Chapter 5

18 1 0
                                    

“So, why did you call me?” tanong ko habang naglalakad na kami kasabay ng iba pang mga tao sa loob ng mall.

“Wala lang. Tsaka, I think I’ll treat you once in a while. You look slimmer. Kumakain ka pa ba?”

Tiningnan ko siya. “Oo naman. Kailangan ko lang magtipid,” sabi ko sabay yuko. Alam ko kasing kahit palagi kaming nag-aaway, concerned pa rin siya bilang kapatid ko.

Napailing lang siya sa sinabi ko like I was talking gibberish.

“Ano nga kasing problema mo?” Alam kong may iba pa siyang dahilan para tawagan ako at makipagkita sa’kin.

Natahimik naman siya. “They’re both pressuring me.”

Napakunot naman ako ng noo. “Ha? Pressuring you for what?”

“To pass that fucking entrance test.”

Nakalimutan ko, gagraduate na pala ang kapatid ko ngayong school year. Ang ibig sabihin lang no’n, pareho na kaming college sa susunod na school year. Pinupursige ng mga magulang namin na kumuha kami ng kursong Business Administration para kami na ang magmanage ng negosyo nila sa mga darating na taon. Pero minalas sila sa’kin. Ayokong magpatakbo ng isang negosyo. Wala sa interes ko ang makipagkalakalan. Mabuti nalang at may kapatid akong handang sumalo sa’kin. Alam ko, simula no’ng mga bata pa kami, gusto niya ang kursong pinapakuha ng mga magulang namin, kaya’t nagulat ako nang malaman kong napi-pressure siya sa mga magulang namin. Matalino si Lance. Hindi siya isang pangkaraniwang estudyante sa paaralang pinapasukan niya. Running for valedictorian ang kapatid ko. Hindi rin maikakaila ang pagiging proud ko sa kanya.

“You’re pressured? Para namang hindi mo kakayanin ang entrance exam sa university na papasukan mo,” saad ko.

Tiningnan niya ulit ako ng seryoso.

“What if I don’t like it there?” sabi niya sabay hinto sa paglalakad.

Napahinto na rin ako. Palabas na kami ng mall.

“Then tell them,” sabi ko na parang hindi mahirap gawin ‘yon.

“I’m not like you.”

“I know you can do it, Lance. If you don’t like to be in that prestigious school, just tell them.”

“I can’t be braver than you, Kiera,” sabi niya at nagsimulang maglakad ulit.

Kahit na mas matanda ako sa kanya ng isang taon, tinatawag niya lang akong ate once in a blue moon. Napakaangas at napakayabang ng kapatid ko pagdating sa’kin.

Hinabol ko siya. Alam kong mabilis din akong maglakad, pero lalaki siya at kapatid ko siya. Mas matulin siyang maglakad sa’kin.

“Just tell them,” huli kong sabi bago pa kami tuluyang makalabas ng mall at pumunta sa parking lot.

Tumalikod siya para tingnan ko. Nagkibit-balikat lang siya.

“Hinahanap ba nila ako?” tanong ko bago bumaba ng kotse. Nasa tapat na kami ngayon ng boarding house ko.

Tinaas niya lang ang dalawa niyang kilay na parang hindi alam ang sasabihin.

“I reckon they know where you are.”

I narrowed my eyes.

“You know them Kiera. You can’t keep secrets from them. And tell you what, pinapasobrahan ni mommy ang allowance ko.”

“What?”

Nagkibit balikat siya. “That’s what I observed.”

“Kung totoo ‘yan, bakit ‘di nila ako pinupuntahan para hilahin pauwi?”

Kismet (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon