong walang mabibili sa SM Department Store. Outstanding si Paula. Parang naka mighty bond ang mga labi para ngumiti. Parang hindi makaireng pusa ang nanay nitong si aling tonya, na nakasuot ng lion head na head dress. FOR GOOD FORTUNE, fungsui. The best back stage mother ang drama. Minsan mapapatalon sa tuwing tatawagin ang candidate number 4. Veteran.

Dumating ang question and answer portion. Kasama ang mahiwagang mga drum rolls.

“we will have a standard question for everybody”

Requirement yata sa lahat ng MC ang naka-americana kahit maiinit sa gymnasium. Nasa back stage naman ang mga candidata. Could not hear and STANDARD QUESTION di umano.

“anak, presence of mind!”

pinabaunan nito ang anak ng sign of the cross. Lumabas si Paula. High heels. Dandling earings with silver round loop on the neck. Merry Christmas, parang chrismas lights ang dating nito. Nakakasilaw. 

 “candidate number 4 is Ms. Paula Marie Sandico”

Tumutok ang mga ilaw, kumendeng to right  nagturn around at kumendeng sa left. Walk sa stage para ma feel ng lahat ang presence and stop sa gitna. Smile. Inabot ang mic. Winave and hand. Exacto. Palakpakan ang lahat. 

“if you are lost in an island, and given a chance to bring one thing what would it be, and why” Glaring lights. Spot light kay paula. Red lipstick. Tube gown and striking personality. Ikaw na!!!! Humigop ng maraming hangin si Paula  bago sumagot. Smile.

No. This is not your ordinary pageant. 

“first of all how did I get there??” windang ang MC.

Umugong ang gym. Nabigla ang lahat. Parang isang madilim na gubat na maraming kwago ang humuhuni. Puno ito ng mga nursing students na naghahagikgikan. Mali ang sagot. Not even an answer. Hindi mo sinasagot ang tanong ng isa pang tanong.

“But any ways I would bring my phone if not my common sense, why?, , so that I could call somebody for help, right?”

Well, kung taga CATHOLIC University ang sasagot ng tanong baka rosary o bible ang dadalhin nya. Ibahin nyo si Paula common sense ang dala. Nganga ang lahat. Ngunit tama nga naman si Paula. Standard question ito sa lahat ng mga beaucon lagi itong sinasagot ng COMMON answer hindi ng CORRECT answer. Round of applause ang lahat standing ovation ang judges, na judges rin noong nakaraang dalawang taon. At hindi ka rin dapat mag thank you pagkatapos mong sumagot. Veteran. 

Ang Bus (the first cut)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon