The Book of Enchantment-Chapter 1-Ang Simula

70 4 0
                                    


Ang pangalan ko ay Alehandro Banzon,tawagin nyo nalamang akong Lei. Ako ay 20 taong gulang. Nakatira kami ng pamilya ko sa isang baryo sa aming probinsya. Ngunit simula ng tumuntong ako ng kolehiyo, nanirahan na ako sa Maynila para magaral sa Unibersidad ng Pilipinas o UP.

Ika-26 ng Agosto,umuwi ako sa aming probinsya upang ipagdiriwang ang aking ika-21 na kaarawan.

Pagkauwi ko ay agad akong nagmano saking mga tiyo at saking mga tiyahin. Syempre agad rin akong nagtungo sa aming bahay upang makita ang aking pamilya.

Nadatnan ko lang ang aking tatay noong araw na iyon na paalis narin. "Saan ka ho pupunta tay?",tanong ko sa kaniya at sabay mano narin. "Susunduin ko na ang iyong nanay, pauwi narin kasi sya dahil namili sya ng mga ihahanda natin bukas para sayong kaarawan". Ang sagot nya naman saakin. "Sige ho tay sunduin nyo na si nanay tiyak na naghihintay na sa inyo iyon, mag ingat po kayo ha". Ang sabi ko sa kanya bago sya lumisan.

Habang hinihintay ko ang aking mga magulang naisipan ko munang puntahan ang aking lolo sa kanyang bahay. "Lo? Lo!" Sigaw ko habang hinahanap sya. Si lolo nalang kasi ang mag-isang naninirahan dun dahil pumanaw narin si lola noong nakaraang taon. "Apo?" Wika ka ni lolo nung sya ay nakita kong nakaupo sa silya. Agad ko syang nilapitan at niyakap.

Lumipas ang 2 oras, busog nanaman akong umuwi dahil sa kwento at pagkaing inihanda ni lolo. Nakauwi nako at nadatnan ko narin sila nanay at tatay na inaayos ang mga nabili nilang pagkain. Binati ko sila at agad naring nagtungo sa aking kwarto.

Isinaksak ko ang charger ko at chinarge na rin ang aking telepono. Habang hinihintay ang hapunan binuksan ko ang aking bag at nakita ko ang isang librong maalikabok na pinamagatang "The Book of Enchantment". Bubuksan ko na sana ito ngunit tinawag narin ako ni ate para sa hapunan.

Masaya kaming nagsalo-salo sa masarap na potaheng iniluto at inihanda ni nanay. "Aghh, busog nanaman" wika ko bago magpaalam sa kanila at umakyat saking kwarto.

Chineck ko ang oras "8:30" gusto ko sana na buksan na ang libro dala ng pananabik kong makita ang nilalaman nito. Ngunit naalala ko na kailangan ko palang kitain ang aking mga kaibigan dahil minsan lang kung magsamasama kami at ito narin ang maagang selebrasyon namin para sa kaarawan ko.

Masaya ang naging pagsasama sama namin. Gabi na punong puno ng kwentuhan at tawanan. Mga kalagitnaan na ng gabi ng nakauwi na ako mga 11:30 narin nun. Tulog na ang lahat kaya agad narin akong nahiga saking kama at natulog na.

"Ting" "Tagaganan" paulit ulit ko itong narinig. Naisip ko na iyun yung alarm ko pinatay ko iyun at natulog ulit dahil sa pagod.

"Hayyyy, tanghali na?, antagal ko palang nagising" wika ko pagkagising kasabay ng tawa. Ng pagbaba ko nakita kong abala ang lahat para sa paghahanda sa kaarawan ko kinabukasan. Sinalubong ako ni nanay ng palabas nako.

"Nak,kainin mo na yung inihanda kong paborito mong dinuguan" sabi ni nanay bago ako papuntahin sa hapag-kainan. Pinagsandok nya parin ako kahit na abala sya. Masaya syang umalis at nagtungo pabalik sa kusina.

Habang sila ay nagluluto si ate at ang kasintahan niya naman kasama ang mga kaibigan nila ang nagayos sa veneu kung saan ipagdiriwang ang kaarawan ko. Simpleng selebrasyon lamang ang gusto ko para saking kaarawan.

Kinahapunan, Nagtungo na ako sa bayan ng Balanga para ipayos at ipagupit ang aking buhok.

Pagka-uwi ko ay handa ang lahat para sa kinabukasan.

Maagang natulog ang lahat dahil sa pagod para sa paghahanda at para maaga ring makapunta sa veneu.

Habang ako ay natutulog napaniginipan ko ang isang lugar na hindi pamilyar sa akin. May nakita raw akong isang lalake na nagsasabi saaking "Isa ka sa pinili ng birtud ng puno ng kapalaran"

Naputol ang panaginip ko at nagising. "Binigyan ako ng kaba nung panaginip nayun ha" sabi ko habang ginigising ko ang diwa bago bumangon.

Nagayos na ang lahat para mamaya. Nagmukang mga mahaharlikang prinsipe at prinsesa ang aking pamilya kasama ng mga taong may mahahalagang parte para saakin kaarawan.

Masaya ko ipinagdiwang ang kaarawan ko kasama ng mga taong may mahahalagang parte sa aking buhay. Pagkayari ng masayang araw na iyun ay masaya,busog at kontentong umuwi lahat.

Agad akong nagtungo sa aking kwarto at nahiga,di nagtagal ay nakatulog narin ako. Muli nanaman akong nanaginip, narinig ko nanaman ang boses ng isang lalaki "Siya nga!" " Siya nga ang huling taong kukumpleto sa 9 na alamat" Muling tinapos ng aking paggising ang panaginip ko na iyun.

Habang nagaalmusal ay binanggit ko sa pamilya ko na simula nitong mga araw ay nanaginip ako ng kakaiba. Sinabi naman nila sakin nasi lolo raw ang bihasa sa mga panaginip at mga lumang kasabihan. Tinapos kona ang almusal ko at nagtungo sa bahay ni lolo.

Kinausap ko si lolo. Tila alam nya lahat kung ano ang nangyayari. "Apo,ikaw ang nakatakda". "Na-nakatakda?" Tanong ko na sinabayan ng panginginig at kaba.

Pinaliwanag nya sakin ang lahat. Kada 5 limang dekada(50 taon). May 9 na angkan ang tinaguriang alamat sa libro ibinigay ko saiyo.

"Si lolo ang nagbigay nung libro na iyon?" Tanong ko sa sarili.

Ang 9 na angkan ay ang angkan ng mga Del puerto, Dela Cruz, Martinez, Leones,Clemente,Quinta,Garsota,Rodriguez,at ang ating angkan Banzon.

"Kasama tayo?" Tanong ko at mabilis naman sinagot ito ni lolo ng oo. Sinundan ko ang tanong ko ng isapang tanong "Bakit po puro galing sa espanyol na mga angkan ang 9 na alamat na angkan?"

"Dahil ang libro na ito ay isinulat sa espanyol na isinalin sa ingles at tagalog". "Ganon po pala." Sagot ko sa aking lolo.

Pinagpatuloy na ni lolo ang kanyang explanasyon. Ang 9 na taong pinili ay ang poprotekta sa isang mundo,sa mundo ng mheilfrim. Maraming pagsubok ang haharapin ng 9 na itinakda.

"Ano naman po ang kinalaman ng book of enchantment sa mundo ng mheilfrim?"

"Mukang pagabi na apo,bumalik ka nalang bukas sasagutin ko ang katanungan mo at itutuloy ang kwento. Baka kasi mapagalitan kapa ni nanay mo kilala mo naman iyon" wika ni lolo kasabay ng pagtawa.

***

QOTP(Question Of This Part)

Ano kaya ang nilalaman ng librong iyon?

Ano kaya ang kasagutan sa tanong ni Lei?

Paano babaguhin ng librong "The book of Enchantment" ang buhay ni Lei?

Next Chapter:

Chapter 2-Ang Paglalakbay

The Book Of EnchantmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon