Chapter 7

27 1 0
                                    

Bigla kong nalagay ang isa kong notebook sa mukha ko. Anong ginagawa dito malditang babaeng ‘to? Nakasuot siya ng isang hapit na hapit na dress. Fit na fit na parang pinagmamayabang ang malaperpekto niyang katawan. Habang dumadaan silang dalawa, may mga taong sinusunod ang tingin sa direksyon nila, specifically, kay Sherry. Mukhang gustong-gusto naman niya. Medyo maharot lang.

Pa’no kaya siya nakapasok sa university namin? And with that outfit?

Sinundan ko sila ng tingin nang nakatalikod na silang dalawa sa’kin.

Bakit kaya sila magkasama?

Sa mother side ko pinsan si Sherry. First cousin ko siya. Hindi kami magkasundo, kahit na ang bait-bait ng dalawa niyang kapatid sa’kin at mga magulang niya. Iniisip ko nga pagminsan, baka ampon lang siya. Sana nga ampon lang siya.

Nung mga bata pa kami, palagi niya akong inaaway. Hindi ko alam kung bakit. At kapag nagkikita-kita kami tuwing may party sa pamilya, feeling ko palaging kumukulo ang dugo niya sa’kin. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya.

“Maganda siya. Pero medyo pokpok ang peg ni ate.”

Natawa nalang ako sa komemto ni Amna.

Naisip ko. Ganun pala ang mga tipo ni Kevin Blake. Mga lalaki nga naman.

Dumiretso na kami sa room namin.

“Ayos ka lang ba talaga kanina? Magquit ka na nga diyan sa trabaho mo. Hindi ka niyan makakapagfocus sa pag-aaral.”

“Nagsisimula palang ako. Makakapadjust naman siguro ako.”

“Hay naku. Umuwi ka nalang nga sa inyo. Malay mo, tutustusan naman ng mga magulang mo ang pag-aaral mo.”

“Ayoko nga.”

“Hay naku. Ang taas naman ng P mo. Skyscraper ang peg.”

“P?” sabi ko sabay taas ng kilay.

“Pride. Duh?”

Inismiran ko nalang siya.

“Nga pala. Sasama ka ba sa Vigan?”

Oo nga pala. Kailangan kong makadiskarte ng pamasahe at allowance ko. 3 days kami dun. Masyadong demanding ang course na Fine Arts pagdating sa mga tour. Hihiramin ko pa pala ang camera ng kapatid ko.

Kaya kailangan ko talagang ipagpatuloy ang pagtatrabaho ko sa restaurant na yun kahit na medyo mababa pa rin ang sweldo ko.

Maaga ako ng mga fifteen minutes. Dumiretso ako sa locker area para magpalit.

“Nagtatrabaho ka rin pala dito?”

Tumingin ako sa may kaliwa ko. Tiningnan ko kung sino yung nagsalita at malaman kung ako nga ba ang kinakausap niya.

Nakatingin siya sa’kin kaya’t malamang, ako nga ang kinakausap niya. Naghihintay nalang siya ng sagot ngayon. Nakangiti rin siya.

Natatandaan ko siya. Siya ang isa sa mga kaboardmate ko.

Inalala ko ang pangalan niya.

Tumango lang ako at nginitian siya.

“Su..” I trailed out.

“Suzy.” Pagpapatuloy niya.

Tumango-tango naman ako. “Sorry.”

“Ok lang yan... Keira, tama?”

Tumango ulit ako.

“Working student ka rin?” tanong ko.

“Oo. Pero parang part time student lang ako. Mas marami ang oras kong magtrabaho. Kailangan e.”

Kismet (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon