Chapter 3

39 2 0
                                    

"Kumusta na po kayo ni Papa dyan Ma?" Tanong ko sa kabilang linya habang naghahighlight sa Anatomy namin na libro. The loud music of my neighbor was vibrating my whole apartment. They are having a party and videoke contest for holy cow's sake.

"Okay lang kami dito, Anak. Huwag mo kaming alalahanin. Pasensya na at iyon lang ang nakayanan namin ipadala sayo. Nangutang pa ang Papa mo sa Tita Lusing mo." Malambing na saad ni Mama.

Lagi akong nakokonsenysa sa kanila dahil halos lubog na kami sa utang dahil sa pag memedschool ko. Sinabi ko naman kay Mama at Papa na kung hindi na talaga kaya ay pwedi muna akong huminto. 2nd year med student na ako at may dalawang tao pa kaming susuongin.

"Pasensya talaga, Ma. Sobra kasing ambisyosa ng anak mo." Saad ko. Itigil ko ang paghahighlight para tumayo at humiga sa maliit kong kama.

"Hindi, Anak. Okay lang. Kaya pa naman namin."

I sighed and I didn't know how to respond.

"Proud na proud nga kami ng Papa mo at mga kapatid mo sayo. May magiging doctor na kami." Narinig ko ang mahina niyang iyak. Pinikit ko ang aking mga mata dahil sobra akong nasasaktan. Kung pwedi ko lang talikuran ang lahat at mag hanap na ng trabaho para naman makatulong ako sa kanila ay ginawa ko na. Masyado akong bumilib sa sarili ko at hindi mang lang inisip na hindi pala kasama sa libreng mangarap ang pagtustos sa pangarap lalo na't nag naghihikahos kami sa hirap.

I heard my younger siblings' voice at my father's laughter in the background. Gumaan ulit ang pakiramdam ko.

"Sige na anak. Nakakaabala pa ako sa pag aaral mo. Gustohin ka mang kausapin ng Papa mo pero masyado syang abala sa pagluluto ngayon. Kumain ka na ba?" Tanong niya muli. God, I miss my family. Gusto kong umuwi sa probinsya namin. Nakakalungkot manirahan dito mag isa. Mababaliw ako.

"Opo Ma. Ingat po kayo parati. Alagaan nyo po ang kalusugan niyo." Saad ko na lamang.

Ibinaba ko ang cellphone ko at inilagay ito sa gilid ko. I closed my eyes before my tears started to form. It will be worth it, self. You can do this. This is all for them, so you can do it.

I tried to cheered myself, but I always fail. Sa pagtungtong ko dito sa Manila ay para akong sinampal sa katotohanan na may malaking pagitan pala sa isang studyante na may potensyal at studyanteng may pera ang magulang.

Our system was denying this becaus it is the truth and it is also the reality. The gap wall between rich and poor. My mind was in constant battle with myself, again.

I slept with heavy heart last night.

"Rielle!"

Halos pamatalon ako ng makita ko si Hera. Agad siyang tumawa sa naging reaksyon ko.

"What happened to you?" Tanong niya habang sinasabayan niya ako sa paglalakad. Hindi ko siya sinagot at sa halip ay lumiko ako para makarating sa classroom namin.

"Let me guess! It is about financial? Again?" Tanong niya saakin. Alam na alam niya kung ano man ang hindi ko kayang pag usapan. I don't want her to pity me or to sympathize me because I know she cannot relate to it.

Hindi parin ako kumibo dahil marami akong iniisip. Isa na doon kung saan ako maghahanap ng pampuno sa pambayad sa school.

"Sabi ko naman sayo, pwedi kitang ipahiram eh! Kahit kailan mo pweding bayaran, okay na rin na hindi! Pero dahil alam kong ma pride ka at ipagpapapilit mo pa rin na bayaran ako, edi okay lang!" Mahaba niyang saad. Hinarap ko siya.

"Look, Hera! I really appreciated your help, but I really need to earn it. Ayaw kong mangutang sa kahit sino."

"Edi, magtrabaho ka nalang sa lab namin! Paghihirap mo na 'yong pera." Suhesyon niya. Minsan niya din itong inalok saakin at gusto ko ang naging offer niya, pero dahil sa schedule namin. Hindi ito pwedi.

Law of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon