Prologue

64 1 1
                                    

 

Malakas ang tibok ng puso ko. Hapung-hapo na ako dahil sa kakatakbo. Tagaktak na ang pawis sa mukha ko. Medyo malabo na rin ang paningin ko. Pero may isang taong nakahawak sa kaliwa kong kamay na parang hinihila ako. Ayoko na. Ayoko nang tumakbo. Pagod na pagod na rin ako. Konti nalang madadapa na ako.

Dumaan ang ilang segundo nang may maramdaman akong tumama sa likod ko. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay ng lalaking kasama ko. Hindi ko siya kilala. Wala akong ideya kung sino siya. Hindi ko rin makita ang mukha niya. Pero parang sinasabi ng utak at puso kong kilala ko siya.

Mabilis ang mga pangyayari. Nadapa ako at hindi na makalakad pa. Inihilig niya ako sa mga braso niya pero hanggang ngayon hindi ko pa rin makita ang mukha niya. Pinipilit kong makita. Gusto kong makita ang mukha niya. Pero...

Kismet (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon