Chapter 1

75 2 1
                                    

Namulat ako nang may liwanag na sa paligid ko. Umaga na naman. Bakit ba kasi umaga ako nananaginip? Dapat kasi gabi para may oras akong tapusin ang panaginip ko. Ilang taon ko nang pinipilit na makita kung sino ang lalaking ‘yon pero wala. Gusto ko siyang makita! Gusto ko siyang makita!

Kagabi nabaril ako. Palagi nalang akong nababaril. Kelan naman kaya ako mananaginip ng tungkol do’n? Sana mamayang gabi, o bukas. Gusto ko nang malaman kung sino siya. Kung pwede ba siyang maging totoo at para mapatunayan ko sa sarili kong hindi lang siya basta imahinasyon.

Bumangon na ako. Alas siyete pa naman ang pasok ko. Nakakatamad talaga. Ayoko nang pumasok. Kung pwede lang magkulong ako sa kwarto ko maghapon gagawin ko. Kaso, gusto ko namang maging responsable kahit papano kaya babangon ako at pipilitin ko ang sarili ko na pumasok at mag-aral.

Nakarating ako sa iskwelahan ng limang minuto nang late. Mabuti nalang nagche-check pa lang ng attendance ang professor ko.

Umupo ako sa tabi ng nag-iisa kong best friend na si Amna. Nginitian ko siya at inilagay na ang backpack ko sa likod ko.

“Hulaan ko. Traffic?” sabi niya.

“You don’t say.”

Inirapan niya lang ako. Tiningnan ko lang siya pero ilang sandali lang ay ibinaling ko na rin ang focus ko sa prof ko na kasalukuyang nagtuturo ng Algebra. Wala namang kwenta yung pagturo niya. Lahat naman ng estudyante dito alam na ‘yan. Pang high school kasi mga tinuturo niya. Malamang, alam na namin lahat ‘yan. Tsaka nakakatamad makinig kung puro numbers ang naririnig mo. Inihilig ko ang likod ko sa upuan at kinalikot ko nalang ang cellphone ko para maglaro ng 2048, Piano tiles o kung ano pa mang laro ang nasa cellphone ko.

Natapos ang isang oras. Tumayo na ako kasama ang iba pa at lumabas na ng silid. Nasa likod ko naman si Amna.

“Sa’n na tayo?” tanong ko.

“E di sa dating tambayan.”

“Ayoko do’n.”

“E di sa’n?”

Nginitian ko lang siya. “Kain tayo.”

Umiling na naman siya. “Ikaw talaga si takaw queen, ano?”

Hinila ko na siya papuntang canteen. Hindi kasi ako kumakain sa apartment ko ng almusal kaya naman gutom na gutom ako pagkatapos ng Algebra.

Nang makarating kami sa canteen, konti palang ang mga tao. Karamihan sa kanila tumatambay lang naman kasama ang mga barkada. Dumiretso ako sa may counter na kung saan nandun din ang mga pagkain na pagpipilian.

“Anong gusto mo?” tanong ko kay Amna.

Tiningnan niya rin ang mga pagkain at pumili.

“Spaghetti nalang sa’kin.”

“Dalawa pong spaghetti ate.” sabi ko sa babaeng naghihintay sa order namin.

Kinuha ko naman ang wallet sa bag ko at binayaran ang dalawang spaghetting inorder namin.

Hawak-hawak na namin pareho ang inorder namin nang biglang huminto si Amna. “Oh.My.Frigging.Crap.” Nakatingin siya sa isang direksyon. Sinundan ko naman ang tingin niya. Napahinto rin ako dahil ang tinitingnan niya ay isang lalaking... gwapo. Mali. Napakagwapo.

Hindi ko siya kilala. Siguro baguhan siya o sadyang malaki lang talaga ang unibersidad na pinag-aaralan ko dahil sa tatlong buwan na pagpasok ko rito, wala pa akong natipuhang lalaki. Pero siya. Hindi ko alam pero kahit sa malayo, parang may pwersang humahatak sa’kin na parang sinasabing lumapit ako sa kanya. Hindi ko pa ‘to naranasan dati. Pero, bakit parang iba siya. Alam kong iba siya.

Kismet (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon