Chapter 4

31 1 1
                                    

“Ano nga kasi ang pangalan niya?!” Kanina pa ako kinukulit ni Amna. Hinintay niya ako hanggang alas siyete ng gabi para lang makuha ang pangalan ni Kevin Blake Sandoval.

Naglakad lang ako pauwi. Hindi naman malayo ang tinitirhan ko kaya ayos lang sa’kin.

Huminto ako. Tinatahak namin ang gilid ng kalsada na puno ng vendors ng kung anu-anong gamit. May mga binibilhan ng diyaryo, prutas, at kung anu-ano pa. Mailaw at maingay ang paligid.

“Kevin Blake Sandoval.” I give up. Ang totoo niyan, tinatanong ko ang sarili ko kung bakit ngayon ko lang sinabi sa kanya ang pangalan ni Blake.

Napahinto rin siya at kumurap-kurap ng ilang beses. “So alam mo nga. I knew it.”

Naglakad ulit ako. Nakita ko namang sumunod ulit siya. “Gusto mo ba siya?” tanong niya habang naglalakad kami pareho.

Binilisan ko ang lakad ko, gano’n din siya.

Hindi ako sumagot. Nagkunwari akong hindi ko siya narinig.

“Pwede mo naman sabihin sa’kin kung gusto mo siya. Hindi ko na siya gugustuhin.” sabi niya pa.

Dahil nga sa mabilis akong maglakad kaysa sa kanya, nahihirapan siyang pantayan ako sa paglalakad.

“Huy hintay!”

Huminto ako at hinintay siya.

Huminto naman siya sa harapan ko at nagsalita. “Alam mo, ‘wag mo nang alalahanin ‘yong mga tinanong ko. Obvious naman ‘yong mga sagot do’n.”

Pagkasabi niya no’n, naglakad na siya at hindi na ako hinintay pa.

“Anong ibig mong sabihin?” Ako naman ang naghahabol ngayon sa kanya.

Mas binilisan niya ang paglalakad na parang halos tumatakbo na.

“Wala.”

“Anong wala?” Hindi ko siya maintindihan.

“Hay naku. Hindi mo kasi alam ang pakiramdam ng nagdadalaga.” At huminto siya at pinagpatuloy ang pagsasalita. “Dalaga ka na po Ms. Kiera Del Real. Congratulations.” Nakangiti niyang sabi.

“Ang tagal naman ng Blake ko.” Nakasimangot siya habang tinitingnan ang isang pintuan ng isang room. Nalaman kasi ni Amna na iyon ang kasalukuyang room ni Blake. Hindi ko alam kung pa’no niya nalaman. Sabagay, ‘yan naman talaga ang forte niya. Napapailing nalang ako sa mga pinaggagagawa niya.

Nakita niya akong napailing. Tumingin siya sa’kin. “Ay sorry. Ang tagal pala ng Blake MO,” sabi niya sabay ngiti.

“Excuse me?”

“Alam mo, tinutulungan lang naman kitang makita mo siya ngayon. Gawin natin ‘to araw-araw ha para naman may inspiration ka ha.”

Araw-araw? Para may inspiration? Ako? Dinadamay niya pa ako sa mga kalokohan niya.

Sasagutin ko sana ang sinabi niya nang tumayo siya. “Ayan na!!!”

Napatingin naman ako sa direksyong tinitingnan niya. Bigla na namang tumibok ang puso ko. Ano bang problema ng puso kong ‘to? Napahawak nalang ako sa may dibdib ko. Tumahimik ka na nga puso.

Nakita kong naglakad si Amna papunta sa... teka... papunta sa direksyon ni Blake. May kasamang isang lalaki si Blake. Napakaseryoso ng mukha niya, pero bakit bagay na bagay sa kanya? Ano ba Kiera? Anong problema sa’yo?

Halos mapatakbo ako nang nakita kong nakalapit na si Amna kay Blake. Sinundan ko siya at akmang kukunin ang braso paalis sa harapan ng magbarkada.

“Ano ba?” tanong ko. Nahihibang na ba talaga siya? At ano naman ang sasabihin niya kay Blake?

Kismet (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon