Gumising ako sa isang umaga na kay ganda. Bagong umaga sa mundo ng mheilfrim. Bagong mundo na aking ginagalawan. Ito na ang ika-3 araw ko sa mundong ito. Sa mga araw na lumipas, marami-rami narin akong nalaman. Ngunit hindi pa sapat ang mga ito upang lakbayin at iligtas ang mundong ito na sinasabi nila na nasa panganib.
"Tok! Tok! Lei! Andyan kaba?" Boses na narinig ko sa likod ng pinto. Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Zandra. "Gusto mo nabang mag-agahan?" Sinagot ko ang tanong niya ng isang malaking oo.
Nagtungo narin kami agad sa hapag-kainan. Nakita ko ang sandamakmak at masasarap na pagkain. "Niluto mo ba lahat ng to?" Tanong ko kay Zandra. "Oo luto iyan ni Zandra, siguradong masarap iyan." Wika ng isang pamilyar na boses.
Sinundan ko kung nasaan nang-gagaling ang boses. Napatingin ako sa isang pamilyar na lalake na nakasandal sa pader na malapit sa lamesa. "Ederick! Andito kana pala tara at maupo na tayo at kainin ang niluto ko. Baka lumamig pa iyan." Ta-tama! Siya si Ederick. Pamilyar na boses at pamilyar na buhok.
"Ano? Tatayo ka nalang ba diyan?" Ang sabi ni Ederick. Kayari niyang banggitin ang mga salitang iyon ay agad narin akong umupo at kinain ang masasarap na putaheng inihanda ni Zandra.
"Mabuti pa ay bilisan na nating kumain para makapagpahinga tayo at makapagsanay na rin at para malaman mo kung ano ang kakayahan at kapangyarihan mo." Ang sinabi ni Zandra na iyon ang mas nagpabilis ng kain ko. Minadali ko pang pagkain ko ngunit sinugurado ko na nangunguya ko ito ng mabuti bago lunukin.
Natapos naming tatlo ang agahan. Iniligpit na ni Zandra ang aming pinagkain. Di na ito huhugasan dahil ang platong ginamit namin ay dahon ng saging. Parang katulad lang kapag kami ay nag bo-boodle fight sa mga araw na may okasyon kasama ang aking pamilya. Haysst,mukang lalo kong namimiss ang bawat sandaling kasama ko sila.
Habang nagpapahinga, si Ederick na ang nagtapon ng dahon ng saging na aming pinagkainan. Samantalang si Zandra naman ay nagpalit na ng damit para sa pagsasanay. Nadumihan kasi ang kaniyang damit habang nagluluto siya.
Nakabalik na Ederick, di nagtagal ay niyaya narin kami nito para lumabas at mag sanay. "Saan ba tayo magsasanay Ederick? Sa dati ba nating lugar?" Ang tanong si Zandra kay Ederick. Sinagot naman ito ni Ederick, "Siyempre! Wala naman na tayong ibang pagpipilian. Atsaka dapat patago tayong nagsasanay para hindi makita ng ibang tao na nasa paligid natin.
Umalis na kami at sinundan ang mga yapak ni Ederick. "Teka, saan ba talaga tayo pupunta? Malapit na ba tayo? O malayo-layo pa?" Ang tanong ko sa kanilang dalawa. "Malapit narin naman." Ang sagot ni Ederick na sinundan naman ng sagot ni Zandra. "Atsaka muna malalaman. Sabi nga Ederick malapit na diba. Konting tiis nalang.
Habang kami ay naglalakad napansin ko na sa gubat kami dumaan. Para bang ang layo ng pupuntahan namin. Sinulit ko natin ang sandali na iyon at nagtanong. Paano niyo ba napapalabas ang kapangyarihan na taglay nang isang itinakda?
"Siyempre ang pinaka kailangan mo ay pokus. Magpokus ka para makasagap ng enerhiya at gamitin ang naipong energhiya para mapalabas ang kapangyarihan mo." Paliwanag sa akin ni Zandra. Aghh ganun pala. Pero paano naman mapapalabas ang kapangyarihan na naipon mo?
"Hindi lang napalalabas, pwede mo ring kontrolin at galawin. May ibat ibang paraan. Pero ang pinaka normal at pangkaraniwang paraan ay sa kamay. Kami ni Zandra kamay ang gamit naming dalawa." Ang sagot ni Ederick sa tanong ko.
Di nagtagal napansin ko na papalapit kami ng papalapit sa bundok. "Mukhang andito na tayo, kailangan nalang natin na akyatin ang bundok para makapagsimula na sa ating pagsasanay.
Paano naman natin aakyatin yan? Eh, parang isang maling tapak mo lang ay malalaglag kana. "Simple, edi huwag kang mamali ng tapak mo." Pilosopong sagot ni Ederick. Ang tino-tino ng sagot mo no? Makakatulong yan ng sobra no? Tinawanan lang nila ang sagot ko na iyon.
Inakyat namin ang bundok na iyon. Madali nalamang para sa kanila to. Gaya nga nang sabi nila kanina, dati na nila tong pinupuntahan. Mataas na ang naaakyat nila. Pero ako nasa kalagitnaan parin. Pero sa sunod na tapak ko, hindi ko inasahan na namali ako nang tapak. Natapakan ko ang parte na kung saan ay marupok ang bato. Nahulog ako ng hindi inaasahan.
Saklolo! Tulong! Sigaw ko sa kanilang dalawa. Pero hindi nila magagamit ang kapangyarihan nila sa palagay na ito. Dahil sa oras na gamitin nila yon, kailangan nila na gamitin ang dalawa nilang kamay at magpokus para makasagap ng mga enerhiya at gamitin ito.
Pinikit ko nalang ang mata ko at hinintay na bumagsak ako sa lupa. Huminga ako nang malalim para hindi matakot ng sobra. Pero sa di inaasahang dahilan hindi ko naramdam na bumagsak ako. Para bang nakalutang lang ako sa hangin.
Binuksan ko ang mga mata ko. Nagulat ako dahil lumulutang nga ako. Nakita ang gulat sa mga mukha nila Zandra at Ederick.
Unti-unti na akong bumaba sa lupa. Hindi ko alam ang pakiramdam. Takot, kaba, pagkamangha. Halo-halo ang nadama ko.
Pagkayari ng nangyari ay umakyat na kami sa bundok. Sa pagkakataong ito inalalayan na nila ako.
Mabilis naman kaming nakaakyat. Nagpahinga muna kami saglit bago magsimula sa pagsasanay.
"Bago tayo dumeretso sa tunay na pagsasanay kailangan mo munang malaman kung paano mo kokontrolin ang kapangyarihan mo."
"Gaya ng sinabi namin. Ang una ay ang pagpokus. Kasunod ang pagsagap. Ikatlo ang paiipon. Pang apat ay ang paghahanda sa pagpapalabas ng kapang yarihan mo. At ang huli naman ay gamitin na ang kapangyarihang taglay mo."
Masigasig akong tinuruan nina Zandra at Ederick. Sinuklian ko ang pagpapaliwanag nila ng pakikinig.
"Mukang tapos na tayo sa paliwanag ngayon, kailangan mong makita kung paano ito gawin,gamitin at kontrolin." Huling sinabi ni Ederick bago siya magsimula sa demonstrasyon.
Gaya nang sabi niya, pinakita niyang ang taimtim niyang pagpopokus. Sinunsan niya ito ng paghinga ng malalim at tuluyang puwesto na parang naka islayd ang mga paa at nakasara ang kamao.
Minulat niya ang mata niya tila sumuntok nang malakas sa hangin. Umakyat ang lupa na tinatayuan niya ang pumunta sa direksyon kung saan siya sumuntok nung una. Nakita ko ang pulido niyang paggalaw at napakagandang kapangyarihan niya.
Pagkayari ng demonstrasyon ni Ederick. Magpapakita sila ng isang duelo. Nagsimula sila. At sawakas na saksihan ko ang nakakamanghang kapangyarihan ni Zandra. Para siyang sumasayaw sa hangin. Sa bawat indak maririnig mo ang pagdaloy nang tubig.
At mula sa kalapit na ilog ay kanyang kinuha at ginawang parang matulis na sandanta ang tubig ngunit ang lahat nang iyon ay di umubra sa lupa ni Ederick. Napakatibay ng Depensa ng lupang kontrol niya.
Tinapos na nila ang duelo at tinanghal na panalo si Ederick dahil halos mauubusan na ng lakas si Zandra.
Pinatunayan lang ni Ederick sa aking mga mata na halos walang makakatalo sa depensa ng lupang kaniyang kinokontrol
***
Iyownnn. Umabot kana sa dulo ng Chapter 4. Sana ay hanggang sa dulo ng istorya na ito ay nandito ka. Ito na ang ating QOTC.
QOTC(Question Of This Chapter)
Ano ba talaga ang kapang yarihang taglay ni Ederick?
Paano kaya ang naging pagsasanay ni Ederick para makamit ang ganong lakas?
Sino-sino pa kaya ang mga natitira pang kokompleto sa 9 na itinakda at ano-ano ang kapangyarihan nila?
Next Chapter: Ang Bagong Kaibigan
BINABASA MO ANG
The Book Of Enchantment
FantasyAng librong ito ang bumago sa aking buhay Simpleng librong isinulat ng mga espanyol At isinalin sa ingles at tagalog Napakaraming bagay ang matututunan ko Samahan nyo akong lakbayin ang Mheilfrim Read and enjoy!